HK-9

347 11 0
                                    

Alex's POV



Ito na nga ang araw ng kasal namin ni Jude naka prepare na lahat. Nandito ako ngayon sa aking kwarto kung saan inaayos ang aking suot nandito si mama at si bessy Ace. Si papa naman ayon nasa kwarto nila mama nag aayos ata siya don ewan ko haha

"Nak ok lang yan wag kang kabahan ganyan din ako noong ikasal kami ng papa mo" ang sabi ni mama sa akin kasi nahalata niya ata na kinakabahan ako. Well sino ba naman ang hindi kakabahan aber? Kanina pa ako kinakabahan kaya diko lang pinapahalata kila mama at bessy kasi hello basta diko maexplaine yong feeling na ganito. Ikaw kaya nasa posisyon ko para alam mo ang feeling na ganito hmmmmft haha

Noong isang araw lumipad na kame dito sa US para nga sa kasal namin ni Jude. Nakasara din ang shop at pina off namin ang mga employees namin ni bessy ng isang linggo kasi aabutin daw kame dito ng isang linggo ang sabi sa akin ni mama kaya ayon naisipan na namin ni bessy na mag rest sila kahit isang linggo lang.

"Ma... iba noon at ngayon no!" ang sabi ko "tsaka babae ka ma, ako? Lalake!" Ang sunod kong sabi sa kanya kasi diba totoo naman na iba ang sa panahon nila at iba na sa atin.

"Ano kaba nak ang OA mo, huh? Kahit ano kapa nak tanggap ka namin. Marami mang mga taong mapanghusga, sa mata namin ng papa at kuya mo special ka. Bakit lalake at babae lang ba ang dapat ikasal? Hindi naman diba kaya wag kanang OA, huh?" Ang sabi niya sabay tawa.

"Oo nga naman bes... bat ba kinakabahan ka jan? Dapat nga happy ka kasi may asawa kana hello earth to Alex haha" ang tawa na sabi sa akin ni Ace habang sinusuklay niya ang buhok ko. Kaya ayon tinignan ko siya sa salamin at nakangiti siya sa akin maging si mama.

"I love you, nak" ang sabi ni mama noong tinignan ko siya sa salamin at bigla niya nalang akong niyakap kaya yumakap nadin ako sa kanya "mamimiss kita" ang sabi ni mama na noong tinignan ko siya ay umiiyak na kaya ayon napa iyak nadin ako.

"Ma naman eh nakakaasar ka huhu" ang sabi ko sabay punas sa luha niya gamit ang tissue at tinignan ko din si Ace na nadadala nadin siya sa drama naming dalawa ni mama.

"Palagi mong iisipin na mahal na mahal na mahal ka namin ng papa mo. Kahit na ganyan kapa forever kaming nasa tabi mo ano man ang mangyare" ang sabi ni mama na lumuluha parin habang hinahaplos niya ang aking mukha.

"Mama... huhuhu" ang naiiyak kong sabi at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit. Unang kumalas si mama sa yakap namin sabay punas ng mga luha ko "tama na nga ayan tuloy nasira na yang make up mo" ang natatawa niyang sabi sabay tingin kay Ace.

"Nako tita don't worry aayosin natin ulit yan akong bahala haha" ang sabi ni bessy sabay retouch sa aking mukha.

"Ang ganda naman ng bestfriend ko" ang sabi ni bessy Ace habang nilalagyan ako ng foundation sa aking mukha.

"Che! Nambola kapang bakla ka" ang natatawa kong sabi sa kanya at tinignan ko si mama sa salamin at nakangiti lang sa akin yong itsurang namimiss ako na masaya siya para sa akin kaya nginitian ko nalang si mama.

"Pero seryoso bes ang ganda mo" ang sabi ulit ni bessy Ace matapos siya sa aking mukha ay inaayos niya na ang aking buhok. Medyo mahaba na kasi ang buhok ko kaya hindi siya masyadong mahihirapan sa aking buhok. Nilagyan niya ng clip na malaki na kulay puti.

HANGGANG KAILAN? (gayxstraight) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon