Betty:
Nakakaloka ng very very light mga bes. Ang alam ko labag sa school ang pag gamit ng droga. Pero wait, sabog ba tong si Randy ngayon? Iba kasi ee. As in, sobrang kakaiba talaga mga bes.
Kailan pa sya natutong ngumiti?
Change is coming na ba?
At infer aa, ultimo ako mga bes. Tahimik lang kasi ko sa klase nya. Nakasalumbaba lang ako habang pinagmamasdan yung mga ngiti nya habang nagtuturo.
Ang cute naman pala nya ee, basta may anggulo lang at nakangiti. Nakakadagdag sa symetry ng face nya yung salamin nya. Tas medyo bakat yung biceps nya dun sa suit nya tas may dimple pala sya.
Hutaena. Pinagnanasahan ko na naman si Randy ampota.
Putrages. Hindi ako pwedeng mainlove sa isang demonyong nag anyong tao. At kahit baligtarin ko mundo at mukha mo, prof pa din yung Randy na yun. Estudyante lang ako. Pota. Bat ba naging prof ka pa?
At teka nga, talaga nga naman no? Minsan na nga lang ako magka crush sa most mortal enemy, ay wait. Hindi naman kami totally magkaaway ni Randy diba? Bat nga ba inaway away ko pa yun? I just shook my head. Baka sakaling maalala ko kung bakit.
Nasira lang yung pagiisip ko nung nagulat ako kasi biglang nasa harapan ko na si Randy. Tarages. Nakaharap pa sya sa mukha ko ng mga 5 inch away.
"Sir!?" Gulat na gulat ako. Ngayon lang nagkalapit mukha namin ng ganun. Sayang, sana pala naresist ko. Charot
"Im asking you a question, what do you called the smallest unit of sounds" tanong nya habang nasa harapan ko pa din.
Tumayo ako, with poise.
"Phonems sir, phonenems" sagot ko
"Very good" sabi nya sabay naglakad pabalik sa harap at back to the discussion na naman. Pero infairness aa, muntik na ko dun. Siguro kung nagalter ego na naman yung devil side nya malamang nagbarahan na naman kami.
Ay wait, ang bait ko ata ngayong araw? Wala pa kong inaaway at hindi pa ko gumagawa ng kawalanghiyaan sa klase ni Randy?
Teka. Hahanap ako ng tyempo.
"Thats all for today class" Ayan na. Patapos na pala si Randy. Wait
"Were done for today--" magsasalita pa sana si Randy kaso nakahanap na ko ng pangbara sa kanya.
"Done? Done. Done?" Medyo tinotono ko na sya
"Dalandone. Done done done. Real na real!"
Nakuha ko naman ang kiliti ng mga classmates ko at nagsimula kami ng isang rebolusyon
"Done done done, dalandone. Done done done. Kitang kita! Real na real"
"No artificial flavors!" Segway ni Arnie
"Done done done, dalandone"
"Real fruit juice ang sarap! Lasap na lasap, real na real, real na real. Done done done, dalandone!"
Pagkatapos nung pagkanta namin ng jingle ng commercial. Ayun, kumunot na naman ang noo ni Randy.
"Prepare for a long quiz tomorrow. Goodbye class" paalam nya. Ayun lang, pota talaga.
•••
Pagkatapos nung klase namin kay Randy. Lumabas kami nila Arnie para kumain sandali sa cafeteria regardless kung may prof na for the next class. Wala lang, kontrabida effect lang. Saka as I said, ayoko ng nagugutom ako.
Habang kumakain kami eh bigla naming napagusapan namin yung klase namin kay Randy kanina.
"Infair aa, parang ang bait ni Sir today" sabi ni Stacy