Betty:
Nagkakangitian na lang kami ni Dennis kapag nagkakasalubong yung mga mata namin habang kumakain.
Unconsciously, parang bigla kong nakalimutan lahat. Parang kay Dennis lang umiikot yung mundo ko, I dunno. Bigla ko kasing nakalimutan yung agony ko kay Randy habang kasama si Dennis.
Nung natapos kaming kumain, ginawa na lang naming panghimagas ang pagkwe-kwentuhan. This time, kasama na yung dalawang naglalandian. I mean, si Stacy at yung Carlo.
"Okay lang ba kung ligawan ko yung kaibigan nyo?" Tanong samin ni Carlo.
"Oo naman, go na go" sagot ni Arnie.
"Okay sakin. Basta wag mo lang sasaktan yang gaga na yan. Kami lang ang may karapatang manakit dyan" sagot ko.
"Ohhh. I love you mga beshie" pabebeng sabi ni Stacy. Imbyerna, kakainis. Ganito ba talaga kapag may lovelife na?
"Eh kami ni Gio? Payag ba kayo na kami na?" Echos nitong si bakla.
Si Dennis at Carlo natatawa na lang. Parang sarcastic na nga lang yung ngiti ni Gio ee. Kaderder tong si bakla.
"Ano ba size ng sapatos mo?" Tanong ni gaga. Pang 10 na atang mabibigyan ng sapatos si Gio. Hutaena, rich kid po talaga tong si bakla.
"Pre, hanggang kaibigan lang kaya kong ibigay sayo" sabi naman ni Gio.
"Awwww" asar ko kay bakla.
And whats that, 'pre?'. Wow, hindi bagay ampota.
"Manahimik ka dyan!" Saway ni Arnie.
"Ugh, Betty." Nagulat ako nung bigla akong tinawag ni Dennis. Pati yung dalawang gaga, jusko. Bat iba tingin sakin ng mga to?
"Can I get your number?" Tanong nya.
Pakshet. Ibibigay ko ba? Nagdadalawang isip ako. Wait.
"Kung okay lang, kung hindi naman---" hahanash pa ee.
Nagpalitan kami ni Dennis ng number, at. Hindi lang yun, nakipag selfie din sa kanya. I mean, sya kasi yung unang nagpapicture. Syempre go ako dyan, picture yan ee. Autograph ba? Hindi sya manghihingi? Charot.
Nagselfie din kami sa phone ko. Tas nakahawak pa ko sa balikat nya. Wait, bat parang iba yung feeling? Kinikilig talaga ko.
•••
Naghiwa-hiwalay na kami. Syempre kasama kong umuwi ang mga gaga at magkakasama yung tatlong mga fafa.
Nung nasa kotse kami palabas ng mall. Dun na namin napagusapan yung mga dapat pagusapan. I mean, ang mga chika namin sa isat isa. Syempre given na yung topic tungkol dun sa pagkikita nila Stacy at Carlo. Pero hutaena, bat sakin yung pinaguusapan nila?
"Mukhang nakahanap pa si Betty ng forever besh. Tignan mo ang ngiti oh?" Sabi ni bakla, well. Nagtext kasi si Dennis kay napangiti ako.
"Kaya okay lang pala na sinama ko kayo ee. Well, diba? At least. Uhmm" maarteng sabi ni Stacy.
"Pero ano ba? Ikaw aa, so ano? Wala na bang nageexist na Sir. Randy dyan sa puso mo? At unti unti ng naiinvade ni Dennis ang mundo mo?" Intriga nitong si bakla.
Oo nga ee, pansamantala talaga. Feeling ko walang Randy na nageexist. Nag exist man, bilang prof ko lang. Masungit na prof to be exact.
"Pero at least, eto na. Kalevel mo lang to bakla. Hindi prof to bes" sabi ni Arnie.
"Pero ang gwapo ni Gio no?" Change topic ni Stacy.
"Bakla ka ng taon! May Carlo ka na, ipaubaya nyo na sya sakin" sagot ni Arnie. Tinamaan nga talaga kay Gio ampota.