Chapter XI: I could caress you for eternity at kahit kailan ay di ako magsasawa.

106 15 5
                                    

Chapter XI: I could caress you for eternity at kahit kailan ay di ako magsasawa.

 “Common, why do you find me desirable?”

_Althea_

HUMANTONG sina vince sa isang  bar. Inimbitahan ni Vince si Thea gaya nang suggestion ni Trixter.

She meets everyone.

Oliver-  24years old. Nagtapos ng Arts sa France. Currently single dahil abala ito sa pagpapalago ng negosyo nilang Crafts. Matangkad ito, matangos ang ilong, malalim ang mga mata, kahalihalina ang boses pero minsan lang kung magsalita.

Royce- dakilang tambay. Walang ginagawa sa buhay kundi ang mambabae palibhasa nag-iisang tagapagmana ng isang kilalang restaurant, ang La Martina. Ang balita ay sa isang babae lang sya ngayon nagkakainterest  at yun ay ang kanyang kinakapatid. Ang ampon ng kanyang mama na di naman legally adobted.  ( I ask you to marry me, Not to love Me!)

Alexis- ang hunk ng barkada. Simple kong manamit pero pag pinagmasdan ay tunay na kaakit-akit. Maglalaway ang kahit sinong babaeng makakakita sa katawan nito. Kakikitaan ito ng pagiging rude pero ang sabi grabe daw ito kung mainlove at sa iisang babae pa lang ito tumingin, kay Eliz.

Raven- isang sikat na blooming pops star. Cool na klase ng tao at mahilig sa mga pranks. He loves women pero ni minsan ay wala pa daw itong sineryosong relasyon.

Trixter- he loves playing pranks, mambwisit ng tao. Animo’y mabait pero ubod daw ng sama. His a devilish type of person pero magaling daw pagdating sa pagbibigay ng payo. Tinatakasan nito ang future bride to be nya na pinili ng mga magulang nito sapagkat wala pa daw itong inuuwi sa kanilang bahay na mapapangasawa. Atat ang mga magulang nito na magkaapo.

Mayroon pang apat kaso nasa ibang bansa ang mga to.

Naupo kami sa isang table kasama yung iba. Kami na lang ni Vince ang naiwan sa mesa dahil sila, humataw na sa dance floor.

“ Hi Vince”  isang babae ang lumapit sa amin. Nakakairita ang hitsura nya. Halos ipakita na nya ang kaluluwa nya sa ayos nya. Naka- super mini skirt ito at tubes na pula. At wow ang heels naka- three inches. Ang labi grabe ang pagkakapula  dahil sa lipstick. Pati make-up, super heavy. Ano sya call girl?

“uy, Annika, how are you?” napatanga ako. Magkakilala sila?

“ I’m fine. Ikaw kumusta na?” naupo ito sa tabi ni Vince at kuway ipinulupot nito ang braso sa kamay ni Vince.

“ ako, okay lang. matagal din tayong di nagkita”

Nakakabwisit! Nag-eenjoy ba tong si Vince na nasasagi ang dibdib ng babaeng to!

“ kaya nga. You know what gabi-gabi kaming tumatambay dito ng barkada. Inaabangan kita”

O syeeet! Ang landi! Tinignan ko ng masama si Vince nang mapatingin sya sa akin.

“ oh, really”

 hindi pa din tinatangal ng octopus na ‘to ang mga galamay nitong nakapulupot kay Vince at mukhang to’ng Vince naman na  ‘to ay nag-eenjoy pa. nangangati tuloy ang kamay ko at gusto ko na silang sapakin. Tama bang maglandian sila sa harap ko mismo!

“ so, who is this girl with you sweetheart?”

“ ah yah” tinanggal nito ang kamay ng babae sa braso nya. “ I want you to meet…”

My Heart KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon