HK-13

307 14 0
                                    

Alex's POV


"Ang galing ang LANDI mo rin no" ang galit na sabi ni jude at hinatak ako at iba ang ekspresyon ng kanyang mukha ang ekspresyon na akala mo ay papatayin ka.

"Ano ba jude bitawan mo ako masakit"ang pagmamakaawa ko sa kanya dahil hawak ni ang aking kamay na kay higpit ng hawak.

Ito nanaman ba siya? Hindi naba talaga siya magbabago? Pagod na ako hindi kona kaya ang ginagawa niya, kung noon wala akung magawa sa kanyang ginagawa sa akin ngayun mas nanaig ang aking desisyong iwan siya.

Hindi niya parin binibitawan ang pagkakahawak sa akin ang higpit na para bang nakagawa ako ng malaking kasalanan at ayaw bitawan dahil sa ginawa kong hindi maganda.

"Ano huh lalandiin mo pa ang kaibigan ko bakla?" Ang galit na tanong niya sakin at binitawan na niya ang pagkakahawak sakin.

"Ano pinagsasabi mo? Nag uusap lang kami ng kaibigan mo" ang dipinsa ko sa kanya

"Talaga ba bakla?" ang sarcastic niyang sabi sa akin

"Bakit kaba ganyan huh jude? ano ba ang ginawa kung mali huh? Ang alam ko wala naman akong ginagawang mali sa iyo ah! Pagod na ako wala kanang ibang ginawa kundi ang saktan ako ginawa ko lahat tiniis ko kahit masakit na! Alam ko na BAKLA ako at alam kong hindi mo kayang tumbasan ang pag mamahal ko sayo ngunit sana naman jude igalang mo naman ako..... bilang isang tao"ang mahaba kong sabi dahil hindi ko na talaga kaya aalis na ako dito.

Tama sila bessy at ian kailang ko na talaga siyang iwan.

"Ah ganon ba?" ang sabi niya na galit at ikinuyom ang kanyang kamao at isusuntok sa akin at wala akong magawa kundi ang ang hintayin na dumapo sa aking mukha. Pumikit nalang ako at hihintayin na dumapo ito sa aking mukha ngunit ilang sigundo na ang nakalipas ngunit wala akong madama na kamao sa aking mukha at pagkadilat ng aking mata ay nakita ko na pinigilan niya ang kanyang gagawin sana at masama ang tingin sa akin.


"Bat dimo tinuloy? Diba yan naman ang gusto mo ang saktan ako! Hindi kita maintindihan kong bakit ang init ng dugo mo sa akin!" Ang sabi ko at nag unahan nang lumandas ang aking luha sa aking mga mata "pagod na ako jude pagod na pagod.... hindi ko alam kong bakit ba kita tinitiis. Alam kong hindi mo ako mahal pero umaasa ako na sana mag babago ka na kahit magbago man lang at pakitungoan ako kahit hindi mo na ako mahalin na kahit kaibigan nalang" ang sabi ko at pinunasan ang aking luha "ang tanga ko ang tanga tanga dahil tinitiis kita" ang pagtutuloy ko at nakita ko naman ang kanyang mukha na ganon parin ang tingin sa akin

"Bat dika umalis kong tinitiis mo na pala ako?" Ang galit niyang tanong "at kahit kailan man hindi mo ako maiintindihan bakla" ang pagpapatuloy niya

"Hayaan mo jude aalis na ako dito wag karin mag alala dahil hindi na kita guguluhin pa. PINAPALAYA na kita gawin mo na ang dapat mong gawin salamat sa lahat dahil alam kong magiging masaya kana sa aking pagkawala at sorry dahil sa akin kaya ka siguro ganyan" ang sabi ko na lumuluha parin at umalis na sa kanyang harapan at pumunta sa kwarto at kinuha ang aking mga gamit upang umalis.

Siguro ito na ang tamang panahon, minahal ko siya ngunit hindi pala sapat na mahal ko lang siya. Maging isa akong tanga sa harap niya parang hangin lang ako para sa kanya, sasaktan ako ko kailan niya gusto niya.

Mabilis kong kinuha ang aking mga damit at pinunta sa bag kinuha ko na rin ang aking cellphone at tawagan si bessy. Sinabi ko sa kanya na sunduin ako sa baba ng building nitong condo, hindi na siya nagtanong pa dahil siguro alam na niya ang gusto kong ipahiwatig.

Lumabas na ako sa kwarto dala ang malaking bag na nag lalaman ng aking mga gamit. Sa aking pag labas sa kwarto nakita ko siya na naka upo sa sofa at nakatingin lang sa akin na walang makikitang ekpresiyo sa kanyang mukha 'ano pa ba ang aasahan ko?' Ang tanong ko sa aking sarili.

"Oh bakit ka nakatingin huh?" Ang galit na tanong niya sa akin ng tinignan ko siya.

Hay nako..... bakit kopa kasi tinignan siya? Eh wala naman siyang pakialam sa akin.

"Sorry aalis na ako, sana maging masaya kana sa aking pag alis ko at sana rin mahanap mona ang mag papaligaya sayo, sige hanggang dito nalang EX husband" ang sarcastic kong sabi sa kanya at kinuha na ang aking bag at mabilisang umalis sa unit na ito.

Pagsara ko ng pinto ng unit namin ay napaluha nanaman ako 'ano kaba alex? dapat maging matatag ka tandaan mo marami pang iba' ang sabi ko sa aking sarili. Tinitigan ko ng mabuti ang pinto at alam ko na ito na ang huling pag punta ko dito na kung saan dito ko natotonan ang aking KATANGAHAN na kahit one sided love naman ako.


Mabilis kong nilisa ang unit at sumakay sa elevator pababa ng unit na iyo. Ilang minuto lang at ito na ako nasa labas na ng building at hinihintay si ace.

Ilang minuto pa ang naka lipas at may tumawag sa aking pangalan

"Alex!" ang tawag niya at nakita ko siya sa tapat ng poste ng ilaw at hindi ko nanaman namalayan na bumabagtas nanaman ang aking luha at bigla ko nalang siyang niyakap ng mahigpit.


"Ok lang yan bes nandito na ako don't worry" ang pag tatahan niya sa akin ng naka yakap sa akin.


Hindi ako nagsisisi na naging bestfriend ko siya lagi siyang nandiya na handa akong icomfort.

"Cry as hard as you can, cry to make you feel better bes at tandaan mo hindi siya kawalan kundi siya ang nawalan. Wag monang isipin yan nandito lang kami na nag mamahala sayo siguro ito na ang way ni God upang iparamdan at ipakita niya sayo na hindi mo siya kailangan. Nandito lang kami hindi ka namin iiwan" ang sabi niya. 'Lord salamat at binigyan mo ako ng mga kaibigan na laging nandiyan upang damayan ako'

"Tara na tama na ang drama wag mong ihinto ang iyong kwento kundi ipagpatuloy mo ito hanggang sa matapos mo" ang makahulugan niya sabi at inilalayan akong tumayo at binagtas ang kahabaan ng kalsada papunta sa kanilang bahay at lisanin ang lugar na kung saan doon ko naramdaman ang isang dahil upang hindi ako mag patuloy sa aking buhay. Dapat maging matatag ako hindi ako ang alex na humihinto sa paglaban hanggang kaya ko pa. Aja aja fight.......



-----------------
Someone's POV

''Kamusta na kaya siya? Miss na miss ko na siya'' ang tanong ko sa aking sarili.
.
.
.
.
.
.
.
----------------
(Opsssss..... sino kaya siya? Sino kaya ang namimiss niya? Ano na kaya ang mangyayari sa buhay nila jude at alex? Mag kakatuloyan paba sila o tuluyan ng limutin ni alex si jude? Magiging masaya ba ng tuluyan si jude o makakahanap na sila ng sari-sarili nilang mamahalin?) Abangan.......😃

Sorry mukang sabaw na naman....😃 yaan niyo na first time ko kasi gumawa eh....

Sorry sa mga typus at wrong grammar..... tuloy tuloy lang ang pag babasa at wag kakalimutan pindutin ang vote at mag comment.....

HANGGANG KAILAN? (gayxstraight) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon