HK-19(WAKAS)

314 8 4
                                    

Ang buhay ay parang isang tubig sa ilog, hindi mo alam kung saan tutungo at saan ang hangganan nito





Alex's POV







"Uy! Yung sabi ko sayo huh? Dapat pagbalik mo may jowa ka nang dala para sakin" ang paalala ni Ace sakin.






Naku kahit kailan tala tong baklang to malandi. Sabi niya kaninang nasa sasakyan kami ayaw niya daw ng chocolate na pasalubong gusto niya daw jowa. Ang landi diba?









"Oo na. Kahit kailan ka talaga malandi ka" ang natatawang tugon ko naman







"Wow nakapag salita si bakla parang hindi naman?! Hindi ba?" Ang asar niya sakin







Aba ang bakla makapag salita mas ka kaya. Kaya wag ako iba nalang ok?







"Ibahin mo ako. Di ako kagaya mo no" ang sabi ko sabay paikot ng mata.









"Edi wow. Oh sige na tinatawag na kayo, basta bes huh? Mag-ingat ka tas yung jowa ko" pagpapaalala niya sa akin sabay beso.








Juscolored kung alam mo lang bakla gusto ko ring mag uwi ng jowa no.








"Oo na. Ikaw rin mag ingat ka wag puro lalaki! Yung shop ingatan mo" ang paalala ko rin sa kanya.









"Oo alam ko basta ingat ka. Tas yang PUSO mo mas ingat huh?" Ang natatawa niyang pahayag at diniinan pa ang salitang puso.








Punyeta kang bakla ka. Nakuha mo pang sabihin niya. Iingatan ko na talaga to no.






"Ma, Pa ingat kayo huh? Wag masyadong magpapapagod wala ako sa tabi niyo para alagaan ko kayo. Mamimiss ko po kayo" ang nangingiyak kong paalala sa kanila








"Naku wag mo kaming alalahanin anak kaya namin sarili namin. Mamimiss karin namin ng papa mo, kayong dalawa ng kuya mo" ang sabi ni mama sabay yakap ng mahigpit sa akin.







"Mag ingat ka anak huh? Najan naman kuya mo para bantayan ka. Oh Lloyd kapatid mo'' ang sabi ni papa at tingin kay kuya sabay yakap sa aming dalawa ni kuya.







"Naku pa, wag kayong mag alala babantayan ko to ng mabuti" sabay akbay sakin ni kuya "Diba Alex" ang nakakalokong sabi ni kuya sabay tingin ng masama sakin.






"Osya sige na punta na kayo at baka mahuli kayo. Basta mga anak mag-ingat kayo" ang sabi ni mama sabay halik ng pisngi namin ni kuya.







Ito nga't nag lalakad na kami ni kuya papunta sa departure nitong airport at kinakawayan ko pa sila upang ipahayag na kame ay lilisan na.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
'Balang araw makakalimutan rin kita hindi man ngayun pero alam ko nadarating ang araw na makakalimutan at mapapatawad kita sa kabila ng lahat na aking nadama sayo'. Ang sabi ko sa aking isip habang nakatingin sa bintana at tanaw ang nasa baba.










"Nakakalimutan mo rin siya wag kang mag alala. Kakayanin mo yan dahil alam kong kaya mo. Magpakatatag kalang bunso" ang sabi ni kuya sakin sabay gulo ng aking buhok.







"Salamat kuya" ang nasabi ko nalang sabay tingin at ngiti sa kanya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
------------------------------------





HANGGANG KAILAN? (gayxstraight) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon