Chapter 8: transferee
Nagising ako ng maaga. Niloko pa nga ako ni Rue kung ano daw ang nakain ko kung bakit maaga ako nagising at isa pa daw himala na gumising akong mag isa tulog mantika daw kasi ako.
Naligo na ako at gumayak. Ngayon na kasi ako papasok, binigay na sa akin noong isang araw yung uniform at schedule ko ni Reina at Left.
Naiinis ako sa kanila kahapon ng pumasok sila sa kwarto ko at nanggulo. Napagalit nanaman nila si Rue dahil sa surprise nayan.
Nakasuot ako ngayon ng black skirt above the knee tapos isang long sleeve na black na may necktie na red at isang black shoes yung red necktie ay may nakalagay na crest ng F.A. or Fiore Academy. Inilugay ko ang buhok ko.
Hhmm perfect the way I like it. The color of my uniform suit me the best.
"Rue stay here kung gusto mong gumala nakabukas ang pinto sa veranda doon ka nalang lumabas pero be careful baka atakihin ka ng mga istudyante dito yung pag kain kumuha ka nalang OK."
"Geh ingat." Sabi ni Rue
Tsk hindi man lang ako tinignan. Nakahiga lang siya sa kama habang kumakain ng tsi-tsirya.
Umalis na ako at iniwan si Rue sa loob bumaba na ko at nadatnan na wala ng tao sa buong dorm dahil maaga silang pumasok.
Hindi na ako nag abalang kumain wala akong gana. Lumabas na ako ng dorm at nagsimula ng mag lakad papuntang office dahil pinatawag ako ni tanda dala ang regalo sa akin ni Tatay Tor na nakasabit sa aking likuran.
Habang naglalakad ako hindi ko mapigilang mapabusangot dahil sa naririnig ko.
"Wow cool niya"
"Transferee.?"
"Sh*t pare chixs"
"Kala mo kagandahan papansin lang naman yan."
"Weak."
"Bakit iba ang kulay ng uniform niya.?"
Scarlet huminahon ka wala kang mapapala pag pinatulan mo pa sila. Naglakad nalang ako ng hindi sila pinapansin.
"Scarlet..!"
Napalingon ako ng may tumawag sa akin ng makita kung sino. Walang iba kundi yung duo kasama si Reina.
Sino pa nga ba ang tatawag sa akin.? Sila lang naman ang kakilala ko
"Scarlet, tara sabay na tayo papuntang room." aya sa akin ni Reina sabay kawit ng kamay nito sa akin
Ok fc si ate. Kakakilala pa nga lang namin ah.
"So let's go..!~" masayang sabi ni Saira at kumapit naman sa kabila kong braso.
Ano bayan ang bibigat naman ng kamay ng dalawang ito. At kung makakapit akala mong tuko.
"Oy hintayin nyo naman ako" sabi ni Right at humabol sa amin
Hindi ko nalang sila pinansin at ang mga matang nakamatyag sa amin.
Nakakainis kaya. Walang pinag bago ang Fiore sa mortal world. Madami pa ding mapang husgang tao
"Ah Scar bakit wala ka pang ID.?"tanong ni Saira
Napatingin ako sa kanya ng wala sa oras.
Wait Tama ba ang narinig ko.? Scar.? What the f*ck maikli na nga ang pangalan ko pinaikli pa. Saka ano ako isang balat.?!
BINABASA MO ANG
The Dragon Heir
FantasyI'am an unquenchable fire. The stout and fearless heart. I am truth and light. I am the dragon heir. Genre: Fantasy Taglish story On-hold