Betty:
Habang nagmamasid ako kay Ms. Anne habang naglalampungan sila nung Renzo. Parang binibiyak yung puso ko. Hindi dahil nagseselos ako, pero iba kasi talaga pagkakakilala ko kay Ms. Anne. I admit, close nga kami ee. Pero sa nakita ko, parang bigla akong nawalan ng amor sa kanya.
Sa kamalas-malasang pangyayare, biglang nagring yung phone ko dahil may text si Dennis. Fck panira ng moment, narinig yun nung Renzo kasi nakita ko na hinanap nya kung san nanggaling yung tunog.
Dali-dali akong napatakbo palayo dahil baka maloko na at mabisto pa nila kong nanunuod sa kanila.
•••
"Hoy bakla, san ka ba galing? Bat hingal na hingal ka? Sino ba humahabol sayo?" Tanong sakin ni Arnie ng magkabungguan kami sa may hallway.
"Tara na bakla!" Nagmamadaling sabi ko at hawak ang kamay nyang tumakbo papunta sa likod ng isang building.
"Nakakaloka ka bakla, ano ba nangyare? Bat ka tumatakbo?" Tanong nya.
"Wala, ano. Basta" hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.
"Jusko, may sumanib ba sayong masamang espiritu? Ikaw ba talaga yan bakla? Nakakaloka. Hindi ko na alam kung ano na nangyayare sayo recently" maarteng sabi nya. Kahit kailan talaga OA tong gagang to ee.
"Basta, ang hirap i explain ee" sagot ko na lang.
Sabay kaming lumakad ni bakla papuntang canteen kung nasan si Stacy. Nakakaloka, break time na pala namin at hindi ko natapos yung klase namin kay Randy.
Facepalm. Cutting class pa labas ko neto. Lagot na naman ako kay luko.
"Bakla, ano ba nangyare? Nag LBM ka ba?" Tanong ni Stacy.
"Ewan ko ba sa gagang yan, nakita ko na lang na tumatakbo at parang may humahabol. Jusko ateng, sinasaniban na ata tong kaibigan natin ee" sagot ni Arnie.
Nakatahimik lang ako, hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin sa mga gagang to yung nalaman ko. I know, hindi nila ko paniniwalaan. Kilala ko tong mga to, close sila kay Ms. Anne, at ako din naman ee. Pero hindi ko alam kung paano nila tatanggapin yung nakita ko.
"Bakla, ano ba? Pumunta ba sa school natin si Dennis? Hinabol ka? Kikidnapin ka ba nya?" Tanong nitong si Arnie.
"Gaga ka. Ang OA mo sa kidnap aa?" Sagot ko. Lintik na text ni Dennis yan. Pahamak.
Bigla kong naalala na hindi ko pa pala nababasa yung text na yun ni Dennis.
Sunduin kita mamaya sa school nyo. Kung okay lang, pwede ba?
"Mga bakla, balak ni Dennis na sunduin ako mamaya. Papayag ba ko?" Tanong ko. Syempre ayoko gumawa ng move na hindi ako nagcoconsult sa mga gaga at hindi ko pa kasi kilala ng buo si Dennis.
"Kasama daw ba si Gio?" Tanong ni Arnie. Pota
"Oh? Sabagay magkaiba kasi sila ng course ni Carlo. Pero alam ko may school event sila ngayon aa?" Sagot naman ni Stacy
"Ha?" Tanong ko at pinabasa samin yung text ni Carlo na may something event sa school nila.
"Anyway, may tiwala naman ako kay Carlo ee." sabi ni Stacy at nakangiting nagtetext sa phone nya.
"Wag muna bakla, sabihin mo busy ka" sagot ni Arnie.
"Sure?" Tanong ko.
"Oo, sabihin mo may gagawin ka. Next time na lang kamo" payo ni bakla kaya yun ang tinext ko.
Okay lang, understood. Ingat ka :)
Text ni Dennis. Pinabasa ko kay bakla yung nasabing text. Usually kasi, malakas ang sense ng mga bakla pagdating sa mga ganyan. You know, yung parang nararadar nila kung okay lang ba talaga o hindi, galit ba o hindi yung nagtext.
![](https://img.wattpad.com/cover/83116207-288-k757205.jpg)