Betty:
"Ms. Betty? Why are you late?" Tanong ni Ms. Anne. Yung prof namin sa isang major subject namin na sobrang bait, as in sobrang bait bes. Kabaligtaran ng Randy na yun.
"Im sorry Mam, ugh. Im, Im, Im just talking to, oh wait. How do I say it? Omaygad" nakakaloka mga mamang. Hindi ako makapag construct ng tamang grammar.
"Ugh, basta mam. May kinausap lang po na prof sa Faculty" sagot ko. Ayan, napatagalog ako kahit na may bayad na 5pesos per tagalog words sa subject na to.
Umupo ako sa designated place ko sa may tabi ng bintana para magpalipas oras, donchaworee mga bes. Close naman kami ni Ms. Anne ee, kaya hindi naman nya ko papagalitan kahit na mageskandalo ko dito.
Know what, nakakatuwa lang talaga sa kanya is she has the true essence of being a committed teacher. Oh pak ganern, englishan yun. I mean, nauunawaan nya talaga kami sa bawat kilos, salita, pati pagutot counted na din. Eme lang, but seriously. Nasense nya kasi na sobrang tahimik ng mga kaklase ko.
"Class, I dont need to be a pyschic to see that something is bothering you. I mean, why the atmosphere is so gloomy? Why are you frowning?" Tanong nya.
"Because, Mam--" magsasalita sana yung isang classmate ko kaso bigla syang inunahan ng iyak. Nakakaloka, drama class na ata pinasukan ko ee.
"Whats the problem Mindy?" Tanong ni Ms. Anne at nilapitan na yung babaitang iyak na ng iyak.
"Binagsak po kami ni Sir. Randy ee" sagot ni Mindy daw. Ay bes, sorry. Hindi ko kasi kilala lahat ng mga classmates ko.
Pero nagtagalog sya, 5 pesos mamang. Yun talaga yung point ko. Pero nevermind.
"Why?" Tanong ni Ms. Anne
Naloka naman ako sa mga classmates ko at talagang nakaturo sila sakin.
"Whats with Ms. Betty?" Tanong nya
"Kasi po sya ang may kasalanan ng lahat! Binabastos nya po kasi si Sir. Randy ee! Ayun, dinamay nya po kami" sumbong naman ni Garfield.
"Hoy echosera kang bakla ka aa! Wag mong dinuduro duro ang bestfriend ko!" Matapang na sabat ni Arnie. Sabi sa inyo ee, mortal frienemies tong dalawang bakla na to ee.
"Bakit, totoo naman aa!?" Matapang na sabi ni Garfield. Konti na lang magsasabunutan na to ee.
"Hush people! This is a serious matter" sabi naman ni Felicity. Yung, what you called that? Nerd ng klase namin. Taray ni ateng, sya lang sumusunod sa English Only Policy anez ng room namin.
"Calm down guys, calm down" saway samin ni Ms. Anne in her most gentle tone. Oh diba? Buti pa talaga sya, kaya wala akong lakas ng loob na magwalanghiya sa kanya ee.
"Eh mam, kasalanan naman po talaga nya ee" protesta ng mga kaklase ko at ako ang tinuturo. Nakakaloka sila.
"Okay, its Ms. Betty's fault. But c'mon guys. Dont blame her, maybe its out of Sir. Randy's whim" sabi ni Ms. Anne
"Mam. Pwede pakitagalog na lang?" Request nitong si Garfield.
"Okay, fine. Malay nyo nabigla lang si Sir. Randy nyo, ano ba kayo. Hindi naman ata seryoso yun" sabi ni Mam.
Oo nga naman, malay nga naman natin April fools lang pala.
Pota. November na bes. November fools ganern?
![](https://img.wattpad.com/cover/83116207-288-k757205.jpg)