BILLIE'S POV
Hindi ko matanggap na hiniwalayan ako ni Thirdy. Kailangan kong makabawi, ano siya siniswerte? Kailangan kong magplano kung papaano ko "sila" mababawian. "Sila" dahil hindi ako naniniwalang walang kinalaman si Bea dito dahil kahit aminin man o hindi ni Thirdy ay alam kong isa si Bea sa dahilan kung bakit niya ako kinalasan. Pero hindi ko magagawa ang plano ko nang mag-isa kaya kailangan kong kumuha ng mga kasabwat at alam ko kung sino ang kukuntsabahin ko. Hinihintay ko lang lumabas ang sadya ko at nung makita kong papalapit na ang mga ito ay sinalubong ko na sila.
Billie: Hi Prince, Ricci.
Prince: Oh Billie? Bakit ka nandito?
Billie: May kailangan kasi ako sa inyo.
Ricci: Kung manghihingi ka ng despensa sa pagsapak ni Thirdy sa amin ng kuya ko ay wala tayong pag-uusapan dahil hindi pa kami handang patawarin siya.
Billie: Actually hindi yan ang sadya ko sa inyo. Pero may connection ito diyan.
Prince: Ano'ng ibig mong sabihin?
Billie: Alam ko gusto niyong bumawi. Tutulungan ko kayo.
Ricci: Ano? At bakit mo naman gagawin yan? Eh nung sinapak niya kami ay itinakas mo nga siya kaya hindi siya nabawian ni Aljun.
Billie: Na sobrang pinagsisihan ko at sana hindi ko na lang ginawa.
Prince: Bakit mo ba kami tutulungang mabawian yung si Thirdy? Eh di ba patay na patay ka dun? So bakit mo siya ipapahamak? Dalawa lang ang nakikita kong dahilan. Una ay trap ito at kami talaga ang ipapahamak mo or pangalawa, hiniwalayan ka niya kaya gusto mo siyang tablahin.
Billie: I'll take the last one to be the reason behind my actions.
Ricci: Ano? Hiniwalayan ka ng Thirdy na yun?
Billie: Oo pero hindi ako papayag na basta-basta na lang ako itatapon ni Thirdy. Ikaw Prince payag ka bang basta ka na lang babalewalain ni Bea?
Prince: Siyempre hindi pero ano bang kinalaman ni Bea dito?
Billie: Dahil siya ang dahilan kung bakit ako iniwan ni Thirdy at alam kong si Thirdy naman ang dahilan kung bakit ka binasted ni Bea.
Ricci: So anong balak mo?
Billie: Alam kong pupunta si Thirdy sa joint event ng Ateneo at UP mamayang gabi. Actually kasama niya dapat ako kung hindi niya lang ako kinalasan. So pwede niyo siyang abangan dun at gawin niyo ang kung anumang gusto niyo.
Prince: Eh ikaw? Ano namang gagawin mo?
Billie: Si Bea naman ang pupunteryahin ko dahil paniguradong magkasama sila ni Thirdy mamaya. Prince, okay lang naman sayong saktan ko si Bea di ba?
Prince: Okay lang yun. Kung si Thirdy talaga ang pinipili niya eh wala na akong pakialam dun. Hindi siya kawalan sa'kin dahil maraming pang babae d'yan. Gusto ko lang talagang bawian yang si Thirdy.
Ricci: Isasama ko na rin si Aljun para siguradong bugbog sarado si Thirdy sa ating tatlo.
Prince: Mas mabuti pa nga.
Billie: Okay then maghanda na tayo.
THIRDY'S POV
Magkasama kami ngayon ni Bea sa isang joint event nga Ateneo at UP na idinaos sa gitna ng dalawang nasabing schools. Siyempre maraming dumating na students, athletes, student-athletes at mga alumni sa na pumunta.
Thirdy: Ano Bei nag-eenjoy ka ba?
Bea: Yup sobrang nag-eenjoy ako Thirds.
Thirdy: So inom tayo?
Bea: Nope ayoko muna.
Thirdy: Ha? Himala ata.
Bea: Kasi kasama kita.
Thirdy: So kung hindi mo ako kasama ay iinom ka?
Bea: Yup but since kasama kita eh pass muna ako.
