Betty:
The sunlight passes through the window screen and the scorching heat of the sun wakes me up, pota. Umi-english si mamang.
Nagising ako ng mga almost 6:30am. Medyo tanghali yun unlike the usual gising ko na mga 5 or 6am. Weird, nakakapanibago kasi yung feeling ee. Parang may nangyare na ewan. Like biglang pumasok sa isip ko na ayos na daw kami ni Randy.
My god, eto ba nagagawa ng Cafe Latte na pinainom sakin ng mga bakla kong kaibigan? Nakakaloka, masama pala kong nagkakape. Napagusapan kasi namin sa coffee shop last night nung nag shopping kami na makipag ayos nga ako kay Randy para sa kapakanan ng buong Encantadia.
I mean, ng buong klase namin mga bes.
NO.
Never bes diba? Pero bat biglang nagfa-flashback sakin yung panaginip ko kagabe? Like what, nastranded kami ni Randy sa elevator ng kami lang dalawa. As in, buti nga hindi pa yung apocalypse or something like that na magpapatayan kami para kainin yung laman nya para mabuhay. Nye nye, ang wild ng imagination ko ampota.
"So ano? Friends? You know what, pwede mo naman akong lapitan kung may mga problema ka ee. Ewan ko ba sayo at sobrang war freak mo sa mga teacher sa school" sabi nya. Naalala ko yung line na yun
"Fine, magpapakabait na ko. Hindi na ko mangaaway ng mga profs. Magaaral na kong mabuti. Hindi na kita babastusin. Para sa papa ko, para sa ekonomiya ng Pilipinas ganern" sagot ko naman. Teka nga, bat nadamay ang papa ko?
My god, lasing ba ko? Bat hindi ko na maalala yun? Pero ang lakas talaga ng kutob ko na hindi panaginip lahat yun ee. Hutaena.
Natigil lang ako sa pagiisip kung ano nangyare ng biglang tumawag ang mga Gaga. Lagi kasi nila kong dinadaanan sa condo at sabay sabay kaming pumapasok.
"Bakla ka, ano ba nangyare? Bat hindi ka namin macontact kagabe? Nakakaloka ka" bati ni Gaga pagkasagot ko.
"Ano? Malapit na kami sa condo mo. Ayos ka na ba? Baka naman paghihintayin mo pa kami aa? Sinasabi ko talaga sayo, iiwan ka namin" sabi nya. Napatayo tuloy ako agad at dali daling nagayos.
Pero nakakaloka talaga. Hindi nila ko macontact kagabe? Hindi kaya? Dont tell me, Oh my gosh.
•••
Pagbaba ko sa lobby ng condo. Halos sabay kaming lumabas ni Randy sa magkabilang elevator. Medyo nagkagulatan pa kami pero nagulat ako sa approach nya kasi tumango sya at nakangiti sakin.
Engks. Ngumiti?
Ngiti ata yun. Pero bat nya ko nginitian? Nainlove na sya sakin? Ay so wrong bes, baka mawalan sya ng lisensya.
"Sakay na bakla!" Sigaw sakin ni Arnie nung nasa may labas na ko ng Condo.
"Infairness, medyo maaga ka ngayon. Hindi ka naligo no?" Asar ni Stacy
"Hoy! Naligo ako no? Hindi lang ako nakakapag ayos" sagot ko. Basa basa pa kasi yung buhok ko at hindi pa ko nakakapag make up.
Pagbukas ko ng bag ko para kunin yung make up kit ko. Nagulat ako kasi may isang punit na t-shirt yung bumungad sakin.
T-shirt ni Randy to aa!?
"Pangpunas mo sa tears of joy mo" biglang flashback sakin nung isang scene sa panaginip ko.
Pota. Hindi na panaginip yun bes, totoo na pala yun. 100% sure na nga.
"Bakla ka, bat naman may basahan ka sa bag?" Tanong ni Arnie kasi natigilan ako habang iniisip kung paano napunta yung tshirt ni Randy sa bag ko. Pota. Iniwan nya pa