Chapter 1: Vision

50 3 0
                                    

Sa mundo ng mahika na may naninirahang kakaibang nilalang. May tatlong kaharian ang siyang namumuno sa kanilang mundo.

Sa gitna ng maayos at payapang lugar ng Fiore nabalutan ng pangamba ang tagapasunod ni Calisto ng makita nila ang kanilang arakulo na nababalutan ng puting liwanag.

Sa daang taon na ang nakalipas ngayon lang ulit nangyari ito. Isinagawa ng tagapasunod ang ritual upang hindi mapahamak ang kanilang arakulo sa gitna ng pangitain nito.

Sa gitna ng ritual ay ang pag dilat at pag saad ni Calisto ng kanyang pangitaing nakita.

"Sa pag sapit ng pagsasama ng dalawang buwan.

Na kasabay ng pag silang ng tagapagmana ng makapangyarihang nilalang.

Ay siyang pag bangon ng itim na mahika na daang taon ng wala.

Isusumpa ang tagapagmana na siyang sisira at mag dadala ng gulo sa lahat.

Digmaan ang siyang dapat na pag handaan.

Sa pag sapit ng ika labingdalawang taon.

Siya ang magtataglay ng basbas ng makapangyarihang si Dragonaria.

Mag kakaroon ng pag asa.

Ang taong itinakda na mag wawasak ay siya ding mag bibigay payapa."

Sa kanilang narinig ay siyang ikinagulo ng tagapasunod. Dali dali nilang ibinalita sa tatlong kaharian. Ang siyang pag kakaroon ng pangitain ni Calisto.

Ng malaman ng tatlong kaharian ay dali dali silang nag pupulong pulong.

Nawala ang puting liwanag na bumabalot kay Calisto. Iminulat ni Calisto ang kanyang mata na kulay abo.

"Ihanda ang aking damit." Sabi ni Calisto na sinunod naman ng kanyang tagapasunod.

"Masususnod po arakulo."

Nagbihis na si Calisto kinuha niya ang kanyang tungkod. Habang nag aayos ang kanyang kanang kamay ay nag pakita.

"Calisto may masama akong balita"

Napatingin si Calisto sa kanyang kanang kamay.

____

Continued

The Dragon HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon