Chapter 19: Message

11.9K 377 24
                                    

*Devil's POV*

"Tch. Pasalamat ka at may anak ka sa kapatid ko kundi nako! Di kita mapapatawad!" Inis na sabi ni Hell kay Liam ng abutan ni Liam ng inumin si Hell. Natawa nalang ako kay Hell. Napakachildlish. Tinignan ko ang anak ko habang naglalaro kasama ang BDG.

"Hell, Bat mo ba naisipang umuwi dito?" Tanong ko. Hindi naman sa ayaw ko siyang umuwi pero may mali talaga eh. "Ayaw mo? Edi sige aalis na ko." Sabi niya at tumayo. Napangiti muna ako bago siya hinabol. Binackhug ko siya.

I MISS HUGGING MY BROTHER!

"Sorry. Happy Birthday Hell. Always know that I'm thankful because your always here for me. Always remember that I will always love you Twin Brother." I whispered to him.

Humarap siya sa akin at yinakap ako. "Happy Birthday din Twin. Iloveyou." Napangiti ako sa mga sinabi niya. "Hoy! Mamaya na kayo magbonding magkapatid!" Sigaw ni Kier. Sinamaan naman siya ng tingin ni Hell. Pero pumunta naman kami doon.

Habang kumakain kami ay biglang tumunog ako phone ko dahil may tumatawag. I excused myself and lumayo layo sa kanila. Lolo is calling.

"Hello Lolo?" Tanong ko. "Hi iha. Happy Birthday!" Masayang bati niya kaya napangiti ako. "Thank you po Lolo." Sabi ko. Pero nararamdaman kong may iba pa siyang sasabihin. "What is it Lo?" Sabi ko.

"Iha, Gusto ko lang mag-ingat ka dahil nasa malapit lang kalaban mo. Ingatan mo ang anak mo. For now, aalamin ko pa kung sino siya. Ingatan mo ang sarili mo at ang anak mo." Sabi ni Lolo. "Sige po Lo. Salamat din po."

"You're a strong woman. Magpakatatag ka. Matatapos din to. Pasensya na at dinamay pa kita sa GW. Tandaan mo, ang buhay ay parang gulong minsan nasa taas ka minsan nasa baba. Ang ikot ng buhay ay upside down. Pero darating pa rin yung point na yung gulong na yun. Hihinto at makakapagpahinga. Pakatatag ka iha. Maraming nagmamahal sayo. Mahal ka namin." Madamdamin na sabi ni Lolo. Jsq. Ang DRAMA ni lolo 😂

"Mahal din po kita Lo. Osiya mamaya nalang po. Nandito po kasi si Hell eh. At hinahanap na ako ni Travis." Sabi ko ng makitang kumakaway ang anak ko. Natawa naman si Lolo sa narinig. "Sige iha. Bye." Sabi niya bago patayin ang tawag.

SINO NAMAN KAYA ANG KUMAKALABAN SAKIN?

**********

*Knock! Knock!*

"Sino yan?" Sigaw ko. Kakagising ko lang. Jusko! Sino bang taong hindi mapupuyat eh madaling araw nalang natapos ang party ko?


Sino kaya yun? Di naman pwedeng si Travis kasi na kay Kuya siya. Dun sila sa condo natulog. Bakit kaya?


"Mam! Nandyan po si Sir Nathan!" Bigla akong napatayo sa narinig. Si Nathan? Nandito? Pagkatapos niyang di pumunta kahapon? Lakas ng loob niya P're! "Ayan na!" sabi ko. Tumayo na ako at naligo.


Suot ko ngayon ay maong shorts at jersey t-shirt. At pinusod ang buhok ko. Bumaba na ako para harapin ang letcheng bwisita ko. Tss. Pagkababa ko ay nakita ko siyang nakaprenteng upo. "Aba! Aba! Feel at home ka soy ah!"


Lumapit siya sa akin at kiniss ako sa cheeks. Tinaliman ko naman ang titig ko sa kanya. "Why are f*cking here Mister?" Malutong na mura ko. Wala si Travis kaya pwedeng magmura.


"Aww. Nagtatampo siya." Sabi niya at hinatak ang cheeks ko. Umiwas agad ako ng makaramdam ng hapdi. "Naman eh! Tigilan mo nga ako! Ano ako bata?" Mataray na sabi ko at inilapan siya. Nagulat ako nung yakapin niya ako.



