Chapter 1: First Meeting

76 2 0
                                    

Betty:

"Hello bakla!? Ano na? Almost 15 mins na kami naghihintay sayo dito sa baba? Hindi ka pa ba tapos magbihis!?" Sabi ng kaibigan kong si Arnie habang kausap ko sa phone.

"Jusko, eto na mamang. Pababa na akis. Waitsung lang mga beshie. Sorry na" sabi ko sabay nagmamadaling isuot yung dress ko at heels. Pasensya naman mga bes. Alam nyo naman ang mga girls, matagal talaga magayos.

Napagdesisyunan ko na sa elevator na lang magmake up since nasa 20th floor naman ako ng condo. Nasa may 18th floor palang ata ako nun nung huminto yung elevator at may pumasok na isang lalaki na pwede ng iburol. Charot. Sobrang classy nya kasi mga bes. At aaminin ko, gwapo si kuya. Kaso mukhang nasa kasagsagan ng kanyang monthly period.

Medyo nahihirapan akong mag make-up habang nasa elevator kaya labag man sa loob ko, kung may kahihiyan man ako. Kinapalan ko na ang mukha ko at humingi ng pabor kay kuya.

"Hi. Im Betty" pakilala ko. Langya. Wala ng hiya hiya talaga to bes. Push na to. Para sa pagaura at rampa.

Binigyan nya lang ako ng confused look. Nakakaloka, hindi ba sya nahumaling sa beauty ko?

"Pwede pahawak?" Dere-derechong sabi ko. Pakapalan na ng mukha to mga bes. Medyo hindi nya ko pinansin kaya ako na mismo ang kumuha ng kamay nya at binigay sa kanya yung salamin.

"Thank you" sabi ko at hawak nya yung salamin at tinatapat sa mukha ko.

"Ayusin mo naman kuya, hindi ako maka anggulo ee" may pa demanding na sabi ko. Tahimik lang sya na tinatapat yung salamin sa maganda kong fez regardless kung ano reaksyon nya. Sa ngalan ng make up at blush on saka lipstick. Ayan, modeling 101 na ulet ang peg ko. Fresh na fresh na.

"Ay, thank you" sabay kuha ng salamin sa kanya sabay ayos ng konti sa long hair ko. Sabay ngumiti sa harap ng salamin. Im so pretty talaga mga bes.

Nung nakababa kami sa ground floor ng condo, tinignan nya ko na parang ano ba. Basta, yung parang nagagandahan sya sakin? Char lang mga bes. Iba lang kasi yung tingin nya pero kebs lang. Pag baba ko sinalubong na agad ako ng mga beshies ko.

"Bakla ka! Ang tagal mo! Alam mo bang nakatapos na kami ng isang episode ng korean drama na pinapanuod ko" sabi ni Arnie. Well, kung 7am sila naghintay dito at bumaba ako ng 8:15am para pumasok sa 9am class namin. Ay bongga. Sobrang late ko pala.

"Naku sorry mga besh, alam nyo naman. Maganda kaya kailangang magayos ng bonggang bongga to the highest level ganern!" Sabi ko saka pumasok sa kotse ni Stacy at nagdrive na papasok ng school.

"Bakla ka puro ka pagpapaganda, hindi naman pantay yang lipstick mo" bati ni Arnie. Oo nga besh, nakakahiya. Badtrip kasi si kuyang nasa elevator ee. Hindi kasi inaayos paghawak. Kaya ayun, inayos naman ni gaga yung lipstick ko para sakin.

"Thanks beks" pasasalamat ko. Ayan, may utang na loob pa ko sa kanya.

Pagdating namin sa school. Sabay sabay kaming naglakad sa hallway with our shades on. Ang taas ng araw mga besh pero yun talaga ang signature namin. Naka shades pa kami at mala Miss. Universe na rumarampa papasok sa hallway at may poise na hawak yung mga mamahalin naming bags. Yung tipong, may hangin na lang ang kulang para kontrabidang kontrabida ang datingan.

"Excuse me, ID nyo" sabi nung guard. Panira naman ng moment si manong.

May pa slow-mo kong tinanggal yung shades ko. Saka ko sya tinignan mula ulo hanggang paa. Pak na pak mga besh. Kontrabida effect to.

"Excuse me kuya, as far as I remember. Were here to study, not to promote this school" may paarteng sabi ko. Tameme naman si kuya.

"Charot lang! Eto kuya oh?" Sabi ko sabay labas ng ID ko sa bag. Pero bilang magaling na magaaral ng unibersidad na ito. Hindi ko pa din sinusuot yung ID ko, wala lang. Ayoko lang idisplay yung mukha ko sa mga kaklase ko.

The Devil in Suit and Tie [Ang Terror Kong Prof]Where stories live. Discover now