Chapter 12: Back to the Devil Side

32 0 0
                                    

Betty:

"Omaygad. Omaygad. Ano ba ginawa mo Betty? Shet. Shet. Shet" I keep on chanting on this habang nakasakay ako sa Elevator. Nakatingin na nga sakin yung operator habang paikot-ikot ako sa loob at hindi alam ang gagawin ko.

Nung nakadating na ko sa 20th floor. Sakto naman paglabas ko ay biglang tumawag ang dalawang gaga sakin.

"Hoy bakla, ano na? Ano ba nangyare sayo? Bat hindi ka sumama samin? Diba usapan natin na may aura tayo today?" Sabi ni Arnie over the phone.

Tarages. Sana pala sumama na lang ako sa kanila. Bat ba kasi sinamahan ko pa si Randy ee. Pwede naman kami magusap, pero bat ba kasi sa unit nya pa?

"Hoy bakla! Nandyan ka pa ba? Nakakaloka ka talaga. Kanina ka pa aa? Bigla bigla ka na lang nawawala, at bigla ka na lang umatras sa aura? May problema ba?" Tanong nya. Shet, paano ba to? Sasabihin ko ba na kasama ko si Randy?

"Ano, masama lang talaga pakiramdam ko. Pasensya ka na" sagot ko na lang.

"Masama pakiramdam? Sureness? Asan ka?" Tanong nya.

"Nasa condo" sagot ko.

"Condo? Sa unit mo?" Tanong nya ulet.

"Oo" sagot ko. Valid na din naman kasi sakto nung paguusap namin eh nakadating na ko sa pinto ng unit ko.

Pero laking gulat ko nung nakapasok ang mga gaga sa unit ko. As in, pagbukas ko ng pinto naka hilata pa sila sa sofa.

"What the fck. Ano ginagawa nyo dito?" Tanong ko. As in, gulat na gulat ako na parang nakakita ng multo.

"Hinihintay ka, may sakit ka diba? Aalagaan ka namin" sagot naman ni Stacy at nag appear pa sila ni bakla.

"Oo, may sakit tong kaibigan natin. Sakit sa utak. Gagang to! Bigla kang nawala tapos tatanungin mo kung bakit nandito kami? Syempre nagaalala din kami sayo no? San ka ba kasi galing? Paano kung ma kidnap ka?" Morbid na sabi ni bakla.

"Shh! Pwede ba, ang OA aa? Nasa unit lang ako ni Randy" sagot ko.

Fck.

Word vomit.

Huli na para mabawi ko pa dahil narinig na at nag rereact na ang mga gaga.

"OMG! Ano ginawa mo dun!?" Tanong ni Stacy.

"Wala, tumambay lang" sagot ko naman. Medyo lumukot yung mukha ko. Mali naman kasi yung ginawa ko.

"Hoy ikaw," sabi ni baklang Arnie at naka cross arm pa.

"Kayo ba nagkakamabutihan na ni Sir. Randy? Nililigawan ka ba nya? Crush mo ba sya?" Tanong nya.

"Fck. Hindi no" defensive na sagot ko.

"Hindi? Akala mo ba hindi namin napapansin ni Stacy yung pagbabago sayo? Naglilihim ka na samin. Akala ko ba true friends?" May patampong sabi nya. Bakla talaga, ume-emote pa.

"Oo, true friends right? Pero. Ano, basta. Wala kaming relasyon ni Randy okay?" Sagot ko. May pabuntong hininga pa ko sabihin lahat.

"Pero mga besh, aaminin ko. Mahirap man tanggapin pero mukhang nahulog na nga ata ko kay Randy." Pagtatapat ko.

"Omaygad" gulat ni Stacy.

Si bakla naman naka cross arm pa din, ngayon lang nag seryoso tong si gaga.

"Oh, eh ano balak mo?" Tanong nya.

"Wala, kakalimutan na yun. Duh" sagot ko naman.

"Mabuti" sagot nya.

"Mabuti ka dyan? Bat mo naman kakalimutan na lang?" Kontra naman ni Stacy.

"Gaga! Prof natin si Sir. Randy, at bali-baligtarin mo man ang mundo. Estudyante nya lang si bakla. Prof natin sya. Prof. Instructor. Teacher" pagdidiin ni Arnie.

"Oh, eh kahit na? Love conquers all" talagang may pinaglalaban tong si Stacy.

"Pero not all the time, cause that will just literally breaks you" sagot naman ni bakla. Umi-english pa nak ng teteng. Mas lalo tuloy akong naguguluhan kung sino papaniwalaan at susundin ko.

"Diba? Porket ba teacher bawal na mainlove sa estudyante? O kaya estudyante eh mainlove sa teacher?" Sagot ni Stacy.

"Hindi naman pinagbabawalang mainlove ee, hindi naman mapipigilan yun. Pero c'mon, pinagbabawal na pagibig yun mga bes. Labag sa school yun. Gusto nyo bang matanggalan ng lisensya si Sir?" Paliwanag ni bakla.

"Syempre ayoko, kaya nga kinakalimutan ko na nga diba? Mali. Sobrang mali. Saka magkaaway kaya kami? Duh" kunwari hindi ako affected pero deep inside. Pota. Gulong gulo na ko.

"Masasabi mo bang mahal mo ang isang tao kung hindi mo sya kayang  ipaglaban?" Tanong ni Stacy. Kainis din tong babaeng to ee. Andaming hanash.

"Oo, hindi naman digmaan ang love na dapat lagi kang makipaglaban ee. Some feelings are not worth fighting for, maaring maipaglalaban mo sya, pero dadating din yung point na magsasawa ka na lang. Saka, pwede mo naman talagang ipaglaban ee. pero maraming kokontra at kokontra sayo" sagot ni Arnie.

"Oh bakit? Edi deadma. Puso ba nila yun?" Palaban na sagot ni Stacy. Mamaya magugulat na lang ako nagsasabunutan na tong dalawang to.

"Pero nasayo pa din naman ang desisyon bakla. Puso mo nga naman yan. Pero ang akin lang, dun ka sa alam mong tama" sagot ni bakla.

"Pero kung kaya mong ipaglaban. Go lang" mapush na sabi ni Stacy.

Langya. Pinagulo lang nung dalawang gaga isip ko. Bahala na nga.

•••

Kinabukasan.

Klase ni Randy sa Philosophy.

Minor subject lang naman namin to kung tutuusin, pero bakit naman ganun yung bungad samin ni Randy?

1000 words essay. Short quiz lang daw yun mga bes aa?

Topic lang naman namin is about our own definition of Philosophy and so on, basta lahat ng pwede mong ipaliwanag ipaliwanag mo na.

Siguro nasanay na yung mga classmate ko sa ganung set-up namin kay Randy. Yung seryoso sya, yung magkasalubong na naman kilay nya.

Pota. Sumanib na naman ata yung devil alter-ego nya.

"Class, by the way. The articles, pronouns, interjections, conjunctions and so on are not counted as words" seryosong sabi ni Randy habang nag oobserve. Tahimik lang kasi yung buong klase namin.

"Yung mga 'a', 'at', 'the', basta yun. Hindi sya counted bes" paliwanag sakin ni Arnie pero hindi ko sya halos napansin.

Bigla ko kasing namiss yung pag-ngiti ni Randy one time, yung pagtawa nya. Basta. Yung mabait na Randy. Bakit ganun na naman aura nya? May PMS na naman ba sya?

After our class. Nagdismiss yung mga kaklase ko at naiwan ako. Talagang hinintay ko si Randy habang inaayos yung mga papel na pinasa namin.

"Sir" tawag ko.

"Yes?" Tanong nya.

"Ugh, wala. Bakit ang sungit mo na naman?" Tanong ko.

"Thats none of your business Ms. Betty" sagot nya at saka lumabas.

Hinarang ko sya.

"Randy, ano ba? Galit ka ba sakin?" Tanong ko ulet.

Pero medyo nasaktan ako sa sagot nya.

"Im your prof. Youre just my student. How dare you talk to me like that?" Tanong nya. Talagang may diin yung 'Im your PROF' at yung 'just my STUDENT'.

May pinapahiwatig ba sya?

Dahil ba to sa sinabi ko kagabe? Pota. Kung yun lang eh binabawi ko na pala.

Mukhang back to the battle rounds na naman kami ni Randy neto. Pero ngayon, I dunno. Paano ko magkakaron pa ng guts para magwalanghiya sa kanya?

Lalo pa ngayong, mahal ko na nga ata sya.

The Devil in Suit and Tie [Ang Terror Kong Prof]Where stories live. Discover now