Chaper 5: Fiore

27 2 0
                                    

Chapter 5: Fiore

Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata sa pag dilat ko hindi ko mapigilang mamangha may nakikita akong ibat ibang uri ng hayop, may fairies na lumilipad, may mga halaman ka na makikita na kakaibang ganda. Hindi ka makakapaniwalang may makikita kang ganitong uri ng lugar na puno ng mahika.

Isang word lang ang masasabi ko. Wow as in wow

"Do you like it.?" Tanong ni Leo

Tinignan ko siya at ngumiti sabay sabing

"Hell yeah I f*cking like this f*cking place.!" Sabi ko na ikinasimangot niya kaya bago pa niya ako mabatas ay umalis na ako.

At tumakbo sa lugar. Ang sarap sa pakiramdam ng lugar na ito hindi katulad ng lugar sa kabilang mundo na puno ng polusyon. Humiga ako sa halamanan at tinignan ang kulay asul na kalangitan ang dalawang magkaibang laki ng buwan may lumilipad na kakaibang hayop akong nakita.Itinaas ko ang aking kamay na tila mahahawakan ang kalangitan.

Napangiti nalang ako at na paluha. All my life malalaman ko na din kung sino at ano ako ang pagkatao kong gusto kong malaman kahit maliit palamang ako. Tinakpan ko ng palad ko ang aking mukha para matakpan ang mga luha na nag sisilabasan.

"I'm home I'm finally home" munti kong sabi

Pinunasan ko ang luha ko at tumayo na, tumingin ako sa pwesto ni Leo at ni Rue na masaya akong pinagmamasdan.

"Hoy.!! TARA NA..! " sigaw ko sa kanila

Tumakbo sila sa akin papalapit. Dahil sa pagod ko kakalakad ay tumabi ako kay Rue

"Rue pasakay " sabi ko kaya lumuhod si Rue para maka akyat ako

"Kumapit ka sa akin baka mahulog ka" sabi sa akin ni Rue kaya kumapit ako ng mabuti

Nang naka akyat na ako ay tumayo na si Rue at nag simula ng mag lakad kasabay si Leo .

Sa bawat paglalakad namin ay Hindi ko mapigilang mamangha napadaan kami sa isang bayan maraming mga mamamayan ang nagtitinda ng samut saring pag kain. May mga batang nag lalaro gamit ang kakaibang bola na lumilipad.

Napatingin ako kay Leo ng mag salita ito.

"Sila ang mamamayan ng Fiore ang mamamayan na namumuhay ng payapa dito sa bayan. Ang Fiore ay binuo daang daang libo ng panahon binuo ito ni dragonaria na siyang nagtataglay ng kapangyarihan. Sabi ng ating ninuno ang mga mamamayan ng Fiore ay walang kapang yarihan tanging si dragonaria lang ang may mahika binibigay niya ang kailangan ng lahat dito sa mundo subalit sa ilang taon ang lumipas ay naging gahaman ang mamayan kaya pinatay nila ang creator ng Fiore na si Dragonaria dahilan para kumalat ang kapangyarihan. Maraming nag karoon ng kapangyarihan dahil sa nangyari ang elemental god's and goddesses na tagabantay ng balanse ay nagalit sa mga mamamayan dahil sa pag patay sa puso ng Fiore sabi nila muntik ng mawasak ang mundo ng Fiore dahil sa pag kawala ni dragonaria nag karoon ng matinding kalamidad maraming namatay. Subalit nahinto ang pag gunaw ng mundo ng malaman na kada namatay si dragonaria ang kapangyarihan nito ay mabubuhay sa ibang katawan pero hindi ang ala ala nito. "

Nice story but also sad. Naaawa ako sa creator ng mundo hindi siya naintindihan ng iba hindi nila naiintindihan ang kanyang pagmamahal sa lahat hindi nila naiintindihan na kahit namatay siya ay sila parin ang inaalala niya tanging kasakiman lang ang iniisip ng mamamayan kasakiman sa kapangyarihan.

"Where here"

Huminto kami sa isang napakalaking gate na napapalibutan ng nagtatayog na pader na hindi muna makita ang tuktok nito. Unti Unting bumukas ang pinto na tila hinihintay kami nito. Pumasok na kami sa loob.

The Dragon HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon