*Devil's POV*
Maaga akong nagising ngayon para pumunta sa school. Makikipagmeet ako sa isa sa mga clients ko. Ilang saglit lang a nakarating na ako sa school dahil naka motorbike ako. Kahit puyat ako dahil sa nangyari kagabi--kanina eh kailangan magtrabaho.
Pagdating ko ng School ay dumiretso ako sa classroom at napansin kong wala pa ang BDG. Tch. Puyat ang mga yan. Wala rin naman si Kylie kasi nga nahimatay. Ang arte! Pwe! Makapunta na nga lang sa office.
*****
Nasa office pa ako ng isa sa mga hinahandle kong company. Habang nagbababasa ako ng mga iba't ibang papeles ng company na tungkol sa iba't ibang partnerships ay biglang may naglagay ng coffee sa table ko.
Napakunot ang noo ko at tumingin sa nagbigay nito. Lalong kumunot ang noo ko ng makita si Nathan. "Why are you here?" Tanong ko. Ngumiti siya at umupo sa upuan sa harap ng table ko. "Bawal na bang dalawin si Irish Roswell?" Tanong niya.
Tumingin muna ako sa orasan bago siya sagutin. "Oo. Lalo na't 11:45 na ng gabi at malapit ng magmadaling araw." Sabi ko at binalik ang tingin ko mga papeles na hawak ko. "Sus, by the way hinahanap ka ni Travis kanina. Buti nalang nakinig siya sa akin kasi sabi ng mga maids ay umiiyak daw siya ng bago ako makadating doon." Sabi niya.
Nag-alala ako bigla sa anak. Nawawalan na ako ng time sa kanya. Pero babawi ako after this. "How is he?" Puno ng pag-aalalang tanong ko. "He's fine now. Pinatulog ko siya kanina bago ako pumunta dito. Pinakain at pinaliguan ko na rin." Sabi niya.
Ngumiti ako sa kanya. I'm lucky have him. "Salamat, Nathan. Andami mo nang naitulong saming mag-ina." Sabi ko. "Wala yun. Tandaan mo, ako ang tito daddy niya kaya may responsabilidad akong alagaan siya hangga't wala pa ang duwag niyang ama." Sabi niya.
Parang may parte sa puso ko na nalungkot sa sinabi niyang yun. Baka gutom lang to. "Ah sige. Umupo ka muna. Tatapusin ko lang to. Malapit na." Sabi ko.
After how many minutes ay natapos na ako. 12:30 na pala ng umaga. Shucks! Ginising ko na siya dahil nakatulog si Nathan. "Tapos ka na?" Tanong niya. Omy! Ang hot niyang tignan pag bagong gising plus yung bedroom voice niya. Shit! Anong nangyayari sakin? Haha
Tumango nalang ako at tumayo tas inabot ang bag ko. Lalabas na sana kami ng may naalala akong kunin na files. "Saglit lang pala. Pahawak muna." Sabi ko at inabot ang bag ko sa kanya. Bumalik kami sa bookshelves para kunin ang files na pag-aaralan ko. Umakyat ako sa hagdan na 6 steps ang hagdan na to. Umakyat ako hanggang sa pinakamataas na step pero di ko pa rin talaga maabot kaya tumingkayad ako. At sa wakas! Nakuha ko na rin pero nung uurong na ako ay wala na akong matapakan!
"Aaaaaahhhh!" Sigaw ko nang maramdaman na nahuhulog na ako. Napapikit ako ng mariin dahil natatakot akong mahulog. Pag nahulog ka masasaktan kalang kasi walang sasalo sayo. Ilang saglit pa ang nagdaan pero di ko pa rin maramdaman ang malamig na sahig. Kaya napagdesisyunan kong buksan ang mga mata ko.
Pagkabukas ko ng mata ko ay bumungad sa akin ang napakalapit na gwapong mukha ni Nathan. Napatingin ako sa lips niya. Mapupulang labi paakyat sa matangos niyang ilong. Sinalubong ko ang mata niyang mapang-akit. Mahahabang pilikmata at perfect shape ng kilay.
"Ayos ka lang?" Tanong niya at dun palang ako natauhan. Shucks! Nakakahiya! Pinuri ko ba talaga tong mokong na to? F*ck! "Salamat. Kala ko kasi mahuhulog ako ng walang sasalo. Kaya napapikit ako at hinintay na masaktan ako." Sabi ko at ngumiti. Binaba niya muna ako bago siya nagsalita. "Wala yun. Tandaan mo, lagi kitang sasaluhin pag nahuhulog ka." Sabi niya. Napangiti ako ng walang dahilan. Yinaya ko na siyang umalis doon.
*Kinabukasan*
Maaga akong nagising ngayon dahil sasamahan ko sa park ang anak ko. Gusto niyang maglaro. Kahit busy ako eh gagawin ko ang lahat para sa anak ko. We need a quality time together. You know, Mother and son bonding
"Anak ready ka na?" Tanong ko. Ngumiti ang anak ko. Kamukhang kamukha niya ang tatay niya kapag ngumingiti. Haay. Those dimples. Agad din kaming bumaba at lumabas ng bahay.
Habang nasa park kami ay nasa swing kami ng anak ko. Nakakandong siya sa akin. "Mommy?" Tawag niya sa akin humarap naman ako sa kanya at kumunot bahagya ang noo. "Mommy, I envy my classmates." Sabi niya. "Why baby?" Tanong ko. "Mom, because they have dad but me? I don't have." Malungkot niyang saad.
Hininto ko ang swing sa paggalaw and I cupped the face of my son. "Baby, kung wala kang tatay wala ka. Di naman kita mabubuo ng mag-isa. De jowk lang anak. Don't take it seriously. Anak, meron kang Daddy. Busy lang siya. Pero nakausap ko ang daddy mo. Sabi niya sa akin malapit na kayong magkita. Dahil malapit na siyang matapos sa school. At kung bakit ka niya hindi dinadalaw? Busy lang siya." Pagpapaliwanag ko. Oo, busy lang siya. Busy sa pambababae niya. Tch
"Okay Mom. I'll just wait for that right time. And I know naman po na everything has a reason." Sabi ng anak ko at ngumiti. Oh God! Salamat po dahil binigyan niyo ako ng matalinong anak. Yinakap ko si Travis at hinalikan ang tuktok ng ulo niya.
"Son, you want to eat ice cream?" Tanong ko tumango naman agad siya habang nakangiti. "Alright. Just wait for me here. Okay? And..." sabi ko at hinihintay dugtungin ang sinabi ko. "Don't talk to strangers. I got it Mom!" Jolly na sabi ng anak ko. "Wait for me here. Okay?" Sabi ko at hinalikan siya sa cheeks bago umalis.
*Third Person's POV*
Nang makalayo na si Devil sa anak ay biglang dumating ang mga kalaban at nilapitan si Travis. Agad namang umaksyon ang bata kahit natatakot na siya sa dalawang taong nakamasara. Hindi niya magawang sumigaw dahil walang masyadong tao sa banda ng parkeng ito.
Wala siyang iba magawa kundi makipagsabayan sa mga ito. Ngunit hindi pa rin sapat ang ginagawa ng 3 taong gulang na bata. Habang naglalakad pabalik si Devil ay kahit sa malayo ay natanaw na niya ang mga taong nakamaskara. Tinapon na niya ang mga ice cream na hawak niya at tumakbo patungo sa kanila.
Inilayo niya ang anak sa kanila at siya ang nakipaglaban. Kinuha ni Devil ang shuriken sa suot niya at tumabi kay Travis. "Baby, press their points." Sabi niya at nagbilang ng tatlo at sabay silang lumusob. Pero bago nila ito matamaan ay nagmadaling lumisan ang dalawang nakamaskara sa lugar na iyon.
"Son, ayos ka lang? Sinaktan ka nila? May pinaamo ba sila sayo? May tinusok ba sila? Tell me, Shawn Ace Travis." Nag-aalalang tanong ni Devil sa anak at umupo ka-level ng anak niya. "I'm fine Mom. Natakot lang po ako." Sabi ni Travis at yumakap sa ina. Masaya ang ina dahil nakalaban ang anak niya sa mga taong iyon gamit ang mga tinuro niya. Humiwalay sa yakap si Travis at may itinuro sa may damuhan. Isang sulat.
Pinulot naman agad iyon ni Devil at binasa. Naipinta ang gulat at pag-aalala sa nabasa.
'Hi Dear, Guard your son. Baka pagkagising mo o sa isang kisap mata lang mawala yan sayo
-DEMON'Puno ng katanungan ang isip niya. Pero niyakap niya ang anak ng mahigpit at agad na yinaya pauwi dahil napaka delikado na.
'Sino ang may gawa non? Bakit nila ginawa yun sa anak ko? Anong kailangan nila? Sino ba si DEMON?'
***********
(A/n: Pambawi lang po. Please vote and comment your reaction. Please follow din po. Thank you po sa mga support niyo. Who wants the next UD? Lovelots! XoXo)
BINABASA MO ANG
Devil's Comeback
Storie d'amoreLOVE? Meron pa bang ganyan kung walang salitang TRUST? Kung walang TRUST mararamdaman si PAIN susunod naman si HATRED Ganyan ang naranasan ko. Nagmahal ako pero dahil sa isang babae nagbago ang lahat. Di siya nagtiwala. Dahil sa LIE nawala si TRUST...