Betty:
"Ano nangyare bakla? Bat ganyan yang mukha mo?" Tanong ni Arnie pagdating ko sa canteen.
"Wala, si Randy kasi, I mean. Si Sir Randy kasi. Iniiwasan na nya ko" sagot ko.
"Omaygad" react naman nitong si Stacy
"Ginagawa nya lang ang tama girl. Siguro alam nya na din na nahuhulog ka sa kanya kaya sya na mismo ang gumagawa ng way para lumayo ka" sabi naman ni Arnie at pina-pat yung likod ko.
"Sus, maliit na bagay. Props lang naman tong lahat ng to ee. Ano ba? Kaya lang naman kami nagkamabutihan dahil sa grades ng buong klase natin, eh okay na diba? Kaya tapos na yun. Back to the bitchesa mode na ko" sagot ko na lang.
"Wushu, ang bakla ume-emote" asar ni Arnie.
"Okay lang yan girl, basta ang mahalaga okay na kayo ni Sir. Randy. Hindi naman kayo ganun na magkaaway na diba?" Sabat ni Stacy habang nakikipag text sa isang boylet na nanliligaw daw sa kanya.
"Maiba tayo, kamusta na ba kayo ng Carlo na yan?" Tanong ko kay Stacy para madivert naman yung topic.
"Wag mo ibahin ang usapan bakla" maarteng sabi ni Arnie.
"Jusko, ano pa ba dapat pagusapan dun? Tapos na nga diba? Umiiwas na sakin si Randy. Iiwas na din ako sa kanya. Basic" sagot ko.
"Talaga lang aa?" Paniniguro nya.
"Oo" sagot ko. Sana nga lang mapanindigan ko mga bes.
•••
Hindi kami pumasok sa isang subject namin sa hapon dahil biglang nag-aya tong si Stacy na lumabas dahil makikipag kita nga daw dun sa Carlo na taga-ibang school.
Syempre bilang mga friendships kami, kasama kami. Kung baga, boys nya. Boys din namin. Ganern. Charot lang. Pero syempre gusto daw kasi talaga na ipakilala samin ni bakla tong boylet na nanliligaw sa kanya. Para daw kami yung maging judge kung sasagutin nya daw o hindi. Jusko, nagmukha pa kaming panelist sa thesis defense ampota.
"Ano ba course ni Fafa Carlo mo girl?" Tanong ni Arnie habang nasa kotse kami papunta sa SM. Dun kasi yung meeting place daw nila
"Electrical Engineering" sagot naman ni gaga habang nagmamake-up pa. Si Arnie kasi ang nagdri-drive habang busy sa pagpapalande, I mean pagpapaganda tong si gaga.
"Grabe bakla no? Dati iyakin, uhugin, sakitin, lampa, hikain, pasmado tong kaibigan natin. Ngayon, nagpapaligaw na. Iba na talaga" kyemeng sabi ko.
"Gusto mong itulak kita pababa habang umaandar Betts?" Kunwari naasar pero natatawang sagot ni Stacy.
"Grabe kayo sakin! Kainis kayo, ano? Maganda na ba ko? Sa tingin nyo mahuhumaling si Carlo sakin?" Tanong ni Stacy habang pinapakita ang fez nya.
"Bes, kunwari ako si Cassiopeia. Nakikita ko sa mga mata ko, takot daw sa clown yung Carlo mo. Kaya pwede, bawasan mo yung foundation mo?" Sagot ko kaya ako na mismo ang nagayos ng mukha nya. Masyado naman kasing rush ang pagpapaganda nitong si gaga.
Nakarating kami sa SM at habang nasa parking lot kami, tinext muna namin yung Dennis kung saang lupalop sya ng SM matatagpuan.
Classic Savory sa may ground floor.
"Oh ayan na bakla, nag text na. Tara na" excited na sabi ni Stacy habang palabas ng kotse.
Sa medyo masamang pagkakataon, sa 3rd floor kami nagpark. Wala na kasing space sa basement ee. Kaya nag elevator pa kami pababa.
"Wait" sabi ni Stacy habang binabasa yung text ni Carlo.
May kasama kong friends ko, okay lang?