Betty:
"Okay ka na ba talaga?" Tanong ko kay Randy nung nasa may 7Eleven kami. Napilitan kasi kaming mag stop over muna para magpalamig sandali.
"Oo, okay na ko." Sabi nya sabay kuha ng baso ng slurpee.
"Umiinom ka din pala nyan?" Tanong ko.Hindi ko kasi expect na dun kami dederecho. Kaso nung nasa Slurpee machine na kami unfortunately, wala pa. Hindi pa sya okay kaya napilitan syang mag-gulp na lang.
Kumuha din sya ng Big bite hotdog at isang budget siopao.
"Naku, wag na. Manlilibre ka pa ba?" Tanong ko. Bakit andami naman ata ng bibilhin nya?
"Ha? Akin lang to. Libre ka dyan?" Sagot nya sabay sara nung pinto ng steamer ng siopao. Yung konting mainit na hangin ng pagkakasara nya yung nagpabalik sakin sa pagiging bitchesa ko. Walangya, assumera pa ko ngayon.
Lagi na kong nababara ni Randy. Jusko, bully din tong si luko ee. Realtalk
Bumili ko ng dalawang siopao at dalawang big bites na hotdog. Wala lang, papansin lang sa kanya. Medyo nakataas yung kilay nya nung nakita nya yung hawak kong tray.
"Sayo lang yan?" Tanong nya.
"Oo" may pagirap na sagot ko.
Unexpectedly, nagulat ako kasi bigla nyang kinuha yung tray ko at saka naglabas ng wallet nya.
"Im kidding, Ill manage" sabi nya at sya nagbayad ng mga kinuha ko. Nak ng teteng. Tatanaw pa ko ng utang na loob ngayon. Tsk tsk
Nung nakapagbayad na sya, sabay kaming lumabas at sumakay na sa kotse nya. Nung papasok na kami. Syempre, medyo nahiya ako ng mga 50%.
"Nakakahiya naman, nasan yung resibo? Bayaran ko na" sabi ko. Galante naman dis bebe boy este prof.
"Sus, hindi na" sabi nya sabay start ng kotse.
Ewan ko ba kasi bat nag stop over pa kami sa 7Eleven ee. Kanina sobrang pang Famas ang actingan namin, ngayon tropa tropa na lang.
Binuksan nya yung stereo ng kotse nya at nakinig sa mga kanta na naka blutooth sa phone nya.
Naks. Bagong phone ulet. Lol. Yun talaga napansin ko
At infairness and ferb. Aba, may taste din pala sa music tong si Randy no? Ed Sheeran songs kasi yung mga nasa playlist nya, and also Bruno Mars, Taylor Swift!? Yes, Taylor Swift.
Na stucked kami kasi traffic sa isang kanto malapit sa may condo, kainis. Konti na lang ee. Medyo awkward pa namang kasama tong si Randy. Malay mo bigla na namang lumabas yung Devil alter ego nya? Kunwari nag sign of the cross. Wag naman sana mga mamang.
Maya maya, may biglang kumatok dun sa bintana ng kotse ni Randy. Mga batang hamog. Seryoso, yung mga batang namamalimos sa kalye.
"Wag mong bubuksan!" May pagpapanic na sabi ko. Alam ko na kasi yung mga modus nilang ganun ee.
"Kuya Randy" sabi nung isang bata. Ay weh? Kilala nila si Randy?
"Ano? Kumain na ba kayo?" Tanong naman ni luko. Aba, talagang sa gitna ng traffic nya talaga balak makipagkamustahan no? Ibang klase.