Chapter 2: The beginning

52 3 0
                                    

Sa lugar na puno ng mahika nag mamadaling nag pupulong pulong ang mga hari at reyna ng ibat ibang kaharian ng Fiore ang Elemental Kingdom , Light kingdom, at ang Dragon Kingdom. Ng malaman nila na nag karoon pangitain ang matandang ermetanyo na si Calisto ay agaran silang nag papulong.

Si Calisto ay isang magaling na Ermetanyo lahat ng kanyang pangitain ay walang labis na mali lagi itong Tama. Kaya ganyan ang kinikilos ng hari at reyna.

Habang nag hinintay ang hari at reyna sa pag dating ni Calisto ay nag kakagulo sila.

"Sa tagal na panahon ngayon lang ulit nag karoon ng pangitain si Calisto" sabi ng hari ng Light Kingdom

"Maaring may hinding magandang mangyayari kaya ngayon lang ulit nag karoon ng pangitain si Calisto." Nangangambang tugon ng reyna ng Elemental Kingdom.

Dahil sa sinabi ng reyna ay tila sila nabato sa pangamba at nabalot ng katahimikan ang lugar. Iniisip ng lahat na baka tama ang sinabi ng reyna. Baka may matinding trahedya ang mangyayari kaya ngayon lang nag karoon ng pangitain.

Nabasag ang katahimikan at tila naka hinga ng maluwag ang hari at reyna ng mag salita ang Hari ng Dragon Kingdom.

"Hindi tayo makikisigurado hanggat hindi pa natin alam ang pangitain kaya wag muna tayong mangamba."

Napatayo ang hari at reyna ng makadating na ang hinihintay nila. Makisig, gwapo, at makapangyarihan ang bumungad sa kanila habang papasok ito.

"Patawad dahil ako'y ngayon lang dumating" paumanhin ni Calisto

Hindi parin mawala sa hari at reyna ang kamanghaan dahil sa itsurang bata parin tignan si Calisto kahit sa ilang daang taon na ang kanyang idad.

The Dragon HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon