Part 14: Why not

4.1K 141 0
                                    

Nadadagdagan ang reads pero no votes? Oks lang yan Hahaha Ganyan naman kayo ey Chos hihi

-

CHII POV:

Naglalakad nako pauwi. ayoko sumakay diko trip ngayon hihi saka gusto ko kaseng makapagisip-isip kahit sandali.

Hindi kona kase alam ang gagawin ko alam ko na nagtataka na din si bespleng sa mga ikinikilos ko. madalas akong tahimik at tulala pero hindi pako ready na sabihin sakanya eh ...


"Chii ..." 


i know that voice. Wag kang lilingon chii!

deadma lang ako at nagpatuloy lang sa paglalakad ng higitin nito ang kamay niya 

"ANO" sigaw ko at tinitigan ko siya ng masama na ikinatigil nito

"i-im sorry" napayuko ito

ano bang kelangan ng isang to? Ang weird niya ah. feeling ko hindi na siya yung manyak na nakilala ko .... pakiramdam ko kase ang lalaking kaharap ko ngayon ay ang lalaki ng nakasama ko noon sa probinsya.ang lalaking nangiwan sakanya at sumira sa sarili nitong mga pangako. 

Ouch paking tape ang sakit lang talaga sa tuwing maalala ko ang nakaraan.

"ano bang kailangan mo?" malamig kong tanong

"G-gusto lang sana kitang ihatid pauwi"sagot nito habang nakayuko padin

Hindi padin talaga siya nagbabago kung ganon. ganyang ganyan din kase siya noon kapag galit ako pero gagawin niya ang mapatawad ko lang siya. gusto ko mang mapangiti pero kaagad ko iyon pinigilan

"whatever" sagot ko saka siya tinalikuran, diko naman maitatanggi na namiss ko tong mokong nato kaya nga naghantay ako ng pitong taon noon diba?

hindi ko na siya nilingon pa pero alam ko na nakasunod siya sakin.

"Chii" mahinang tawag niya sakin

"What?" 

"mapapatawad mo paba ko?" 

mapapatawad ko pa nga ba siya? oo shempre sino ba naman siya para hindi magpatawad diba pero ... hindi pa ngayon.

"No" maikling sagot ko at narinig kong tumigil ito sa paglalakad kaya nilingon ko siya, nakita kong nakayuko lang ito.

hays. ayoko naman kasi na paasahin siya dahil maging ako ay diko alam kung kailan ko siya mapapatawad. 

"Let's go" aya ko sakanya pilit naman itong ngumiti at nag;lakad na ulit sila ng tahimik hanggang sa madaanan nila yung play ground sa kanto malapit sa court. 

Maaga pa naman kaya nagdecide siyang maupo roon. natatandaan niya na hilig nilang tumambay sa playground noon ni Zue ...

walang salitang sumunod naman ito sakanya. naupo siya sa swing at ganoon din ito. tahimik lang sila habang nakatingin sa kawalan. ang daming tanong na naglalaro sa isip ko. this is her chance to ask diba? Pero natatakot siya eh at di rin niya alam kung san magsisimula

ZENDRICK POV:

Sinadya kong maghantay sa labas ng school. nasabi kase sakin ni Kysler na nakita niya ang dalaga sa ice cream parlor malapit dito kaya minabuti na lamang niyang maghantay at ilang sandali pa ay nakita na niya itong naglalakad. 

mukhang hindi siya nito napansin dahil nilagpasan lang siya ng dalaga kaya tinawag na niya ito pero hindi siya nito pinansin kaya tumakbo siya at hinigit ito sa braso pero nagulat siya ng sigawan siya nito.

HER SLAVE [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon