Chapter VI: we met again.

97 15 2
                                    

Chapter VI: we met again.

 

“ wala ka pa ring pinagbago. you’re still bewitchingly beautiful Miss Althea del Torres”

 _vince_

“ Althea,have you heard the news?” tanong ni Max. (from the previous episode, she’s my girly bestfriend) Nasa restroom kami nagreretouch.

“ ano na namang balita yan? kung tungkol sa mga kabit ng mga may asawa o mga eligitimate child hindi ako interesado”

“ grabe naman ‘to para mo na ring sinabi na napaka-chismosa ko”

“ hindi nga ba?”

“ slight lang naman, inaamin ko naman, kailangang ipangalandakan?”

“ so tungkol saan naman ngayon ang ichi-chismis mo sa akin”

“ hindi nga chismis, balita. Totoong balita. Yung ngay about dun sa bagong tagapamahala..”

“ ah, you mean the new owner, the new boss that will arrive tomorrow?”

“ yup”

“ what’s about that?”

“ aren’t you afraid that he may fired us?, balita ko marami daw tatanggalin sa atin? At sabi nila ubod pa daw ng sungit ang bagong boss natin”

“balibalita lang naman diba,? Naconfirm mo na ba?”

“ hindi pa naman, per-“

“ o di pa nga naconfirm, ginajudge mo na… and beside, I doubt he would fire me”

“ asus, alam ko Thea, with your looks, I’m sure walang matinong boss ang magtatanggal sayo sa trabaho… haaaaay, sana kasing ganda din kita… pag nagkataon ay baka makahanap na ako ng mayamang mapapangasawa na lahaT  nang sasabihin ko ay susundin nya”

Tinawanan ko sya sa sinabi nya…

“ anong nakakatawa sa sinabi ko besie (bestfriend)?”

“ alam mo Max, maganda ka naman talaga e, kaya nga si MR. GONZALES patay na patay sayo!“ tinutukoy ko yung lalaking in love daw kay Max. He’s a  very rich businessman. Perfect na sana e, papasa na sana sa standard ni Max na dapat capital R-I_C-H daw. The problem is, aside from nangangalbo na sya, he’s too fat! Nauuna na ang tyan nya kapag naglalakad. Ni hindi nga sya nahihiyang magsuot na trucks noong inimbitahan nya kami sa private resort nya sa batangas.

“ eeewww Thea, wag mo nga mabanggit-bangit ang tabatchoy na yun.. kinikilabutan talaga ako kapag nakikita ko sya, lalo na noong sinabi nyang “ Iah Lob yu”, nagtataasan ang mga balahibo ko”

Tinawanan ko sya sa reaksyon nya. “ pero sa totoo lang, maganda ka naman e, ikaw lang tong walang confidence”

“ S-top!, alam ko na maganda ako, yun nga lang pag pinagtabi tayo---” hinila nya ako papalapit sa kanya at tumingin sa salamin. “ nagmumukha akong katulong mo”

“Sinong nagsabi nyan? Uumbagin ko!”

“ wala pa namang nagsabi, relax lang. pero baka isang araw ay may makapagsabi na”

“ gezzzz, sabih---“

“ tama na, change topic.----- Sabihin mo nga sakin Thea, bakit hanggang ngayon ay wala ka pang boyfriend? Maganda ka naman, kaakit-akit, bakit wala? Impossibleng walang nanliligaw sayo…”

“ bakit besie masama na ba ngayon ang pagiging single? Kasalanan na ba? Nakamatay na ba ang pagiging single?”

“ hindi naman sa ganun, look mag-24 ka na pero hanggang ngayon ay wala ka pang pinapakilala sa akin na lover mo”

My Heart KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon