HK-7

361 14 0
                                    

Jude's POV








Malapit nanga ang kasal namin ni Alex kaya naman mas naasar ako. Sa lahat lahat bakit ako pa? ako pa na isang lalake na ang hanap naman ay babae. Naiinis ako dahil wala akong magawa dahil magulang ko sila pero ang tanong "mamahalin ko kaya siya?"


"Nak sorry sa nagawa ni mommy, huh?" ang sabi ni mommy habang nandito kame sa salas nanonood ng tv


"Wala yon me wag kang mag sorry ginusto ko rin naman to eh kaya ok lang ako wag mo akong alalahanin" ang sabi ko naman sa kanya at tinuon nalang ang aking sarili sa tv pero kahit nakatuon ito sa tv iba paring ang tumatakbo sa aking utak.


"Nak kung hindi mo naman gusto may paraan pa naman, mag hahanap nalang kame nang daddy mo ng paraan para hindi na matuloy at maicancle lahat ng mga napag usapan tungkol sa kasal niyo" ang sabi naman ni mommy sa akin dahil nararamdaman ko na nag aalala sa akin si mommy. Ganyan naman ang mga magulang inaalala ang kapakanan ng kanilang mga anak. Dahil ang nais lang ng ating mga magulang ay ang ating kagustohan at kasiyahan sa buhay ganyan sila gagawa at gagawa sila ng paraan para lang mapabuti ang kanilang mga anak.


"Me... ok lang wag kang mag alala, ok lang talaga sa akin" ang sabi ko naman kasi sabi ko nga ako naman ang gagawa ng paraan at sa paraan na ganito ko sila matutulongan kahit naka salalay dito ang aking kasiyahan.


"Pero nak kitang kita ko kung paano ka nahihirapan sa disesyon na iyan" ang sabi naman ni mommy sa akin na halata sa kanyang boses ang pag aalala.


"Wag kang mag alala me may plano ako" ang sabi ko naman sa kanya dahil may plano talaga ako.


"Pero nak? sure kana ba talaga?" Ang tanong naman ni mommy sa akin at ramdam ko na may tiwala siya sa akin dahil sa sinabi kong may plano ako.


"Oo me" ang maikli ko nalang na tugon kay mommy


Hindi man ako masaya sa disesyon na to may plano ako para sa aking sarili at walang makaka alam nito kong hindi ako lang. Hindi ko lubos maisip na malapit na talaga ang isang kalukohan na ito. Kahit kailan hindi ko ito pinangarap at hindi ko lubos maisip na isang kalukohan ang ipagka sundo ako sa isang bakla. Pero ito nato at sabi ko nga may plano ako kaya kakayanin ko tong malagpasan alam kong kaya ko.


Ganun paman may mga bagay na kailangang sundin kahit ito ay hindi ating nais at upang maipadama kung gaano natin mapasaya ang taong ating minamahal. Dahil sa loob nag halos 24 na taon, ang aking magulang ang sumuporta sa akin. Siguro ito na ang way ni God upang ako ang mag bigay sa kanila nang kanilang pangangailangan.


May mga bagay kasi na isanaalang alang natin ang ating kasiyahan upang makagawa tayo ng kabutihan at kasiyahan sa ibang tao. Hindi naman kasi palagi na sarili mong kasiyahan nalang ang iisipin mo dapat matoto din tayong makiramdam at makisama sa ibang tao. Hindi kaman naging masaya at least you know to yourself na may napasaya ka.


Kaya mag handa ka ALEX ipaparanas ko sayo kung paano kita makitang maging kawawa sa aking kamay. Wala kanang magagawa pa dahil sa oras na nagawa kuna ang aking plano sisigaruduhin kung mag sisisi ka.


Tumunog ng aking cellphone sa aking bulsa at itoy tinignan kung sino ang tumatawag. Walang iba kung hindi ang aking bestfriend na si Ian.


"Oh napatawag ka?" Ang tanong ko nang sinagot ko ang tawag niya at tumingi sa akin si mommy.


"Wala manlang bang hi/hello jan pre? Hahaha" ang natatawa niyang sabi. "Anyway ano tuloy ba tayo?"ang tanong niya ulit sa akin.


"Oo naman pre sa dati nalang" ang sabi ko naman sa kanya at umalis sa sala para hindi marinig ni mommy ang usapan namin.


HANGGANG KAILAN? (gayxstraight) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon