Lotus POV:
Kanina pa ako naghihintay dito sa aking shop. Ang tagal kasi ni HM George para na akong tuod dito kakahintay (-3-).
Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagising nalang ako ng may maramdaman akong tao. Mabilis pa kay flash na tumayo ako. Pinuntahan ko yung tunog. May isang babae akong nakita paalis na ito kaya pinaswitan ko.
Lumingon siya sa akin at wow (^0^) ang ganda niya talbog ang beauty ko...(-3-). Natakot yata siya kaya mabilis na tumakbo pero hinarangan ko ang dadaanan niya. Napa mura pa nga siya eh.
Siya pala yung pina dala ni HM George ang ganda talaga niya. Pinaupo ko siya at binigyan ng maiinom. Nag pakilala kami sa isat isa. Ang ganda ng pangalan niya bagay sa kanya.
Nag paalam ako sa kanya at kinuha ang mga libro na pinapakuha ni HM George. Ang sama ni HM ang daming libro tapos papabitbitin kay ganda. Ganda ang tawag ko sa kanya kasi ang ganda niya eh...
Ng maiayos ko na ang lahat ay pinalutang ko ang mga libro at pumunta na sa labas. Baka mabagot na si ganda don.
Lumabas na ako. Sa paglabas ko ay saktong pag bagsak ng mga dinala ko. Nakita ko si Ganda na kukunin ang pinag babawal na libro.
Hindi ito maaari sinigawan ko siya pero huli na ang lahat. Nag liwanag siya. Dali dali ko siyang tinapik kung buhay pa siya.
Iba ang librong kanyang hinawakan ito ay ang huling libro na iniwan ng aking master upang pangalagaan na 17 taon na ang nakalipas.
Ang libro itong ay pinangalana kong cursed book dahil hindi ito nahahawakan nino man pwera lang sa akin dahil ako ang keeper nito. Kung sino man kasi ang humawak sa libro ay namamatay.
Naaawa akong tignan si Ganda na namimilipit sa sakit. Bakit kasi hindi ko itinago ng mabuti. Hindi ko naman sinasadya ang nangyayari sadyang inihalo ko lang ito sa mga libro para hindi ito ganoon kadali makita.
Unti unti ng pumipikit ang mata ni Ganda.
"Ganda.. Wag kang pipikit ..!!" Nanginginig kong sambit sa kanya.
Marahas na bumukas ang pinto at may dalawang lalaki at isang lobo akong nakita. Dali dali silang lumapit kay ganda.
"Sino kayo.? Anong gagawin ninyo sa kanya.?" Tanong ko
Lumapit yung isang lalaki kay ganda (scarlet) at binuhat ito.
"Hindi kami masama. Wala kaming gagawin sa kanya. Kailangan na naming umalis ." sabi nito at sa isang kisap mata ay naglaho sila ng tuluyan.
Kailangan ko itong sabihin kay HM George.
-----
3rd person POV:
Ng kunin ng tatlo si Scarlet ay mabilis silang pumunta ng school kung saan matatagpuan ang magaling na healer na si doc Hail.
"Doc Hail...!!" Sigaw ni L
Dali dali namang pumunta si doc. Hail sa labas kung saan niya narinig ang sumisigaw. Dali daling lumapit si doc Hail kay Scarlet na ngayon ay maputla na at hirap ng huminga.
"Bilis ihiga ninyo siya." Dali daling hiniga ni Kev si Scarlet.
Inasikaso na ni doc Hail si Scaret at binibigyan ng pangunahing gamot. Tumingin si doc Hail sa dalawang lalaki na nanonood sa ginagawa niya.
"Lumabas muna kayo.." Sabi ni doc Hail pero nag matigas yung tatlo.
"Hindi kami aalis dito." Pag mamatigas nila
Napabuntong hininga nalang si doc Hail at dali daling hinubad ang pang itaas na damit ni Scarlet na ngayon ay tanging tube nalang ang Nakikita.
Namula yung dalawa sa nakita nila ang magandang katawan ng dalaga kita dito ang maputi nitong balat at ang perpekto nitong hubog.kaya dali dali silang tumalikod habang na mumula.
BINABASA MO ANG
The Dragon Heir
FantasyI'am an unquenchable fire. The stout and fearless heart. I am truth and light. I am the dragon heir. Genre: Fantasy Taglish story On-hold