HK-2

875 22 4
                                    

Alex's POV





Nandito na kame ni bessy sa coffee shop na pinatayo namin two years ago. Pinag usapan talaga namin at pinag ipunan ito na ipatayo ni bessy Ace kasi in demand ang ganitong business. Matagal na talaga namin itong plano ni bessy since second year college pa kame noon. So as a graduated of BSBA major in Marketing ito na at naiaapply na namin ni bessy ang pinag aralan namin. Any way 2A QUEEN COFFEE ang pangalan nang aming shop. Kung bakit ganyan ang pangalan? Well nagsisimula lang naman kasi ang aming pangalan ni bessy sa letter A kaya ayan. Nasagot koba katanongan niyo?


"Bes pwede bang after nating magsara ng shop mag mall tayo? Alam muna shopping shopping lang" tanong na pakiusap sakin ni Ace habang nandito kame sa may office namin. Magkatabi kasi yong table naming dalawa since kaming dalawa ang may ari nito and kame nadin ang bahala sa lahat ng in and out ng pera dito sa shop.


"Pwede naman pero ano bang gagawin natin don?" Tanong ko sakanya habang inaayos ko tong mga papers dito sa desk ko kasi na check kuna ito kanina at ito ang unang ginawa ko pagkarating namin dito. Mga list ito about sa mga supplies na kailangang bilhin.


Minsan kasi kame ang nagbubukas ng shop and minsan naman yong isang employee na pinagkakatiwalaan namin ni bessy. Bali tatlo ang susi nitong shop, isa sa akin isa kay bessy at isa kay Lester. Si Lester siya iyong sinasabi kong pinagkakatiwalaan namin ni bessy.


"Diba nga sabi ko sayo na mag sho-shopping tayo tas relax nadin and if wala ka namang bibilhin edi samahan mo nalang ako hehe" ang natatawa niyang sabi sakin at may isinusulat sa papel na kanina niya pa hawak.


"Ok" ang maikli kong tugon sa kanya sabay labas ng office at tinignan ko sa labas nitong office if maraming tao at upang makatulog sa mga gawain dito. Minsan kasi pag maraming tao hindi na kaya ng mga employees namin kaya tumutulong kame ni bessy.

Kame nadin kasi ni bessy ang manager dito kesa naman mag hire pa kame siya pang paswe-sweldohin tsaka kaya naman namin ni bessy kaya nga nag Marketing kame haha.


Nag padeliver nalang kame ni bessy ng pagkain namin nong lunch sa isang korean restaurant kasi kakaopen niya lang nong isang linggo. Hindi namin mapuntahan ni bessy yong restaurant nayon noong opening kasi we're too busy para pumunta that's why nagpadeliver nalang us.



========
7:30 ng gabi nong naisipan naming magsara ni bessy kasi wala naman na masyadong pumupunta kaya nag sara na kame. May mga times naman na late na kame mag sara kasi marami ang pumupunta. Pero usually 8:00 pm ng gabi kame nag sasara.


After naming mag sara naghintay lang kame ng dumadaang mga taxi at hindi naman kame natagalan sa pag hihintay kasi may napara na kame at pagkasakay namin sinabi na ni bessy Ace kay manong driver if saan kame pupunta.


Pagpasok namin sa mall hinila na agad ako nitong pangit nato sa arcade at yon nanga naglaro kame ni bessy nang basketball. Hahaha wag na kayong mag taka pa hindi kame marunong mag shoot ni bessy kasi alam niyo na mga sirena kasi. Puro kame tawa sa mga pinaggagawa namin and syempre nag try din kame ng iba pang games at nag karaoke na din.


Pagkatapos naming mag laro ni bessy Ace sa arcade ay nag aya na akong kumain, napagod kasi ako sa pag lalaro kaya nagutom ako. Inaya ko siya sa favorite namin na fast food chain walang iba kundi sa Jollibee.


After naming kumain ayon pumunta na kame sa department store kasi may bibilhin daw siyang sapatos na nakita niya sa internet. Gusto niya daw kasi makabili ng original, yong nakita daw niya kasi sa internet halatang hindi original yong parang class A lang.


HANGGANG KAILAN? (gayxstraight) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon