Chapter I: A Tapang na Babae

649 20 2
                                    

Chapter I: A Tapang na Babae

“ pag di ka tumigil hahalikan kita!”

_Vince_

KARGA-KARGA ako ng bestfriend ko pagbaba ng kotse. Galing kami sa school.

 Kung nagtatakayo kung bakit sapagkat napa-away na naman ako. Tumpak, kababae kong tao pero walang pansisidlan sa katapangan ko.

Oo babae ako pero hindi ako ang tipo ng tao na papatalo na lang sa kung sino-sino.

                       

_Flashback_

“WOW naman sa dinami-dami ba ng binabanas mo, nakakalimutan mo na din kong sinu-sino sila..”

“pasensya naman, hindi kasi ako ung tipo ng tao na nagmememorize ng mga mukha ng mga tao, lalong-lalo na kung walang kwenta ang taong yun. Magsasayang pa ba ako ng space sa brain ko para iistore lang kayo… pwee”

“sumosumbra ka na” akmang susuntukin ako ng mukong. Buti inawat sya ng  kasama nya.

“pare, awat, awat, pinagagana mo naman kasi ang init ng ulo e, hinahon lang. Don’t tell me papatalo ka sa isang babae?”

“ nga naman, Bakla lang ang pumapatol sa babae” Segundo ko na mas lalong nanggatong sa inis nya.

“ hoy, babae!”

Hoy ka din! “bakit lalaki ba ako sa paningin mo?”

“anak ng…”

“ pare naman, chilax ka lang.. “

“pare bitiwan mo ako, kahit babae yan, tatamaan yan sa’kin”

Pilit syang ginugupi ng iba nyang kasama… samantalang ako,hayun malapit nang maubusan ng pasensya.

“ o sya sige” pumikit ako at huminga ng malalim. “ ano bang gi-na-wa ko daw! Daw! sa inyo na ikinagagalit mo? Hayan ha, malinaw pa sa araw ang tanong ko. Sagutin mo lang nang maayos!”

“aba’t talagang wala kang matandaan”

“paulit-ulit lang, sinabi na ngang wala diba? Hindi mo ba maintindihan ang salitang W-A-L-A as in wala?” inispel ko pa talaga ang wala “ baka gusto mo ding itranslate ko pa sa English para maintindihan mo,..”

“ I mean…., I…. I mean, ung…ung  pambabara at-----at  pagpapahiya  mo sa akin”

Napaisip ako ng matagal. “ pambabara… pagpapahiya? Ko? Sa inyo? Kailan? “

 “ka-kahapo…ehmm… ung ngai…. Kwan… ung…” nauutal ba sya. Pahila kaya nya sa kasama nya ung dila nya baka sakaling dumiretso syang magsalita.. susme, parang awa nyo na pahabain nyo ba ang pasensya ko. Mababatukan ko talaga ang tangang ‘to!

“ o kahapon… anong nangyari kahapon?”

“ka-ha-pon… kasi… ah…ei… ka-si” Oh my patients, ano to mag-a-e-i-o-u ba kami dito?. Wala tayo sa pre-school mga pare!

“ o sige kuya ha, “ akma akong aalis

“ at saan ka naman pupunta? Wala pa kaming sinabi na makakaalis ka na”

“ o sya sige gorilya este kuya…kung pag-iisipan mo pa lang sasabihin mo, its better for you to let me go for now, then  tawagin nyo na lang ako pag naconstruct  nyo na ung sentence o paragraph na sasabihin mo.. masyado ata kasi mabagal processing ng brain cells mu.. mabagal ang loading ng brain mu..alangang hintayin ko pang matapos diba? E, malay ko kung bukas o sa makalawa pa o sa susunod pang taon matatapos  yan!”

My Heart KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon