Jude's POV
Ngayon na nga ang araw na ang pagkikita namin nang aking mapapangasawa kuno at nandito nga kame nila mommy at daddy sa bahay nila at hinihintay na bumababa dahil nasa kwarto daw siya nag aayos. Tsk! kapal naman at naisipan pang mag ayos ng sarili kasuka ang nasabi ko nalang sa sarili ko.
"Ayan na pala siya balae" ang sabi nang kanyang papa at sabay sabay naman kaming nagtinginan sa kanya. Laking gulat ko nang ang taong aking mapapangasawa ay ang nakabuggo ko nung isang araw yung baklang mataray. Nakita ko rin sa kanyang mukha ang pagkagulat, dahil siguro sa hindi niya inaasahan na ako ang mapapangasawa niya.
"Ikaw!" Ang sabay naming sabi at ang liit nga naman talaga ang mundo siya pa talaga ang mapapangasawa ko at isa pa talagang bakla. Dahil don nag poker face nalang ako sa kanya yong sa mukhang wala akong gana.
"Magkakilala kayo?" Tanong sa amin ng mama niya kasi nagulat kaming dalawa at hindi ineexpect ang aming pagkikita.
"Hindi po ma" ang sagot niya sa kanya mama pero ako hindi nalang ako nag salita at tumahimik nalang.
"Good evening po" ang pagbati niya sa amin at ngumiti pa talaga halatang nag papasikat ang isang to. Para sabihin ko sayo wala akong paki ang sabi ko nalang sa sarili ko.
Matapos niya kaming batiin ay tumabi na siya sa kanyang magulang at tinignan niya ako pero wala akong naging reaction ganon padin ang expression ng mukha ko.
"Anak, si tita mo Apple at tito Rafhael mo at siya ang sinasabi namin sayo na mapapangasawa mo ang nag iisang anak ng tita at tito mo, si Jude anak" ang pagpapakilala ng papa sa amin at ngumiti naman siya at halatang ang plastic ng ngiti ng baklang ko sarap sapakin ang mukha.
"Hello po nice to meet you po" ang sabi niya at nakipag kamay kila mommy at daddy at nilahad niya ang kamay niya sa akin pero hindi ko pinansin ang pakikipag kamay niya. Binawi nalang niya ang kamay niya kasi ayaw kong makipag kamay sa kanya at nong tignan ko naasar ata dahil sa ginawa ko.
"Bagay na bagay pala silang dalawa eh. Hindi ko namukhaan itong bunso mong anak fren. Ang ganda niya parang hindi lalake ah" ang sabi ni mommy kay tita Juliana at ang bakla ang lapad ng ngiti dahil sa pag puri sa kanya ni mommy, kaasar piling maganda. Tapos tinignan ko din ang suot niya at simple lang naman tapos ang bakla halatang nag ayos talaga.
"Pumunta sila dito upang mapag usapan namin ang inyong nalalapit na kasal" ang sabi ni tita Juliana sa kanya at ang OA ng reaction akal mo naman ikinaganda niya yon. Kala naman niya gusto ko din ito.
"Po?" ang gulat na tanong niya sa mama niya "Kailan naman po yan, ma?" Tapos nag tanong pa ulit buset talaga ang OA kaasar tong bakla nato. "Baka sa susunod na buwan, anak" ang sagot naman ni mommy sa kanya at bigla nalang natahimik. "Ayan dapat ganyan ka katahimik kasi nakakairita ang boses mo" ang gusto kong sabihin sa kanya pero dahil sa nandito ako sa kanilang pamamahay ay hinayaan ko nalang.
"Bat parang ang bilis naman po ata, tita?" Ang tanong niya ulit kay mommy at napangisi nalang ako dahil sa akala mo ayaw na ayaw yon pala gustong gusto kala mong bakla ka ang sabi ko sa isip ko.
"Alex wag nalang tito at tita ang tawag mo sa amin mom at dad nalang tutal magiging asawa mo naman na tong anak namin" ang sabi naman ni daddy sa kanya at jusko naman dad talaga naman buset na buhay oo.
"Ok po kung yan po ang gusto niyo" ang mahinhin na sabi niya at pinag usapan na nila ang nalalapit na kasal kuno namin. Nag usap lang sila ng nag usap at wala akong paki sa sinasabi nila kasi wala akong dahilan para makipag usap sa kanila bahala na sila basta ang sa akin lang ay ang masalba ang kumpanya at wala nang iba pa.
BINABASA MO ANG
HANGGANG KAILAN? (gayxstraight) COMPLETE
RomanceHindi nakakalimot ang pusong nasaktan, nasugatan at nagkalamat. Ngunit handa bang patawarin at tanggapin ng puso ang taong may gawa nito? Handa kabang sumugal ulit? Is love is sweeter than second time around? Or you will find new one to forget the p...