"Nagiging tanga talaga tayo pag mahal natin ang isang tao"
Alex's POV
Mahigit dalawang buwan na kaming nagsasama ni Jude ngunit ganun parin siya walang pinag bago laging lasing na dumadating. Araw-araw rin kaming nag aaway minsan sinasaktan niya ako physically. Nong isang buwan naman pumunta dito sila mama upang kamustahin kame ni Jude pero ang tukmol bait baitan lang siya. Halos isang buwan narin akong hindi napunta sa shop dahil ayokong makita ni bessy ang mga pasa ko sa katawan. Oo tama kayo ng narinig may mga pasa ako sa katawan dahilan nito ay ang pag aaway namin ni Jude.
Nandito ako ngayon sa salas nakaupo sa couch nanunuod ng tv dahil kakatapos ko lang maglinis wala ang aking magaling na ASAWA kung ASAWA pa nga ba ang matatawag ko sa kanya. Habang abala ako sa panunuod ay may biglang kumatok. "Sino naman kaya ito?" Ang tanong ko sa aking sarili at pumunta sa pintuan at pinag buksan ang taong kumatok.
Laking gulat ko ng si Ace pala ang kumatok at ang gaga nakataas ang isang kilay. "Kamusta bes?" Yakap ko sa kanya
"Anong kamusta? Dapat ikaw ang kinakamusta ko!" Tinaggal niya ang pagkakayakap ko sa kanya. Buti nalang at nakasuot ako mg loose na damit ngayon hindi niya makikita mga pasa ko sa braso
"Tuloy ka" at ang bakla naglakad agad papunta sa salas
"Bessy? anong gusto mong inomin?" Habang palapit sa kanyang inuupoan
"Wala" ang sabi niya "Bes maupo ka nga at mag uusap tayo" ang pahabol niyang sabi sa akin
"Ahh sige bes" ang sabi ko at agarang naupo sa kanyang tabi "ano ba ang pag uusapan natin?" tanong ko naman kasi naman ilang buwan akong hindi dumalaw sa shop and for sure galit to sakin kaya ganyan siya kong makatingin.
"Marami" ang pagtataray niya sa akin at nakataas pa ang kilay ng bakla
"Ok proceed" ang sabi ko naman at sabay ngiti sa kanya pero ang gaga ganun parin ang expression
"Una ano to?" Ang tanong niya sabay hawak sa aking kamay na may pasa. Hindi ako agad nakapag salita dahil ang pasang kanyang tinutukoy ay ang pasang nakuha ko kay Jude noong isang araw. Akala ko hindi niya na mapapansin kasi pahilom naman na ang pasa ko nayon pero napansin parin niya pala.
"Nako bes wala to nabangga lang ako sa pinto noong isang araw kaya ganyan" sabay ngiti pero tinaasan lang ako ng kilay parang hindi naniniwala sa aking sinasabi. Kailangan kong magsinungaling kasi baka isumbong ako niya kila mama eh.
"Uhhhhummm" tapos tinaas niya ang laylayan ng damit ko sa bandang braso "ito rin ba nabangga?" Ang makahulogan niyang tanong sa akin "Ako ba Alex pinagloloko mo?" Medyo maratay niyang sabi sa akin at inalis na ang kamay niya sa hinawakan niyang pasa ko kagabi. Medyo masakit parin siya at kumirot nong hinawakan ni Ace.
"Magsabi ka sa akin ng totoo" sabay kuha niya sa phone niya sa kanyang bag at nag taka ako dahil may pinipindot siya sa phone niya at nakatingin siya ng masama sa akin habang ginagawa yon.
"Ano sanang sasabihin ko sayo? Baliw to" ang medyo pakalma kong sabi para hindi niya mahalata na kinakabahan ako.
"Hindi mo sasabihin o tatawagan ko si tita?" At pinakita ang phone number ni mama "Ano? Speak!!!" At pinanlakihan ako ng mata niya
========Ace's POV
Atlast nagkaPOV din ako salamat sayo otor. By the way ako nga pala si Ace Mobebe 22 years old, kaisa isang bestfriend ni Alex. Well ako ay maganda, maganda at MAGANDA description nila sa akin yan so walang aangal sinasabi ko lang po ang totoo.
========
BINABASA MO ANG
HANGGANG KAILAN? (gayxstraight) COMPLETE
RomanceHindi nakakalimot ang pusong nasaktan, nasugatan at nagkalamat. Ngunit handa bang patawarin at tanggapin ng puso ang taong may gawa nito? Handa kabang sumugal ulit? Is love is sweeter than second time around? Or you will find new one to forget the p...