Chapter IV: BFQ? O LQ?

89 16 0
                                    

Chapter IV: BFQ? O  LQ?

She’s definitely ignoring me. What I’m going to do?

_Vince_

“ HI THEA Good morning. Ang aga a, anong meron?” bati ni Maxine.

“morning Max…” bati ko na nakasalumbaba sa mesa ko.

Umupo sya sa harap ko matapos nyang ayusin mga gamit nya. “ bakit matamlay ka ata ngayon?”

“wala”

“hindi ka ba natulog kagabi? bangag na bangag ang dating mo”

Oo bangag nga ako. Hindi ako nakatulog kagabi. Buong gabing nakamulat ang mga mata ko, kaya namumungay sila ngayon.

“hindi naman gaano”. Pakiramdam ko lumulutang ako sa ere.

Kumalumbaba din sya sa mesa ko at ngumiti. “ siguro dahil sa lalaki yan noh” kinindatan pa nya ako.

Syeet papano nya nalaman!

“Sino naman sya ha? Sino?” nakangising tanong nya.

Pakiramdam ko uminit ang pisngi ko..

“ bulls eye!” nag-ray-gun pa sya. “ sinasabi ko na nga ba, lalaki ang dahilan.” Ang lakas talaga ng radar nya, grabe ka Max, ikaw na! thumbs up ako sayo!

“ikaw ha, naglilihim ka na. ganyanan na pala ngayon”

“wala..”

Siniko-siko nya ako. “ sinungaling, ayan na nga’t nag-blublush ka na, magdedeny ka pa!”

Naggalit-galitan ako. “ wala nga,” tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Feeling ko sinusubukan nya akong mahuli. There’s no way that I’ll tell her exactly what happened…” walang nangyari na gaya ng iniisip mo” shitness, naalala ko na naman ang nangyari last night.

“ wag ka nang magsinungaling Thea, nangangamatis na ang kulay ng mukha mo, do you think maniniwala ako sa sinasabi mo”

Tumayo sya at nilapit ang tenga nya sakin.” Sige na kwento mo na” kinikilig pa sya. “ dali na, tell me who is this guy?”

Itinulak ko sya palayo. “ alam mo, ang kulit mo.”

“di bale nang makulit, gusto kong malaman kung bakit di ka nakatulog kagabi at kung sinong estranghero ang gumugulo sa isipan ng bestfriend ko. Malay mo may balita pa lang dapat ay di ko pinapalampas” nginitian nya ako ng nakakaluko.

Hinding-hindi ko sasabihin sa kanya na naghalikan kami ng bestfriend ko kagabi! At kaya di ako nakatulog ay dahil di mawala ang eksenang yun sa utak ko!

My Heart KeeperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon