PROLOGUE

2.2K 26 3
                                    

Paano kung lahat na ay naibigay mo ngunit para sa kanya hindi pa ito sapat at ito'y kulang? Hanggang saan ang kaya mong tiisin alang-alang sa pag-ibig?


Paano kung pagtagpuhin sila ng tadhana at isang malaking desisyo ang hindi nila inaasahang dalawa. Ano kaya ang mangyayare sa kanila? Ano ang magiging papel ng bawat tauhan sa kwento at paano sila babagohin ng pag-ibig. Handa kaba sa lahat ng bagay sa hindi mo inaasahan? Mababago ba ng pag-ibig ang pananaw mo?



Sa bawat araw  na iyong tatahakin may mga tao at bagay tayong hindi inaasahang makilala at hindi rin natin alam na sila ang magpapabago sa ating buhay.



"Pwede ba Jude! Wag kang magkunwari na mahal muna ako, dahil nong mga panahong kailangan at mahal kita... yun ang panahong isinampal mo sa akin na walang sino man ang kayang tumanggap at magmahal sa akin na katulad mong lalake. Yun din ang panahon na kahit hindi kuna kilala ang aking sarili pinilit kitang intindihin at mahalin. Ngunit lahat ay nagbabago at lahat din noon ay pinagsisihan ko ngayon, dahil ngayon ko napatunayan na may mga taong nanjan sa tabi ko na handa akong mahalin sa kung sino at ano ako" ang mahaba kong lintaya habang humahagulgol dahil hindi ko maiwasang alalahanin ang panahong ayoko nang balikan pa. Inalis ko nadin ang kamay niya sa braso ko at mabilis na umalis sa harap niya. Dahil hindi dapat ako ganito kahina.



"Alex!" ang tawag niya at nakita ko siya sa tapat ng poste ng ilaw at hindi ko nanaman namalayan na bumabagtas nanaman ang aking luha at bigla ko nalang siyang niyakap ng mahigpit.



"Wag ka dapat mag pasalamat sa akin dahil kahit hindi ko man sabihin sayo realidad narin ang nag tatakda na hindi ka niya kailangan. Not unless may pinanghahawakan ka mula sa kanya na may pag-asang nikatiting pero wala bida? Look yourself Alex hindi ikaw ang Alex na nakilala ko noon hindi rin ikaw ang Alex na nagpapakatanga sa taong hindi ka naman mahal. So it's time to make a choice, alam mo ang ibig kong sabihin at alam mo din ang dapat mong ginawa matagal na" ang mahabang lintaya niya sa akin. Tama nga siya realidad na ang nag sasabing hindi niya ako kailangan at hindi niya ako mamahalin. Dahil ito lang naman ako isang di hamak na bakla na umiibig sa taong hindi kayang suklian ang aking pag-mamahal.



========
Ating tunghayan ang buhay pag-ibig nila at kung pano nila malalagpasan ang bawat pag-subok na kanilang kakaharapin.



PS. ANO MANG PAGKAKATULAD SA MGA TAOHAN, LUGAR AT ORGANISASYON AY HINDI SINASADYA AT ITO'Y NAGKATAON LAMANG. DAHIL ANG ISTORYANG ITO AY GAWA NG AKING MALIKOT NA IMAHINASIYON.

HANGGANG KAILAN? (gayxstraight) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon