HK-1

1.4K 24 0
                                    

Alex's POV




Ring... Ring... Ring... tunog nag aking alarm clock na saakin ay nag pagising. Inimulat ko ang aking mata at syempre nagpasalamat kay Papa God kasi binuhay niya nanaman ako and after that pumasok na ako dito sa CR ng kwarto ko. Oo may sarili akong CR dito sa kwarto. Well ginawa ko lang naman ang morning routine ko sa umaga.

"Bakit ang ganda mo?" tanong na kausap ko sa salamin. Oo ako yong nagsasalita hindi mo pansin? After ko kasing mag toothbrush tinititigan ko ang sarili ko sa salamin at kinakausap. It's good to smile in front of the mirror kasi nakakabata and also it's good to start your day with positive good vibes.

Habang tinititigan ko ang aking kagandahan sa salamin ay may bigla nalang kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Baka nag tataka kayo bakit narinig ko kasi hindi ko sinasara yong pintuan ng CR kasi ako lang naman ang tao dito eh.

"Lex nak? Baba kana at kakain na kayo" ang sabi ni nanay Salya habang nasa labas ng kwarto ko.

"Sige po nay susunod po" ang sigaw ko sa kanya habang nandito ako sa CR. Sumigaw ako para marining ni nanay Salya ang sinabi ko.

"Sige bilisan mo at baka mamaya nandito na ang bestfriend mo" ang sabi pa niya at hindi nalang ako sumagot at tinapos kuna ang ginagawa ko dito sa CR para naman makakain narin ako.

Any way highway hindi ko pa pala pinakikilala ang sarili ko. So ako nga pala si ALEX G. LEE, 22 years old isang magandang bakla. Oo alam ko MAGANDA ako aangal ka? Oo anak ako nina Juliana and Anjo Lee, oo may isa rin akong kuya, si kuya Lloyd at kung hindi niyo man tatanongin oo rin GWAPO daw siya yan ang sabi niya samin. Pero sayang wala siya dito, nasa ibang bansa kasi si kuya doon nasiya nag tra-trabaho kaya miss ko nanga siya eh.

Pababa na ako ng hagdan at natanaw kuna sila sa dining table at kumakain na. Pag nandito ka kasi sa hagdan matatanaw mo yong kusina dito basta imaginen niyo nalang kayo na mag adjust.

"Princess halika kain na" ang sabi ni papa nong nakita niya ako at umupo na ako sa tabi ni mama.

"Hay naku, Alex palagi ka nalang ba ganyang gumising? late!" Sermon sa akin ni mama kahit na nandito kasi sa hapag. Ma show some respect naman oh nagbabasa sila look ganyan ba dapat? Haha pero kahit na ganyan si mama mahal na mahal ko yan pati si papa at syempte mawawala ba si kuya don?

"Ma remember nasa hapag tayo?" Ang sabi ko sakanya at nag sandok ng kanin at ulam at sinimula kunang kumain.

"Ma hayaan muna hindi na siya nag-aaral para gumising ng maaga hindi gaya dati na kailangan niyang gumising kasi may pasok sa school" sabi ni papa kay mama. Kahit kailan talaga mahal na mahal ako niyang si papa love you pa.

"Kaya nga ma" ang pag sang ayon ko kay papa sa kanyang sinabi. "Nag tra-trabaho na ako oh tas ganyan pa kayo sakin" sunod na sabi ko sabay pout sa kanya para kunware nag tatampo talaga ako.

Habang kumakain kame may biglang kumatok sa pinto kaya napatingin kaming lahat don haha naiimagine moba?

"Sige po ako na magbubukas ng pinto" ang sabi ni nay Salya habang nandon siya sa kitchen at may hawak na pamunas sa kanyang kamay.

"Sige po manang salamat" ang sabi ni mama kay nay Salya at pumunta sa pinto para pagbuksan ang sino mang taong kumatok.

"BESSSSSSYYY!!!" hiyaw nag magaling kong bestfriend at agad na umupo sa upuan ni kuya katapat niya ngayon si mama.

"Ano ba Ace ang ingay mo parang mic yang bunganga mo kay aga aga!" sabi ko with roll eye sa kanya kasi palaging ganyan yan parang may mic sa bunganga at ganyan kalakas ang boses niya. Sanay nadin siya sakin haha alam na namin mga ugali naming dalawa kaya alam niya kong galit ako sa kanya o hindi ganon din siya sakin.

"To naman parang dika sanay ah?" Ang sabi niya with pout pa talaga sarap hiwain ang bibig at ipakain sa buwaya kala kasi nitong pangit nato kinaganda niya yon.

"Whatever!" Ang sabi ko nalang at pinagpatuloy nalang ang pagkain ko.

"Oh, Ace kumain kana ba? Halika sabay kana saming kumain" ang sabi ni mama kay bessy kaya minsan nag tataka ako, mama koba talaga yan? Mas mabait pa siya kay bessy kesa saakin ah.

"Nako tita hindi ko napo tatanggihan yang alok niyo kasi hindi pa po ako kumain. Pumunta na kasi ako dito kasi alam kung tulog mantika yang si Alex" wow huh just wow lang Ace hiyang hiya ako sa feslak mong bakla ka parang hindi ka naman tulog mantika nong high school.

"Ay ganon ba, Ace? sige kain ka nang mabuti huh" sabay lagay ko nang hotdog na apat sa pinggan niya. "Nakakahiya naman kasi sayo" sarcastic kong sabi sa kanya kabuset tong baklang to sarap ipakain yong apat na hotdog sa bunganga niya daming talak eh. Pero kahit na ganyan yan mahal ko yan no. Nagiisa nalang ang Ace Mobebe sa mundo kaya thankful ako kasi siya ang naging bestfriend ko.

"Thank you bessy ang bait mo talaga" sabi niya na kay lapad ang ngiti na kala mo naman pumunta ng fiesta sa lawak ng ngiti.

"Princess hindi ba kayo sasabay sa akin niyang bestfriend mo papunta ng shop niyo?" tanong sakin ni papa.

"Sasabay po pa" Sabi ko kay papa at tapos nadin akong kumain at maliligo na para makapunta na sa shop "Oh, Ace bilisan mong kumain sayang yung pamasahe natin papunta sa shop jan ka muna at maliligo lang ako" ang sabi ko sa magaling kong bessy na kinareer na ang pag lamutak sa hotdog.

"Oo fren don't worry tsaka bilisan mo wag kupad pangong, huh?" Kita mo? Parang sino makapagsabi sakin porke maaga lang siya ngayong araw ganyan ang sasabihin sakin. How nice naman Ace

Pumunta na ako sa kwarto ko para maligo at sayang din yong fare namin ni bessy if mag cocommute pa kame papunta sa shop tipid din yon. Pupunta kasi si papa sa office at maiiwan daw si mama kasi may pupuntahang kumare niya at may pag uusapan daw kasi silang importante kaya ganon. For sure makikichismis lang yang si mama kailangan pabang imemories yan? Hahaha



============>>>
Ryan Bacalla as Alex



Hi, hello po! It's been a long time since sinimulan koto. Sorry po talaga ng sobra kasi halos dalawang taon na simula nong sinimulan koto at ngayon nanaman po ako nag update. Bali 19 chapter po ito nong 2017 pero inunpublish ko siya lahat kasi sobrang sabaw bawat chapter at sa ngayon po iniedit ko po siya. Sana hindi na siya sabaw ngayon haha😂

Sorry din po sa mga wrong grammar, use of word and typos hope you understand. Love y'all

Don't forget to VOTE! COMMENT! FOLLOW! po, huh? wag kakalimutan yan para ganahan na ako. Muah muah hugs and kisses🤗😘

HANGGANG KAILAN? (gayxstraight) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon