HK-11

304 9 0
                                    

"Kahit na kailan man hinding hindi mo matuturuan ang puso sa kong sino ang mamahalin nito"

Alex's  POV



"Hoy bakla!" Sigaw niya sa akin habang papunta sa pinagtutulogan niya. Iisa lang kasing kwarto itong condo although malaki ang kwarto pero iisa lang at iisa lang din ang kama. Lasing na naman siyang umuwi at hindi na bago sa akin ito dahil ganito naman kame palagi at ito na naman ang kinakatakutan ko ang mag away kame at baka saktan na naman niya ako physically.

"Uhmmmm bakit?" ang aking sagot at tinignan siya

"Ito ang tatandaan mo" sabay lapit sakin at nagbigkas ng "HINDI KITA GUSTO!" Na may gigil at galit sa pagbulong niya. Hindi ako nakapagsalita sa kanyang sinabi. Hindi ko naman hinihiling na magustohan niya ako ang sa akin lang ay ang igalang niya ako bilang asawa niya kahit don nalang ok na ako kahit hindi niya na ako mahalin.

"Naiintindihan mo ba BAKLA?" ang medyo pagalit niyang sabi at may pagkadiin sa salitang bakla at naaamoy ko ang alak sa kanyang hininga. Wala na talagang bago at laking pasalamat ko dahil hindi niya ako sinaktan ngayon dahil siguro sa kalasingan niya.


"Hindi ko naman hinihiling na mahalin mo ako ah" ang kalmado kung sabi

"Ewan ko sayo bakla" ang sabi naman niya sabay upo sa may upuan malapit sa tv "tsaka isapa ayokong tumabi sayo pagnatulog, dito nalang ako mas ok pa mas SAFE" ang sabi pa niya at diniinan talaga ang salitang safe

Hindi nalang ako umimik at pumunta na sa kwarto ng unit namin at nag bihis na tsaka nahiga sa kama. Tsaka isa pa yung sa shop baka madalang nalang akung mapunta donmamimiss ko ang bakla. Hay naku hayaan ko nanga yun tutal nandoon naman ni bessy eh.




Ito ako ngayun naka higa sa kama habang inaalala ang napag usapan namin ni bessy nong nakaraan.

"Huy bakla ipag luto mo nga ako ng ulam"ang sabi ni jude ng binuksan niya yung pinto


"Hindi kapa ba busog kanina?" Ang tanong ko kasi naman kagagaling lang naman namin sa venue ah gutom agad


"Eh sa gutom ako eh bakit may angal ka?" Ang tanong niya na may sama sa kanyang mga titig


"Oo na sige na maghintay ka"ang sabi ko naman sa kanya na may pagkainis


"Good masunurin karin pala no"ang sabi naman niya sabay sara ng pinto ng kwarto


Pagkabangon ko ay lumabas na ako ng kwarto at ayun ang asungot nanunuod ng tv naka taas pa ang paa hindi man lang nagpalit.

Pagsara ko ng pinto napansin niya ako.


"Bilisan mo nagugutom na ako ang bagal mo"ang sabi niya


"Oo napo boss nito nanga po oh papunta na"ang sarcastic kung sabi sa kanya at ang asungot ang sama ng tingin saki na akala mo papatay ng tao.

Nandito na ng ako sa kusina at kinakausap ang sarili "Kakayanin ko kaya tong isang to?"ang tanong ko sa aking sarili. Nakakaasar siya wala pang isang oras na magkasama kami dito ganyan na ang ugali niya ano pa kaya ang mang yayari sa mga susunod na araw? Baka naman patayin na niya ako. "Lord help me po please"ang sabi ko sa aking sarili.

-------------------

HANGGANG KAILAN? (gayxstraight) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon