BEA'S POV
Nagulat ako sa mga inamin ni Jho sa akin. Na bisexual siya at na matagal niya na akong gusto. Mas nagulat ako sa paghalik niya sa labi ko. Gusto ko mang magalit sa kanya ay hindi ko magawa. Si Jho ang dumamay sa akin nung mga panahong bagsak na bagsak ako dahil kay Thirdy, nung mga panahong akala ko ay hindi na ako makakabangon. Kaya kahit labag sa loob ko ay kailangang tugonin ko ang inaalay niya sa aking pagmamahal. Kahit dun man lang ay makabawi ako sa kanya. Kaya nang halikan niya ako ulit ay tinugon ko ito kahit nakakapanibago. First time ko kasi makipaghalikan sa kapwa babae. After nung gabing yun ay in-assume na ni Jho na kami na at hindi ko na lang yun kinontra dahil sa tingin ko ay madali lang para sa akin ang matutunan siyang mahalin. Samantala, isang event ang inorganize nina Kuya Kief at Ate Ly, ang FASTBR3AK. Isa taong volleyball event for a cause. Sumali ako pero hindi ako naglaro pero nag-presenta akong maging announcer. Hindi sumali si Jho kasi may reunion sila ng mga kamag-anak. Sinasama nga niya ako pero nauna kasi akong mag-commit kina Kuya Kief at Ate Ly, buti na lang naintindihan ako ni Jho dahil charity event din ito. Lahat ng proceeds dito ay mapupunta sa mga biktima ng mga kalamidad. Pag-upo ko sa announcer's table ay nagulat ako kasi katabi ko si Thirdy. Nandito rin pala siya at siya ang official DJ ng event. Oo nga naman kapatid niya nga pala ang pasimuno ng event na to at kasali rin sa laro sina Tita Mozzy at Dani. Dinedma ko na lang siya pero sobrang kulit niya at di niya ako tinigilan hangga't hindi ko siya kinakausap.
Thirdy: Hi Bei, mabuti at nakapunta ka.
Bea: Hindi kasi ako makatanggi kina Kuya Kief at Ate Ly.
Thirdy: Si Jho di mo ata kasama?
Bea: May family reunion sila.
Thirdy: Mabuti kung ganon. Makakapag-usap tayo ng maayos dahil walang asungot.
Bea: At sino namang nagsabi sayong makikipag-usap ako? Tsaka pwede bah Thirds, wag mong tawaging asungot si Jho dahil hindi siya ganon.
Thirdy: Chill lang. Kung ayaw mong makipag-usap eh ano tong ginagawa natin?
Bea: Ang kulit mo kasi, kawawa ka naman baka magmukha kang tangang salita ng salita na hindi naman sinasagot.
Thirdy: Will atleast concern ka pa rin sa akin.
Bea: Pwede wag assuming. Diyan ka na nga.
Thirdy: Oh saan ka pupunta? Di ba ikaw ang official announcer?
Bea: Will hindi na ako kailangan diyan. Andito naman pala si Kuya Ronnie so siya na lang ang mag-announcer. Magpa-flag girl na lang ako
THIRDY'S POV
After ng FASTBR3AK ay iniiwasan na naman ako ni Bea, pero hindi ako basta-basta sumusuko. Malaki na sakripisyo ko, sa kaiisip ko ng paraan para magkaayos kami ay napabayaan ko ang aking pag-aaral kaya nagsibabaan ang grades that leads me ineligible to play for Season 78. I know na-disappoint ang family ko pero sinuportaan pa rin nila ako. Kaya ngayong wala akong practice at training ay kailangang sulitin ko to para makuha si Bea. Pero naaasar na talaga ako dito kay Jho kasi everytime na lalapit ako kay Bea ay palaging nakaharang.
Thirdy: Pwede bah Jho let me talk to her.
Jhoana: Para ano Thirdy? Para agawin mo siya sa akin? No way.
Thirdy: Aagawin? Bakit sayo ba siya?
Jhoana: Oo bakit may problema ka dun? Kung sabihin ko sayong kami na, may magagawa ka?
Thirdy: Hahahahaha, nagpapatawa ka Jho. Matagal ko nang nararamdaman na iba ka, na may gusto ka kay Bea. Pero ang amining kayo na at sa harap niya pa mismo ay isang malaking kalokohan.
Bea: Ano namang masama kung kami? Atleast kahit katulad ko siyang babae, di hamak naman na mas may "balls" (bayag) pa siya kesa sayo.
Hindi na naman ako nakapagsalita sa sinabi ni Bea at tinanaw ko na lang silang magkahawak-kamay na papalayo.
******************************************
A/N
Seryoso na ba si Bea kay Jho?
Susuko na ba si Thirdy?
Abangan ang mga susunod pang chapters.
Abangan din ang bagong ship na ilalabas ko maliban sa JhoBea at BeaRdy.
Please don't forget to vote and feel free to leave your comments and suggestions.
Also please read my other stories:
IKAW NA PALA YON (A KiefLy Love Story)
KIEFLY & FRIENDS SHORT STORY COLLECTION
MIEFLY SHORTSTORIES (MIEFER+KIEFLY)
SWITCHED PARTNERS (BeaRdy x T-Rex)
WILLING VICTIM (The Cole Micek & Dani Ravena Love Story)
THE SYNDICATE'S LIFE
TEMPTATION RESISTANT
TURN BETWEEN TWO CAPTAINS
HOW CAN I MAKE YOU MINE
Follow me on:
Twitter: AK47NgKiefLy
Instagram: ligerbreedz
Wattpad: AK47NgKiefLy
YOU ARE READING
BIZARRE LOVE TRIANGLE
RomancePaano pay na-inlove ka sa isang tao pero nakatali ka pa? Paano naman kung kailan malaya ka na pero may iba na ang mahal mo at ang masakit pa kapareho pa niya ng kasarian? Eh ano naman ang gagawin mo kung ma-inlove sayo ang ka-relasyon ng mahal mo?