Alex's POV
Nandito kame ngayon ni bessy sa shop nag uusap kame tungkol sa nalalapit kong kasal. Tinatanong niya kung san daw kame mag hahoneymoon ni Jude. See manyak talaga tong kaibigan ko nato tanongin ba naman if san kame mag hohoneymoon. Pinakita ko rin ang picture ni Jude at ang bakla namangha ang gwapo daw nang mapapangasawa ko.
"So bes kailan daw ang exact date ng inyong kasal?" Ang tanong niya sa akin nandito kasi kame sa office namin dito sa shop.
"Hindi ko nga alam eh, ewan ko kanila mama" ang sabi ko naman sa kanya kasi hindi pa naman sinasabi sa akin ni mama if kailan daw ba talaga ang exact date. Ako ang ikakasal pero hindi ko alam if kailan ang date how nice diba? Hahaha
"Ano bayan bes hindi mo alam eh ikaw ang ikakasal?!"ang sarcastic niyang sabi kitams diko nga alam sarap dukutin ang mata nito kaasar.
"Sabi ni mama mag usap daw kami mamaya at sasabihin na daw ang mga kailangan at kung ano ano pa para sa aming kasal" ang mahaba kung lintaya sa kanyan kasi kaninang breakfast mag uusap daw kame nila mama at papa para sa kasal kunno yon ang sabi niya sa akin.
"Ganon ba? Paano naman ang mapapangasawa mo hindi ba dapat kayong lahat ang mag usap usap para jan?" Ang tanong na sabi niya sa akin and napa isip din ako sa tanong niya bakit ngaba kame kame lang nila mama. Hmmmm ewan bahala na go with the flow nalang ako bat ba?
"Ewan ko nga ang gulo" ang sabi ko nalang sa kanya kasi malay koba sa plano nila mama.
"Hay nako bes.... ikaw, huh? inunahan mo pa ako" ang sabi niya na napangiti ako dahil sa kanyang sinabi.
"Ano kaba makakahanap karin malay mo nanjan lang sa tabi tabi" sabi ko sabay nguso sa labas. Dito kasi sa office tinted na salamin kaya nakikita namin ang mga tao sa labas nitong office haha sosyal ba? Ok mainggit kayo.
"Ang pangit mo jan bes" ang sabi naman niya. Nag nguso parin ako sa kanya na wari ay may tinuturo kasi naman may gwapo sa labas.
Kumunot naman ang kanyang noo at sabay tingin sa nginunguso ko kasi parang nagets na niya ata ang ibig kong sabihin sa pagnguso. Lumaki ang kanyang mata dahil sa kanyang nakita haha diba ang landi ng bestfriend ko? Hindi halata baklang thoo
"Ahem ang mata mo baka lumabas kanina kapa titig na titig sa kanya" sabay tingin sa akin na nag pabalik sa ulirat niya.
"Bakit hindi ka lumabas para tanongin ang pangalan niya o kaya hingiing mo number niya alam ko naman kasing talandi ka bes kaya gora na" ang natatawa kong pahayag sa kanya kasi naman talandi talaga tong bakla nato pero infairness kay kuya may maipagmamalaki nga naman talaga.
"Che! Epal mo bes ano akala mo sa akin? Like duh... nakakahiya kaya" ang medyo pabebe niya pang sabi
"Sus as if naman babaeng tunay ka" And depinsa ko sa kanya na kala mo naman dalagang pilipina haha.
"Porket ikakasal kana ganyan kana! Abugh ALEX wag kang epal jan hmmm makalabas nanga" ang sabi niya na lumabas na nga dito sa office tapos diniinan talaga ang pagkakasabi ng pangalan ko. Alam ko balak niyan haha lalapitan niya yong guy na sinasabi ko and baka mamaya nakuha niya na number nong guy at baka magkatext na yan mamaya. Ganyan yan guys malanding bakla na kala mo fresh na fresh ang feslak ng bakla ng taon hahaha.
========
Matapos kaming mag sara ni bes sa shop ay umuwi na kami. Ilang minuto pa ay narating ko na ang aming bahay at nakita ko si mama sa salas mag isa at talaga namang hinihintay talaga ako ni mother nature.
BINABASA MO ANG
HANGGANG KAILAN? (gayxstraight) COMPLETE
RomanceHindi nakakalimot ang pusong nasaktan, nasugatan at nagkalamat. Ngunit handa bang patawarin at tanggapin ng puso ang taong may gawa nito? Handa kabang sumugal ulit? Is love is sweeter than second time around? Or you will find new one to forget the p...