*Devil's POV*
Kasalukuyan kong sinusundan si Nathan. You read it right. Sinusundan ko siya. Gusto ko munang makasigurado. Ayokong maulit muli ang pagkakamali ko. Ayoko.
Nakatayo na ako dito sa harap ng cafe na pinasukan ni Nathan. At tama nga ang hinala ko. Siya at si Kylie magkakilala. Pumasok na ako ng tahimik ng hindi niya ako makilala. I'm wearing mouth mask para di ako makilala plus sunglasses. Buti nalang kilala ko ang may ari ng cafe kaya pwede akong pumasok ng naka ganito.
Umorder muna ako ng frappe. At umupo sa likod nila. Kunwari ay I'm reading a newspaper pero nakikinig ako sa kanila.
"Kamusta na siya?" Tanong ni Kylie. "Ayos naman siya. Akala niya ay kaibigan lang ako." Simpleng sagot ni Nathan.
"Ano ba ang ginagawa niya ngayon?" Sabi ni Kylie. "Nakakahalata na siya. Kaya naghahanap na siya ng info kung sino ang nagparamdam sa kanya." Sagot ni Nathan.
Ako ba talaga ang tinutukoy niya? F*ck! Kala ko talaga kaibigan ka! After f*cking how many years nagtiwala ako!
"Talaga? Diba ka ba nakokonsensya?" Tanong ni Kylie. Parang ikaw may konsenya! B*tch! Di ko na kaya! Tinext ko ang owner nitong cafe na pasikretong sabihan ang mga costumer na lumabas.
Nang makalabas na ang mga ibang costumer ay tumayo na ako para harapin sila. "What the hell is the meaning of this Marcus Jonathan?!!" Sigaw ko habang tinatanggal ang mask at sunglasses ko. Nang makilala ako ay napatayo silang dalawa sa gulat.
"I c-can e-explain Irish!" Nauutal na sabi niya. Napangisi ako. "I dont need your f*cking explanation!" Sigaw ko sa inis at tumingin kay Kylie. "And you b*tch! Hindi mo ba talaga titigilan yang kakalandi mo? I already warned you. Don't you dare to fight against me. Or else you can see the demon inside me." Sabi ko at mabilis siyang tinutukan ng katana sa leeg.
I miss this!
"What are you talking about?!" Kinakabahan na sabi niya. "Di ka na nadala! Gusto mo ngayon tuluyan na kita?"
"Marcus Jonathan. Masaya bang paglaruan ang isang DEVIL ROSWELL? Haa? I trusted you! Puny*ta! Nagtiwala ako sayo! Alam mo ba ang kabayaran sa mga nang-gagago sakin? I would not be named DEVIL if I am not. Wala pa sa kalingkingan ko ang pagkakakilala mo sakin!" GALIT na sigaw ko. Tangna! Gaguhin daw ako!
"L-let me explain!" Kinakabahang sabi niya. "Anong i-eexplain mo? Anong sasabihin mo? Kasinungalingan na naman ba ang lalabas dyan sa p*tangin*ng bibig mo ha?" Sigaw ko at sinampal ko siya.
"The two of you remeber these, We are not yet finish. Specially you Kylie Kang." Sabi ko at tumalikod kasabay ng pagkatalikod ay binato ko ang shuriken ko papunta sa b*tch na yun.
LAHAT NALANG NG TAO GAGAGUHIN KA!
*********
Nandito ako ngayon sa isang bar na pagmamay-ari ko. 3 hours na ata akong umiinom dito. Masyado akong na-apektuhan dahil dun sa nangyari.Hindi ko naisip na siya pa ang magtratraydor sa akin. I thought he is a good friend. 3 years ko na siyang kakilala pero I didn't know na sa loob ng tatlong taon na yun eh magagawa niya pa akong gaguhin. You thought he is a friend of yours but the truth is he is a traitor.
Nagulat ako ng biglang bumakas ang pinto ng kwartong kinalalagyan ko. Tinignan ko ang lalaking nakatayo sa harap ng pinto. Pumasok siya at unting unti na sinara ang pinto. Umupo ako ng maayos at ininom ng diretso ang hawak kong tequilla.
"Why the f*cking hell are you here?" Galit na tanong ko sa lalaking ginago ko. Napangisi ako ng magulat siyasa boses ko. Sino ba naman ang hindi magugulat kung ang nakasama mo for 3 years ay inakala mong anghel ay demonyo pala? Naramdaman ko ang takot at kaba sa kanya.
"I want to explain. Nagkakamali ka ng pagkakaintindi." Sabi niya. "I'll give you 5 minutes to explain yourself. The time starts now." Sabi ko. I just want to hear what is the truth. Sawa na akong kasinungalingan ang bumubuhay sakin.
"Kaano ano mo ang higad na babaeng yun? Sino ang tinutukoy niyang nililinlang mo? Answer my f*cking questions!" Gigil na sabi ko. Galit ako! GALIT NA GALIT!
"Kylie Kang. She is my long lost fiancee. Na-arrange marriage siya sa akin. 2nd Year Highschool palang kami. Kaso ayaw niya sa akin. " Pauna niya. Nagulat ako sa sinabi niya. "She is your f*cking d*mn fiancee? And you didn't bother to f*cking tell that to me?" Sigaw ko.
Tumango siya. "Siya nga. Believe me gusto kong sabihin sayo. Pero galit ka sa kanya. And hindi ko siya tinuturing na fiancee. Because pinamigay niya ang anak namin."
"M-May anak ka?!" Gulantang na sabi ko. "Pero akala ko ba di ka niya gusto? Niloloko mo na naman ba ako Marcus Jonathan?" Mapaklang tanong ko.
"Ayaw ko sa kanya. Ayaw niya sa akin. Pero ang parents namin gusto kami para sa isa't isa. Pinatira nila kami sa iisang bahay. At dun nangyari ang hindi inaasahan. Naging magkaibigan kami. One time umiinom ako. At naki-inom din siya. Dahil sa kalasingan nangyari yun. Hindi niya sinabi sakin na buntis siya."
"Isang araw nagising nalang ako na wala siya sa tabi ko. Hinanap ko siya sa buong bahay. Sa hindi sinasadyang pagkakataon pumunta ako sa cr para maghilamis ng mukha. Sa inis ko sinipa ko ang basurahan doon at nakita ko ang isang Pregnancy Test. Dalawang guhit. Buntis nga siya. Hinanap ko siya pero di ko siya nakita."
Natahimik ako sa nalaman ko. Nahusgahan ko na naman siya.
"And yun pumunta ako sa ibang bansa at dun kita nakilala. Kaya magaan ang loob ko sayo. Dahil nagawa ko sayo ang pagkakalinga na dapat sa kanya ko ibinigay. Naramdaman ko ang pagiging ama noong inalalayan kita sa pagbubuntis mo. Hanggang sa malaman ko na kilala mo pala si Kylie. Inalam ko muna kung parehas na tao ang kilala mong Kylie sa kilala kong Kylie."
Kaya ba nagulat siya ng malaman niya na may kakilala akong Kylie?
"Hanggang sa bumalik tao ng Pinas at nakita ko siya ulit. Nalaman ko ang totoo. Iniwan niya ang bata sa isang Orphanage. At nung makita ko ang batang iyon ay doon ko naramdaman ang lukso ng dugo. Ang batang iyon pala ay inaalagaan ng isang taong malapit sakin. Sinabi sakin ni Kylie ang totoo at doon ko nakumpirma ang totoo. Kilala ko na ang bata. Kilala ko na ang anak ko pero ang alam niya kaibigan lang ako. At ang tinuturing niyang parents ay ang kaibigan ko."
Kinabahan ako ng di ko alam ang dahilan. Mag nag-uudyok sa akin na magtanong kung sino ang batang iyon. Kaya nagtanong ako. "Sino ang batang iyon? Sino ang kaibigan mo?"
Hindi kaya siya si....
"Ang anak ko ay si Deam Anne. At ikaw ang tinutukoy kong kaibigan."
***********
(A/n: Sorry kung matagal bago ako nakapag-UD. Sorry kung sabaw. Bawi nalang next chapter. Busy po kasi sa school eh. Please vote, comment and follow. Salamat nga po pala sa mga nagmemessage sakin through wattpad, text, and facebook. Lovelots 💕)
BINABASA MO ANG
Devil's Comeback
RomanceLOVE? Meron pa bang ganyan kung walang salitang TRUST? Kung walang TRUST mararamdaman si PAIN susunod naman si HATRED Ganyan ang naranasan ko. Nagmahal ako pero dahil sa isang babae nagbago ang lahat. Di siya nagtiwala. Dahil sa LIE nawala si TRUST...