Chapter IV.5: what I am suppose to say?
ILANG araw na rin ang lumilipas at di pa din pinapansin ni Althea si Vince. Tinataguan nya ito, sapagkat di nya na alam kung papaano ito haharapin pa. hindi naging maganda ang epekto sa kanya ng ginawa ni Vince nang gabing iyon, kung kaya’t noong yayain sila ng mommy nito para sa isang maliit na salosalo sa kanila ay nagdadalawang isip na ito at di na nya malaman kung anong gagawin para makaalpas sa araw ding iyon…
“ o, ano pang ginagawa mo Thea, tara na kina Vince” aya ni Mike, kapatid nya na malapit nang makapagtapos ng kursong engineering.
“ sandali kuya, intayin na natin si mama”
“ panong hihintayin, hellloooooo?... mamayang gabi pa uuwi si mommy. Niyaya tayo ni tita Sol para mananghalian sa kanila, kung hihintayin pa natin si mommy, hindi na yun lunch”
“ kasi naman kuya, ikaw na lang …”
“Ano bang sinasabi mo, halika na nga” at hinigit na sya ng kuya nya. “ inimbitahan tayong DALAWA kaya sasama ka”
Pagkarating nila sa bahay ni Tita Sol ay nakahanda na ang hapagkainan.
“ o Mike, hija, andito na pala kayo, hali na kayo at makakain na” yaya ni Tita Sol. Si Tita Sol ay napakanda pa rin kahit na medyo may edad na.parang nasa 20’s lang sya pero ang totoo ay nasa 30’s na sya. balo na rin sya katulad ni mommy at kahit kailan man ay di na ito nag-asawa pa muli.Sisilang dalawa lang ng anak nyang si vince kaya naman natutuwa ito kapag naron kami sa kanila. Mas nabubuhay daw ang bahay nila pag maraming tao kung kaya’t halos lingo-lingo ay nagyaya ito o di kaya’y kami naman ang nagyayaya.
“ a tita, si vince po?” tanong ni mike.
“ nasa kwarto pa lang nya nagbibihis na siguro, katatapos lang maligo”
“ay ganun po ba?”
“ ay ewan ko ba sa batang yun, kanina pa nasa kwarto nya, daig pa nya ang babae sa tagal nyang magbihis”
“ ay naku tita, di na kayo nasanay, syempre dumadaan ang mga batang yan sa tinatawag na adolescence period”
“ kahit na noh “
“syempre tita kailangan din nyang mag-ayos at magmukhang gwapo sa harap ng mga tao lalo na sa gusto nyang babae para di naman sya kahiya-hiyang tignan diba, dahil nasa age na sila na kung saan natututo na silang maging conscious sa hitsura nila.”
“ speaking of that, Thea, may alam ka ba kung sino ang nagugustuhan ng aking anak? Maganda ba sya? Kilala mo ba??”
“ oo nga Thea, may alam ka ba?” Pareho na silang nakatingin sa akin. What the hell, ano namang alam ko dyan.
“ malay ko tita, wala naman syang nasasabi”
“ bestfriends kayo pero wala syang nababanggit? pero wala ka man lang bang napapansin?”
Putik! Ano ako information area tungkol kay vince na yun? Isa pa tong si kuya ginagatungan pa ang curiosity ni tita.
“ wala din naman tita”
“ baka naman ikaw ang gusto nya at di mo sinasabi?”
BINABASA MO ANG
My Heart Keeper
Romans“What we did is wrong” “Do you think it’s bad” it’s not a question, it was a statement “Diyos ko, what do you think? Magkaibigan tayo, we’re best friends and we just kissed each other. Okay, it’s fine if we just kissed but, aside from that ,we jus...