(A/n: Very short update, 1,175 words lang ito. Nanghihina pa miss author dahil galing sa sakit. Pasensya na sa mga matagal na naghintay. Susubukan kong mag-update bukas para sa late chapter. Lovelots mga bessy!)
*THIRD PERSON'S POV*
"HAHAHAHAHA! I miss you Dianna! Don't you miss me?" Sabi ni Haliyah habang nakangisi pa. Sa isip ni Devil ay unti-unti na niyang pinapatay ang babaeng kaharap niya pero hindi niya yun pinapahalata kaya ngumisi muna siya bago kausapin si Haliyah. "G*go! Miss na miss nga kita e! Gusto mo bang sapakin na kita para ma-feel mo ang warm welcome ko."
Pilit mang itago ni Devil ang nararamdaman ang bakas pa rin sa boses niya ang galit. Galit sa babaeng kaharap niya. "Puro ka nalang salita. Ganyan ka nalang ba Devil?" Mapang-inis na sabi niya. "T*rant*d*! Talagang alam mo san ang kahinaan ko!" Sigaw ni Devil, gigil na gigil na siya. Patakbo siyang sumugod kay Haliyah kaya naman naghanda na si Haliyah sa atakeng gagawin ni Devil pero nagulat siya ng laktawan siya nito, tumalikod siya para makita ang gagawin nito pero nagkamali siya. Dahil sa pagkaharap na pagkarap niya ay tumama sa mukha niya ang sipa ni Devil.
Bago pa man makatayo si Haliyah ay lumapit na sa kanya si Devil at sinuntok siya ng napakalakas. "Saan na yung pinagmamalaki mo? Ginigigil mo ako!" Sigaw ni Devil, tinadyakan niya si Haliyah sa tyan at tinalikuran ito para pumunta kina Jem. Hindi niya alam kung sino ang una niyang lalapitan dahil sa gulat niya ng makita silang puno ng pasa at sugat. Agad niyang nilapitan si Khei ng makitang sira ang kanyang damit. Niyakap niya ito at bago tinanggala ng jacket niya at sinuot sa kanya. "Pasensya na, nadamay pa kayo." Naluluha niyang sabi.
Tatanggalin na sana ni Devil ang tali ng biglang, "DEVIL! SA LIKOD MO!" Sigaw ni Jem, agad namang tumalikod si Devil pero nasaksak na siya ni Haliyah sa braso. Ininda ni Devil ang sakit dahil mukhang malalim ang pagkasaksak sa kanya. Bago ito mahabol ni Devil ay nakapunta na si Haliyah kay Liam at sinimulan itong halikan sa pisngi. Sa isang iglap, namanhid ang katawan ni Devil, nandilim ang paningin niya. Agad siyang sumugod kay Haliyah at hinatak ang buhok nito. "Oh bakit? Selos ka? HAHAHA!" Nang-aasar na sabi ni Haliya mas malalong diniin ni Devil ang pagsabunot sa kanya, binalibag niya ito. Kaya napasigaw nalang sa sakit si Haliyah, mali. Mali ang ginawa niya. Makikita niya na naman ang kademonyohan ni Devil. Nagmadali si Devil na tanggalin ang tali ni Khei. "Ikaw na muna ang bahala sa kanila, papatayin ko muna ang babaeng iyon." Tumalikod na siya pero pinigilan siya neto. "Pero Devil, may tama ka." Sabi ni Khei na puno ng pag-aalala, yinakap siya ni Devil, "Ayos lang ako. Kayo ang inaalala ko." Malungkot na sabi ni Devil bago lapitan ulit si Haliyah. Nang datnan niya ito ay nakatayo na si Haliyah at papasugod na sa kanya. Umamba ng suntok si Haliyah pero nakaiwas si Devil. Patuloy lang silang naglaban hanggang sa abot ng makakaya nila.
*Devil's POV*
"HINDI KO NA HAHAYAANG MABUHAY KA PA!" Sigaw ko sa galit. Hindi ko na makilala ang sarili kong boses sa sobrang galit na nararamdaman ko. Walanghiya! Ilang buhay paba ang meron siya?! "At kung mabuhay ka man, sisiguraduhin kong mamamatay kang dahan dahan sa sobrang sakit na paraan."
Tumuntong ako sa upuan, at tumalon mula doon papunta kay Haliyah na ikinatumba niya. "Demonyo ka talaga!" Sigaw niya habang pinupunasan ang dugo sa kanyang labi. "Matagal na! Atleast ako demonyo, hindi tulad mo gustong maging demonyo pero kahit anong gawin mo, sobrang hina mo." Sinapak ko siya ulit sa mukha at sinabunutan ito para patayuin siya. "Sumuko ka na dahil ikakamatay mo pag ipinagpatuloy mo pa."
"Hindi pa tayo tapos. Marami pa sila." Sabi niya at ngumisi. Nagulat ko ng may naramdaman akong mga tao nakapaligid sa amin, may dala silang mga bakal, baseball bat, tubo at kung ano ano pa. Tinuhod ko sa tyan si Haliyah at padarag ko siyang binato. Tumakbo ako papunta kina Khei para tulungan silang magkalas ng mga tali nila. Pagod nako, baka di ko sila makayanan.
"Prince at Kier, maiwan kayo dito para bantayan si Nathan at Kylie. At ang iba ay tumulong sakin." Sabi ko habang nagtatanggal ng tali nila. Pagkatapos naming matanggal lahat ng tali nila ay tinuro ko sa kanila kung saan sila makakakita ng mga armas na gagamitin nila. Suntukan,sipaan,sapakan. Sobrang gulo ng palagid. Pero dahil sanay na kami rito ay agad din namin silang natapos.
"QUEEN!" Sigaw nila at lumapit agad sakin pagkatapos ang laban. Napaupo ako dahil sa pagod. "Ayos lang ba kayo?" Tanong ko at ini-isa isa ko silang tignan. Tumango naman sila dahil wala na rin silang lakas. "Arghhhhh!" Nanlaki ang mata ko sa narinig na sigaw dahil sa palo galing sa isang kahoy. Biglang nabuhay ang dugo ko. Anakng tipaklong naman! "Si Liam!" Sigaw ko kaya nahawi sila.
Nakita ko si Liam na hawak ng dalawang lalaki, ang isa ay may hawak ng kahoy. Napakunot ang noo ko ng makitang dumami ang dugo sa katawan niya. Kung kanina'y pagod na pagod na ako, parang nabuhay naman ngayon ang dugo ko. Susugod na sana ako kaso naramdaman ko ang malamig na bunganga ng baril sa sentido ko.
"Wag kang gagalaw." Sabi niya, at naglakad papunta kay Liam. Bigla akong nanghina ng nakalagpas siya sa kin. Tumabi siya kay Liam at pinaalis ang dalawang kumag na humawak kay Liam. "Sino kaya sa inyong dalawa ang papatayin ko?" Nababaliw na sabi niya. Umabante ako para mapalayo sa mga kaibigan ko dahil baka tamaan sila.
Itinutok niya sakin ang baril at parang slow motion ang lahat, napapikit nalang ako. Dalawang putok ng baril ang narinig ko. Hinintay kong tumama saakin ang bala ngunit dalawang kalabog ang narinig ko. Agad kong minulat ang mata ko at biglang umagos ang luha mula dito.
Tumakbo ako papunta kay Liam na ngayon ay nakahiga na sa sahig. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Sinalo niya ang balang para sa akin, parang umulit ang nangyari noon pero sa pagkakataong ito, siya naman ang nagsakripisyo. Binaril naman ni Kuya si Haliyah.
Hinang-hina na si Liam ng hawakan niyang ang pisngi ko para punasahan ang luha ko. Hinuli ko ang kamay niyang iyon at hinawakan ng mahigpit. "Liaaaaaam! Bakit mo sinalo iyon! Sana ako nalang yung tinamaan! Liam! Magpakatatag ka!" Hindi ko na makilala ang boses ko, sumisigaw ako habang umiiyak, posible ba iyon?
Tinignan ko si Kuya, "Kuya, tulungan mo siya. KUYA!" Sigaw ko kaya agad lumapit si Kuya. Sinakay namin si Liam sa kotse niya at agad din nakarating sa ospital. Agad siyang dinala sa O.R. at nilagyan ng kung ano-ano. "Ma'am hindi na po kayo pwede dito." Sabi ng nurse. At tinignan ko siya ng masama. "Samin ang ospital na to! Kung ayaw mong masamain ka! Pabayaan mo ko!" Sigaw ko at pinigilan naman ako ni Kuya. Magsasalita pa sana ako ng marinig ang kakaibang tunog sa makina na nakakabit kay Liam. Nanlaki ang mata ko ng parang sinasapian siya, hanggang sa dahan dahang nalaglag ang kamay niya at narinig ang isang mahabang nakakarinding tunog sa makina.
"Liaaaaaaaaaaaam!"
BINABASA MO ANG
Devil's Comeback
רומנטיקהLOVE? Meron pa bang ganyan kung walang salitang TRUST? Kung walang TRUST mararamdaman si PAIN susunod naman si HATRED Ganyan ang naranasan ko. Nagmahal ako pero dahil sa isang babae nagbago ang lahat. Di siya nagtiwala. Dahil sa LIE nawala si TRUST...