*Devil's POV*
Maaga akong nagising ngayon upang magjogging. Kinuha ko ang hoodie ko at lumabas na ng kwarto. Pumasok muna ako sa kwarto ni Travis at hinalikan ang noo niya. Tapos ay lumabas na ako ngbahay. It's only 5:00 o'clock in the morning.
Tumigil muna ako sa park at uupo sana swing nang biglang marinig ko ang isang napakapamilyar na boses. Nagtago ako doon sa poste at sinilip kung saan nanggaling ang boses. Tama nga ako si Nathan nga.
Lumabas na ako sa pinagtataguan ko ng matapos ang tawag niya. "Nathan!" Sigaw ko at napalingon siya sa akin. Napaatras siya sa gulat ng makita ako. "O-Oh ikaw p-pala Elissa!" Nauutal nasabi niya.
Ngumiti lang ako. "Kanina ka pa ba dyan?" Kinakabahang tanong niya. Umiling ako habang nakangiti. "Nope. Ngayon lang kaya tumakbo ako papalapit sayo."sabi ko. Mukhang nakuntento naman siya sa sagot ko.
"Tara dun muna tayo sa swing." Aya ko at pumayag naman siya. Noong makaupo kami sa swing ay naisip kong sabihin sa kanya na aalis na kami mamayang gabi. "Uhm. Nathan. May aaminin ako sayo." Sabi ko napangiti naman siya ng mapanloko. "Aaminin mo na bang gusto mo ako?" Mapanlokong tanong niya.
"Marcus Jonathan!" Seryosog sabi ko sa pangalan niya. Nagseryoso siya ng makitang seryoso ako. Buti naman napansin niyang seryoso ako. "What is it?" Nakakunot-noong tanong niya. "I'm leaving." Sabi ko habang nakayuko.
Humagalpak naman siya ng tawa. Tinignan ko siya ng nagtataka. Masaya ba siyang aalis na kami? "Ikaw naman. Kala ko importante. Sus, Gusto mo hatid pa kita sa bahay niyo? Kung maka-I'm leaving ka naman. Jusko! Ayan lang ang bahay niyo." Natatawang sabi niya.
"Babalik na kami sa Pilipinas." Saad ko na nagpatigil sa kakatawa niya. "Are you joking?" Sabi niya. Hindi ako sumagot bagkus yumuko lang. "When?" Tanong niya. "Later. 8:00 PM" sabi ko. Napasinghap naman siya sa narinig. "Bat ngayon mo lang sinabi sa akin to?" Tanong niya.
"Kagabi ko lang nalaman at napagpasyahan."sabi ko ng malungkot. "Kaya mo na ba? Kaya mo na ba silang harapin?" Tanong niya. Matagal bago ako makasagot. Kaya ko na nga bang harapin ang mga taong nanakit sa akin? Ang BDG? Kaya ko na ba silang ulit kausapin? Sina Lia at Prince? Maaari ko na silang harapin pero ang dalawa. Si Liam at si Kylie? Kakayanin ko na ba?
"Kaya ko na." Sabi ko. Kaya ko na siguro? "Bibigyan mo ba siya ng karapatan para sa anak mo?" Tanong niya. "Hindi ko pa alam. Kung ang ikakasaya ng aking anak ay makilala ang ama niya ay ipapakilala ko ito. Kahit ang kapalit ay ako ang mahihirapan." Sabi ko.
"Isa na akong ina ngayon. Hindi puro ang sarili ko ang iisipin ko ngayon kundi ang kaligtasan ng aking anak." Sabi ko. "Tama ka. Anlaki na ng pinagbago mo. Samantalang dati ay naiinis na ako sayo dahil gusto mong mamatay na ang anak mo. Pero ngayon kaya mo ng gawin ang lahat para sa kanya." Masayang sabi ni Nathan. Dito kami sa park na to nagkakilala. Dito mismo sa swing.
"Hindi ko naman magagawa yun kung wala ka sa tabi ko. Ikaw ang sumuporta at tumulong sa akin noong pinagbubuntis ko pa ang anak ko. Ikaw ang naging tutor niya. Ikaw ang pumupunta sa mga school gatherings niya kapag naghahanap sila ng ama. Ikaw ang tumayong ama niya. Maraming salamat sa lahat." Sabi ko at niyakap siya. Niyakap rin naman niya ako ng pabalik.
"Mommy!" Napatingin ako sa sumigaw si Travis pala. Teka! Si Travis?! Lumapit siya sa amin kasama ang yaya niya at kinandong ni Nathan si Travis. "What are you doing here Travis?" Sabi ko. "Ah Mam kasi po nagising po siya at hinahanap kayo sabi naman po ni Young master Hell ay dalin ko po siya dito sa park." Paliwang ng Yaya niya.
"You may go back in the mansion yaya. Ako na ang bahala kay Travis." Sabi ko at umalis na nga siya. "Tito Travis! I will go in the Philippines!" Masayang balita ni Travis. Pustahan mag-aacting yan! "You will leave me?" Nagtatampong sabi niya. Pwe! Di bagay! Hahaha.
"We need to. But you can come with us if you want." Sabi ni Travis at hinug si Nathan. Awww! Para silang mag-ama. "Really?" Tanong ni Nathan. "Yes Tito daddy!" Sabi niya kiniss ni Nathan si Travis sa noo. At nagkwentuhan lang sila.
May nakatingin sa amin. Kanina pa kaya nakahanda ako na makipaglaban...
***********
Sinundo ko si Travis sa kwarto niya dahil aalis na kami. "Travis my son. Let's go na." Sabi ko pagkapasok ko sa kwarto niya. Ngumiti naman siya at patakbong pumunta sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming bumaba.
Ilang saglit lang ay nakarating na kami sa airport. Kasama namin si Kuya na aalis at hinatid naman kami ni Nathan. "Pre ayaw mo talagang sumama sa amin?" Tanong ni Kuya kay Nathan "Susunod nalang ako sa inyo. Aayusin ko muna ang mga papeles ko." Sagot ni Nathan. "Thank you sa paghatid. Son, magpaalam ka na Tito Daddy mo." Sabi ko.
"Bye Tito Daddy! Thank you for everything." Sabi ni Travis kaya tumalungko si Nathan at hinarap si Travis. Hinug ni Nathan si Travis. "Be a good boy okay? Wag mong papabayaan ang mommy mo. Susunod ako sa inyo sa Pilipinas." Sabi ni Nathan at tumayo.
"Pre kailangan na naming umalis." Sabi ni Kuya at nakipag bro-hug siya. Humarap naman siya at hinug din ako. Ganoon din ang ginawa niya sa akin pati kay Travis.
Sumakay na kami ng eroplano. At umupo na sa mga respective seats namin. "Are you ready?" Tanong ni Kuya. Ngumiti ako at tumango. Napapikit ako habang inaalala ang narinig ko kanina.
*Flashback*
Tumigil muna ako sa park at uupo sana swing nang biglang marinig ko ang isang napakapamilyar na boses. Nagtago ako doon sa poste at sinilip kung saan nanggaling ang boses. Tama nga ako si Nathan nga.
"Kaya ba pumunta ka dyan sa Pilipinas? Ng dahil sa kanya?" Inis na sabi ni Nathan sa kausap ni Nathan sa telepono. "Itigil mo na to! May anak sila! Makakasira ka ng pamilya sa ginagawa mo! Hindi ka naman ganyan dati Kylie!" Sigaw niya. Kylie? Hindi naman siguro siya yun.
Lumabas na ako sa pinagtataguan ko ng matapos ang tawag niya. "Nathan!" Sigaw ko at napalingon siya sa akin. Napaatras siya sa gulat ng makita ako. "O-Oh ikaw p-pala Elissa!" Nauutal nasabi niya.
*End of Flashback*
Kung si Kylie man iyon. Ano ang kaugnayan niya kay Nathan? Ako ba ang tinutukoy iyang may anak? Pero bakit? Naguguluhan na ako!
------------------
(A/n: Hi po! Sorry for the long wait! Please comment and vote. Thank you sa mga naghintay ng UD ko. Sino po ang gustong magpadedicate? )
BINABASA MO ANG
Devil's Comeback
RomanceLOVE? Meron pa bang ganyan kung walang salitang TRUST? Kung walang TRUST mararamdaman si PAIN susunod naman si HATRED Ganyan ang naranasan ko. Nagmahal ako pero dahil sa isang babae nagbago ang lahat. Di siya nagtiwala. Dahil sa LIE nawala si TRUST...