Thirdy: Bakit naman ayaw mong uminom pag kasama ako?
Bea: Have you already forgotten? The last time we drink together and got drunk, i ended up losing my virginity to you.
Thirdy: So did you regret that i devirginized you?
Bea: No hindi naman. It's just I'm avoiding to us getting drunk together and end up having sex again. Thirds, ikaw lang nag-iisang naka-sex ko.
Thirdy: And so what if we'll have sex? I'm not gonna run away from my responsibility? I'll even marry you if i get you pregnant.
Bea: The problem is we're not together yet.
Thirdy: Kasi hindi mo pa ako sinasagot.
Bea: Kasi hindi ka pa nanliligaw.
Thirdy: Kasi hindi mo pa ako pinapayagang manligaw.
Bea: Kasi wala pang 3 months simula nung maging single ka.
Thirdy: Eh bakit pa natin hihintayin ang 3 months? Di ba gusto mo lang naman maramdaman kung papaano maligawan ng taong mahal mo rin?
Bea: Oo.
Thirdy: So bakit pa tayo maghihintay? Bei ilang years na tayong nagtitiis at tinitiis ang feelings natin sa isa't-isa?
Bea: Sawa ka na bang maghintay Thirds?
Thirdy: Siyempre hindi pero di ba why would we prolonged the burden when we can be together now.
Bea: Ligawan mo kasi muna ako.
Thirdy: So payag ka nang ligawan na kita kahit wala pang 3 months?
Bea: Oo payag na ako. Excited na rin kasi ako kung paano ka manligaw eh.
Thirdy: Talaga? Woohooohh.
Bea: Hoy wag ka ngang maingay. Pinagtitingnan na tayo ng mga tao oh.
Thirdy: Eh ano ngayon? Eh sa sobrang saya ko eh.
Bea: Haaaayyyy ewan ko sayo.
BEA'S POV
Hindi ko na maitatangging sobrang excited ako sa gagawing panliligaw ni Thirdy. Well ma-effort naman sina Prince at Josh sa panliligaw pero hindi ko lang talaga ma-appreciate dahil hindi ko naman sila mahal. Pero si Thirdy ay mahal ko, hindi lang mahal kundi mahal na mahal. Kaya sa sobrang excitement ko ay pumayag na akong ligawan niya kahit wala pang 3 months mula nung maghiwalay sila ni Billie.
Thirdy: Bei lumilipad na naman yang isip mo?
Bea: Ay sorry Thirds. May sinasabi ka?
Thirdy: Ang sabi ko lumabas muna tayo to have a fresh air.
Bea: Sige bah. Fresh air lang Thirds ha? Yung huli inaya mo akong lumabas ay may nangyari sa atin.
Thirdy: Ikaw Bei ha. Yan na lang ba ang tingin mo sa akin? Laging sex ang gusto? Ikaw ata 'tong gusto ng sex eh kasi yan ang laging bukambibig mo.
Bea: Loko-loko ka talaga. Naniniguro lang ako noh.
Thirdy: Darating din tayo d'yan. Pero sa ngayon ay liligawan muna kita, ipaparamdam ko muna sayo kung paano maligawan ng taong mahal mo rin.
Bea: Sigurado ka ba na mahal din kita?
Thirdy: Oo naman. Kaya nga hindi mo magawang magmahal ng iba di ba? Tsaka marami pang nasabi sa'kin ang parents mo. Tulad nang...
Bea: Oo na. Oo na. Inaamin ko nang mahal nga kita. Tara na nga sa labas, baka kung ano pang masabi mo eh.
Thirdy: Aamin din pala eh. Hahahahaha.
A/N
Magkakabalikan na ba sina Thirdy at Bea?
Magtatagumpay ba sina Billie sa masama nilang binabalak?
Abangan ang mga susunod na chapter.
YOU ARE READING
BIZARRE LOVE TRIANGLE
RomancePaano pay na-inlove ka sa isang tao pero nakatali ka pa? Paano naman kung kailan malaya ka na pero may iba na ang mahal mo at ang masakit pa kapareho pa niya ng kasarian? Eh ano naman ang gagawin mo kung ma-inlove sayo ang ka-relasyon ng mahal mo?