HK-3

663 21 2
                                    

Jude's POV





Pag kauwi ko galing sa mall pumasok na ako dito sa bahay na nag mamadali dahil may importante daw na sasabihin ang aking mga magulang. Habang nasa mall ako kanina at tumitingin ng mga damit ng nagtext si mommy sa akin at pinapauwi ako kasi nga may sasabihin daw sila ni daddy.



Dahil sa pag mamadali ko may nabunggo ako kakareply kay mommy, hindi ko kasi tinitignan ang dinadaanan ko kasi ang kulit ni mommy kanina sa text. Tapos nakakaasar pa yong nabunggo ko ang taray akala ko nong una babae kasi mag so-sorry sana ako pero nakita kong maikli ang buhok at walang boobs pero maganda kaya nahalata kunang bakla agad. May kasama din siya kanina at halata na mag bestfriend kasi parehas na bakla.



"Anjan kana pala, Jude. Halika at umupo ka dito may sasabihin kame ng mommy mo" ang sabi ni daddy sa akin kasi nong nakita niya akong pumasok at magkatabi sila ni mommy sa mahabang sofa kaya umupo ako sa tapat nila.



"Ano po bang pag uusapan natin?" Tanong ko sa kanila na mukhang importante talaga ang sasabihin kasi ang seryoso nila.




"Jude, pinatawag kita dahil may importante kaming sasabihin sayo. Napag usapan na namin ito nang mommy mo at ang mga magulang niya" mahabang lintaya sakin ni daddy at nagugulohan ako kasi bakit parang may iba pang kasali sa pinag usapan nila ni mommy.




"Dad, ano poba yon at parang hindi lang yata kayo ni mommy ang nag usap?" Tanong ko kay daddy "Tungkol poba saan ang sasabihin niyo at involve ako jan?" ang tanong ko ulit sa kanya kasi parang kasali ako sa usapan nila kasi kaya nga pinatawag ako diba?




"Nak wag mo sanang ikakasama ang aming sasabihin sa iyo kasi matagal na talagang dapat namin sinabi ito pero kasi hinintay namin ang panahon nato para sabihin sa inyo kasi alam ko na naiintindihan niyo na" ang sabi ni mommy sabay tingin kay daddy. Kanina pa ako nagugulohan sa kanilang dalawa kasi hindi ko magets ang pinupunto nila.




"Mom, dad kanina pa ako dito na parang tanga at hindi niyo pa sabihin nang mabuti ang sasabihin niyo, ano poba yon?" Sabi na tanong ko sa kanilang dalawa kasi dapat kanina pa nila sinabi nauurat na ako dito.




"Nak magpapakasal kana" sabi ni daddy at gulat ko na narinig na mag papakasal daw ako? Kanino naman at bat parang sila na ang nag desisyon sa aking kagustohan? Porket wala pa akong jowa ipapakasal na nila ako so unfair.




"KASAL?" Ang sigaw kong tanong sa kanila kasi wala pa nga sa isipan ko ang mga bagay nayan tapos kasal na? Ano bang klaseng mga magulang to at ganito sila? "Tsaka kanino naman sana? Mom, dad hindi porket wala na akong jowa ay kayo na ang bahala sa magiging kapalaran ko" ang pagdipensa ko sa kanila.



"Matagal na talaga namin itong desisyon nak, bata ka palang talagang noon nakatakda nang ipakasal ka namin sa kanya. Tsaka nak nalulugi na ang company natin and tutulongan nila tayo para hindi mawala ang company natin, alam mo naman siguro kong gaano kaimportante sa atin ang company diba?" Ang sabi ni daddy. Oo mahalaga talaga ang company nayon kasi pamana pa ni lolo yon kay daddy at tsaka yon din ang source of income namin kaya sobrang mahalaga talaga ang company.



"Ah nak hindi lang yan ang sasabihin namin sayo" sabi pa ni mommy sabay tabi niya sa akin so ibig sabihin may iba pa? Wag lang nilang sabihin na mas grabe pa ang susunod nilang sasabihin sa akin? Hindi pa nga ako nakakamove on sa kasal at meron na naman?



"Magpapakasal ka sa isang lalake nak" sabi naman ni mommy. Ano daw? Lalake ako magpapakasal? Jusko naman talaga. Nasisiraan na ata ng bait tong mga magulang ko at ganyan sila mag isip. Ok lang sakin eh kahit sino sana pero wag lang naman sana sa lalake din.



HANGGANG KAILAN? (gayxstraight) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon