Alex's POVKakaalis lang ni ace galing dito sa condo at ito ako ngayun mag isa. 'Ano ngaba ang dapat kong gawin?' Ang tanong ko sa aking isipan. Hindi ko magawang iwanan ang taong mahal ko oo tanga na kung tanga pero eh anong magagawa ko eh nagmamahal lang naman ako. Kung mali man ang magmahal siguro araw araw akong magsisimba ngunit iba ang pagmamahal ko sa kanya. Kahit alam kung sinasaktan na ako ito parin ako dahil ganon ko siya kamahal.
Lumipas ang ilan pang mga oras at dumating na ang gabi. Habang abala ako sa pag hahanda sa mesa ay may kumatok, hindi na ako maghihinala pa kung sino ito walang iba lang naman kundi si jude na aking asawa ngaba.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang jude na lasing nanaman, eh ano pa ngaba ang aasahan ko kundi ganito. Nakaakbay siya kay ian ang bestfriend niya, ang laki nangpasasalamat ko sa kanya dahil palagi niya inuuwi si jude na lasing.
"Sorry Ian huh"ang aking sabi
"Ano kaba ok lang sanay naman na ako eh" ang kanya namang sagot
"Paki higa nalang siya sa may couch" ang utos ko sa kanya. Hindi kame magkatabi na natutulog ni jude ayaw niya kasi akong katabi doon siya sa may couch natutulog.
"Halika muna kain" ang alok ko sa kanya
"Naku wag na ok lang ako sa bahay nalang siguro ako kakain" ang sabi niya
"Ahh ganun ba" ang sagot ko naman
"Ahh alex hindi sa nangingialam ako huh palagi kabang sinasaktan niyang si jude?" Tanong niya
"Ahh eh minsa lang naman bakit mo natanong?" Ang sagot na tanong ko
"Kasi yan oh" ang sabi niya sabay turo sa aking pasa sa kamay
"Hahaha ito ba?" Ang sabi ko sabay pakita sa may pasa ko "nakakahiyaman sabihin pero nag away kasi kame kagabi kaya yan...... hahaha ano kaba ok lang yan malayo pa sa bituka no" ang sabi kong natatawa kahit alam ko sa aking sarili na masakit pero wala akong magawa kundi ang tawanan nalang ang aking sarili at piliting tiisin na lamang
"Alex hindi yan nakakatawa kita mo oh nasasaktan kana physically. Alam mo kung ako sayo iiwanan ko nasiya kita mo oh namayat kana dati naman hindi ka ganyan" ang sabi naman niya. Parihas lang sila ni bessy ng sinabi
"Hahaha hindi ko siya magawang iwan eh kasi mahal ko siya" ang aking sabi
"Alex hindi yan pag mamahal kundi katangahan, Nabulag kalang sa pagmamahal na iyong nasasabi pero ang katotohanan ikaw lang naman ang nagmamahal sa inyong dalawa. Kahit na kaibigan ko siya hindi ko lubos na maisip na makagagawa siya ng bagay na ikakasakit mo. Alam mo sa totoo lang naaawa na ako sayo dahil anjan ka parin sa tabi niya kahit pinapakita at pinaparamdan na niya na ayaw ka niya... Masakit na makita at iparamdam ang katotohanan lalo't hindi naman niya masusuklian ang pagmamahal mo sa kanya" ang mahaba niya sabi
"Oo nga no ang tanga tanga ko.... hahaha hayaan mo siguro isang araw maisipan kong layuan nalang siya upang makamtan ko naman ang saya na aking nais. Siguro nga tama ka nabulag lang ako sa isang pagmamahal, siguro may mga bagay na dapat mong madama bago mo marealize na naging tanga kana"ang aking sabi. Napapaisip ako totoo lahat ng sinabi nilang dalawa ni bessy siguro nabulag lang ako sa pag mamahal ko kay jude na kahit kailan man hindi niya matumbasan ang pagmamahal na aking pinaparamdan sa kanya.
Siguro ito na ang panahon upang lisanin ko na siya wala naman akong mapanghahawakan sa kanya dahil ako lang naman ang nagmamahal sa aming dalawa. Nakakatawang inisip na dapat na may mga tao pang dapat sabihin at ipamukha sa akin na isa akong TANGA.
Hindi pa naman huli ang lahat at hindi pa naman si jude ang huling lalaki dito sa mundo. Alam ko na mahirap na kalimuta siya lalot napamahal na ako sa kanya na kahit na sinasaktan na niya ako nagawa ko paring mahalin.
"kaibigan ko si jude pero hindi ko naman nais na ipaghiwalay ka sa kanya I'm not telling you it's going to be easy. Ang sa akin lang naman ay damhin mo ang saya dito sa mundo habang nabubuhay kapa. Siguro tadhana na ang sayang nagsasabi na hindi kayo para sa isa't isa lalo na't nasasaktan kana niya" ang sabi naman niya uli sa akin
"Salamat huh kahit papano napaisip ako sa iyong mga sinabi" ang aking sagot sa kanya
"Wag ka dapat mag pasalamat sa akin dahil kahit hindi ko man sabihin sayo realidad parin ang mag tatakda na hindi ka niya kailangan. Unless may pinanghahawakan ka mula sa kanya na may pag asa, pero wala bida? Look yourself Alex hindi ikaw ang Alex na nakilala ko noon hindi rin ikaw ang Alex na nagpapakatanga sa taong hindi ka naman mahal. So it's time to make a choice, alam mo ang ibig kong sabihin at alam mo din ang dapat gawin matagal na" ang mahabang lintaya niya sa akin. Tama nga siya realidad na ang nag sasabihin hindi niya ako kailangan dahil ito lang naman ako isang di hamak na bakla na umiibig at hindi niya masuklian ang pag mamahal ko sa kanya.
Masakit ang katotohana lalo na at ito ang magpapalaya sayo sa sakit na iyong nadarama siguro ito na talaga ang panahon na dapat ay matagal ko nang ginawa. Wala naman akong hawak na pangako niya dahil kasal lang naman kame sa papel at hindi sa katotohanan.
"Mabuhay ka ng masagana at masaya maraming mga tao ang nagmamahal sayo at tsaka hindi sapat na mahal mo lang siya upang hindi mo siya iwan wala ka namang mapang hahawakang pangako dahil kahit hindi niya sabihin sayo naipaparamdan naman niya sayo. Alam mo ang dapat na gawin matagal na, naco-confuse kalang siguro sa feelings mo. Make your mind work and make a wise decision alex. Tandaan mo alex mas matindi ang nararamdaman kaysa sa salitang ating binibitawan." Ang makahulogan niyang sabi sa akin
"Pero alam mo ian sa panahon na kame ay mag kasam ni jude walang araw na hindi ko hiling na sana ay mag bago na siya pero malabo pala. Ang sakit nga talagang isipin na wala talagang magmamahal sa kagaya namin" ang malungkot kung sabi sa kanya
"Malika alex maraming nagmamahal sayo, imulat mo lang ang iyo mata at pakiramdam ng makita mo at iparamdan rin ng taong yan ang pag mamahal na nais mo. Everyone deserves to be in a good hands. Ang buhay natin dito sa mundo ay maiksi lang sabi nga, nila live life to the fullest" ang sabi niya. Nag tataka na ako kay ian kong bakit niya sinasabi ito.
"Oh wag kang mag alala wala akong gusto sayo huh" ang loko niyang sabi sa akin kaya naman nagtawana kaming dalawa.
"Hahaha ikaw talaga wala naman akong sinabi ah" ang sabi ko naman sa kanya
"Ganyan nga alex maging masaya ka" ang sabi niya sabay tayo sa kanyang upoan "paano bayan hanggang dito nalang ako, sana alex maliwanagan kana at maging panatag ang iyong pakiramdam" ang sabi naman niya at nauna nang napunta sa pinto at sinundan ko naman siya upang mag paalam ng maayos
"Sige ian hanggang sa muli mag ingat ka huh" ang paalam ko sa kanya
"Hahaha ikaw dapat ang sabihan ko ng mag ingat..... hahaha joke lang sige bye" ang paalam niya
"Bye ingat ka ulit hahaha" ang sabi.ang ko sa kanya
"Tandaan mo alex 'mag kaiba ang pagmamahal sa nararamdaman" ang makahulugan niya sabi sabay lakad na.
Napatulala ako sa kanyang sinabi at nangpapasok na ako sa aming unit ay nagulat ako dahil naka tayo si jude sa likuran ko at masama ang timpla ng mukha.
"Ang galing ang LANDI mo rin no" ang galit niyang sabi at........
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
------------------Hello po musta agian? Bitin ba? Sorry huh and sorry rin sa mga typus hihihi.
Wag na wag kakalimutang mag vote at mag comment thank you.......
BINABASA MO ANG
HANGGANG KAILAN? (gayxstraight) COMPLETE
RomanceHindi nakakalimot ang pusong nasaktan, nasugatan at nagkalamat. Ngunit handa bang patawarin at tanggapin ng puso ang taong may gawa nito? Handa kabang sumugal ulit? Is love is sweeter than second time around? Or you will find new one to forget the p...