"Sorry na. Kaya naman ako di pumunta kahapon eh inayos ko yung surprise ko sayo ngayon. Atsaka gusto ko kasi solo kita." Sabi niya. Kumunot ang noo ko at lumayo sa pagkakayakap niya ng marinig yung word na surprise.



"Come." Sabi niya at hinatak ako papuntang garden. "Anong tri--" napahinto ako ng makarating kami sa garden at natulala. "Surprise?" Sabi niya. Napayakap ako sa kanya at nagpasalamat. F*ck! Sino ba namang di matutuwa kung madadatnan mo sa garden eh sa pool puno ng roses. May bouquet of flowers. Tas sa wall may letter cuttings na "HAPPY BIRTHDAY IRISH!" Tas may balloons sa may damuhan.


"Babawi ako sayo. Tara? Simulan na natin." Sabi niya at ngumiti. Pinunasan niya ang mga luha sa mata ko at kiniss ako sa noo. Shet! Dito palang bawing bawi na siya!

>>>>>>>>>

"Nathan, peram naman ng phone oh. Deadbat na ko eh." Sabi ko kay Nathan. Nakatalikod siya sa kin kasi nag-iihaw siya. "Ah sige kunin mo dun sa table." Sabi niya at humarap sakin. Tinuro niya kung nasaan ang phone niya.

Ang cute niya! Omo! Ang hot niyang tinitignansa suot niyang black sando. Tas pinagpapawisan pa. Shucks! Pinagnanasaan ko na ba si Nathan?

"Huy! Ayos ka lang? Bat natulala ka?" Sabi niya ng bigla siyang sumulpot sa harap ko. "Ay ang hot!" Nasabi ko at napatakip ng bibig. Napangisi siya at unti-unting lumapit sa akin hanggang sa madikit ako sa pader. Kinulong niya ako! Yung dalawang kamay niya nasa gilid ng ulo ko. Nakshoots naman!

"Sinong hot?" Sabi niya gamit ang husky voice niya. F*ck! Ano bang gusto nitong mangyari? "S-Sabi k-ko ang hot. Mainit. Oo tama! As in mainit! Gosh! Iitim niyan ako! Haha." Alanganin na sabi ko. Di ko alam kung tatawa ba ako o ano. Shet na malagkit!

"Ah ganun ba." Sabi niya at unti unting nilapit ang mukha niya. Bigla kong napigil ang hininga ko at napapikit. Ilang minuto pa ay hinintay kong lumapat yung labi niya sakin pero wala. Tindi ah? LUMAPAT? Lalim nun bes.



Minulat ko ang mata ko to see what is he doing. And the f*ck. Namumula kakapigil ng tawa. Sinamaan ko siya ng tingin kaya di na niya napigilan. Tawa tuloy siya ng tawa. Sinuntok ko siya at tinalikuran. "Kala mo hahalikan kita no? Sakit bang umasa bes?" Natatawang sabi niya. Di ko nalang siya pinansin. Putek! Bat naman kasi ako pumukit?


Utak at Puso: Kasi umasa kang hahalikan ka niya.


WHATEVER!



LOKO TALAGA YUN! Aish. Umupo ako sa bench na malapit sa pool at binuksan ang phone niya. Alam ko naman ang password niya eh. Ilang saglit din ay nagtext na ako kay Kuya.


Papatayin ko na sana yung phone niya ng bigla itong tumunog kaya tinignan ko ito hoping na si Kuya ito pero ng mabasa ko yung text message ay muntikan ko ng mabitawan ang phone niya.

Habang binabasa ko ito ay unti-unti akong napamura. WHAT THE F*CK?!


From: Kylie Kang

Magkita tayo bukas same coffee shop. Tungkol to sa kanya. Kailangan ko ng balita mo. -Kylie Kang. KK.



F*cksh*t! Are you the traitor Nathan?

********
(A/n: Sorry for the long wait. Yung mga winners pala na napili ko. Check your inbox here at wattpad. Sinend ko yung name ko sa inyo. Please vote and comment. Sana di kayo magsawang sumuporta. Busy po kasi this past few weeks. Pero babawi po ako. Lovelots! Mwuaaah!)

Devil's ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon