Betty:
"Walangya ka Randy! Pagbabayaran mo to!" Sabi ko sabay sampal sa kanya.
"Walangya ka din!" Sagot nya sabay sampal sakin. So immature, confirm. Cenfirm? Conferm? Whatever. Bakla nga si Randy.
"Napakahayop mo!" Sigaw ko at sinusuntok suntok ko sya.
Please leave me stranded, its so romantic.
Langya. Nasira yung pagiimagine ko ng mga posibleng mangyare mamaya. Ay, oo. Imagination ko lang yun. As of now, kalma muna ko habang nakakulong pa din kami sa isang forbidden elevator at chill lang kami. Nakaupo ako sa isang gilid at sya naman nakayuko lang dun sa other side.
Nagsosoundtrip lang ako sa phone ko. Buti nga may dala kong power bank in case na malowbat ako ee. Pero hutaena, bat nga ba chill na chill at prenteng prente kong nakakulong sa elevator? Bat hindi pa ko nag rereact at nagpapanic?
Tumayo ako kasi may nakita kong CCTV. Kumakaway ako na parang tanga, my god. So desperate ko na talaga.
"Hoy! May tao dito!" Sigaw ko, as if maririnig nila ko. Pero wala naman masamang umasa diba?
"Tumahimik ka nga, hindi ka nila maririnig unless na may nakalagay na mga bug dito. Saka masyadong makapal yung mga bakal sa loob kaya hindi din makakalabas yung mga sound waves para marinig ka sa labas" sabi nya. Ngayon na lang sya nagsalita infer, at iba aa. Kalmado sya ngayon mga beshie. Pero who cares?
"Ano naman connect ng mga sound waves churva na yun?" Kyemeng tanong ko.
"I also studied Physics" sagot nya.
"Oh talaga?" Sabi ko na parang amaze na amaze ako, pero syempre joke lang yun.
"Sana magamit mo yan para makalabas tayo dito no?" Sabi ko. Wishful thinking lang.
"Tayo? Ako lang lalabas. Maiwan ka na dito" sagot nya. Ay, namproprovoke tong si Randy. Gusto na namang atang mag away kami. Tsk tsk. Well, well, well. Kunwari Malificent, kunwari kontrabida na naman.
Pero syempre, maganda ko. Kaya chill lang ako on the other side ng elevator.
Almost one hour na din kaming stranded sa elevator at kumakalam na ang aking tyan. Nakakagutom naman talaga kasi bes, wala pa kong dinner. Buti na lang hindi ako nagpapawala ng mga pagkain sa bag ko. Actually, bigay bigay lang din naman sakin to ng mga boylet na nagbabalak manligaw sakin. Eh iniistock ko lang naman sa bag ko, now ko lang na realize na may sense din pala yun. Lol
Kinuha ko yung isang lata ng imported na cookies. Yes, dapat mentioned yung imported at specific dapat na galing Europe. Ganern, ganun ako kamahal nung boylet na nanliligaw sakin. Hindi ko kilala ee, basta kinuha ko lang. Buti na lang hindi pa expired.
Okay na din to, panlaman tyan din naman ang cookies mga bes. Saka diet talaga ko, and wag kayo aa. Nabasa ko kasi sa isang blog na nakakapanget talaga kapag gutom ka. So kaya kailangan busog ka lagi, para healthy ka na. Maganda ka pa. Oh diba? Pak ganern bes. Pero actually sinabi lang sakin yan ni Arnie, sinabi nya lang sakin kung saang blog ko sya matatagpuan.
Anyway, moving on. Moving on!?
Kasalukuyan akong kumakain at ineenjoy yung mga chocolate cookies ng may nagudyok sakin na tignan si Randy. I mean, seriously aa. Bigla kasi kong nakaramdam ng awa, mercy, pity or whatsoever sa kanya. Tahimik lang sya at nakayuko pa din. Nagugutom na kaya sya? Para kong kinakausap ng mga cookies bes. Parang sinasabi nila na bigyan ko nga daw at ishare ko sila kay Randy.
Ano ba, kontrabida nga ako diba?
Pero jusko naman ee. Ang hirap labanan ng konsensya mamang. Hindi na tuloy ako makakain ng maayos. Lalapitan ko ba sya, wait nga.