Ikaanim na Chapter

583 10 2
                                    

JHOANA'S POV

Ang pagkain namin ni Thirdy sa labas ay nasundan pa ng maraming beses at hindi ko 'to ipinaalam kay Bea. Hindi ko alam kung bakit ko inilihim sa kanya. Siguro dahil ayokong baka sumama siya at magkalapit ulit sila ni Thirdy. Ang hindi ko lang talaga sigurado ay kung kaya ayokong magkalapit ulit sila at maging sila officially or ayokong magkalapit ulit sila dahil i want to be the one close to him. Oo inaamin ko simula nung nagkalapit kami ni Thirdy ay mas madalas ko na siyang kasama kesa kay Bea at mas masaya ako kung siya ang kasama ko. Para bang nawalan ako bigla ng pakialam kay Bea. Siguro nga, I've fallen for Thirdy na.

Bea: Jho, ikaw ha bihira na lang tayong lumalabas, labas naman tayo mamaya.

Jhoana: Sorry talaga Bei pero may group project kasi kaming tatapusin ng mga classmates ko. (Palusot ko)

Bea: Baka naman pwedeng sumama? Baka may maitutulong ako.

Jhoana: Ay nako kaya na namin yun at tsaka mabo-bore ka lang dun.

Bea: Mas mabo-bore lang ako kung dito lang ako sa dorm.

Jhoana: Bakit ba ang kulit mo? Sinabi nang hindi ka pwedeng sumama! Kung nabo-bore ka, eh di umuwi ka sa inyo total 10 minutes away from Ateneo lang naman yun gamit ang kotse. (Pasigaw kong sabi sa kaya.)

BEA'S POV

Nagulat ako ng sigawan ako ni Jho. Ilang days ko na rin napapansin ang cold treatment niya sa akin and i admit,  nasasaktan ako. Bakit ba kami nagkakaganito kung kailan natututunan ko na siyang mahalin.

Bea: May problema ba tayo Jho?

Jhoana: Wala, siguro sumobra lang yang kakulitan mo.

Bea: Ilang days ko na kasi napapansin ang pagiging cold mo sa akin. Okay pa ba tayo?

Jhoana: Kung ano-ano na naman yang iniisip mo. Umayos ka nga. Sige na aalis na ako, ikaw umuwi ka muna dun sa inyo at naiinis na ako diyan sa kakulitan mo.

Pagkaalis ni Jho ay umuwi na lang din ako. Pero pagdating ko nang bahay, na-bore pa rin ako kaya after an hour ay naisipan kong lumabas at mag-stroll. Naisipan kong bumili ng kape sa Starbucks ng makita akong kakilala. Sina Thirdy at Jho habang masayang nagtatawanan at nagsusubuan pa ng cake. Agad ko si lang nilapitan na ikinagulat nilang pareho.

Bea: Hi guys. Jho hindi mo naman sinabi na si Thirdy pala ang kasama mo sa group project? So anong project yan, ang magsubuan ng cake?

Thirdy: Look Bei let me explain.....

Bea: Shut up Thirds I'm not talking to you and as far as I remember we're not even friends.

Jhoana: Thirds let me handle this. Bei it's not what you think it is.

Bea: Really Jho,  because the way I see it, it is what I think it is.

Hindi ko na hinintay sagot nila at umalis na habang panay ang pagtulo ng mga luha ko. Shit ang sakit, yung dalawang taong minahal ko niloloko ako.

THIRDY'S POV

Sobrang bilis ng pangyayari. Dapat maging masaya ako dahil ito naman talaga ang plano ko kaya nakipaglapit ako kay Jho. Ang mapalapit ulit kay Bea at sirain sila. Pero now I found myself hugging Jho and comforting her instead of following Bea. Kilala ko ang sarili ko at masasabi kong nahuhulog na rin ako kay Jho, nahuhulog ako sa sarili kong patibong.

Thirdy: Okay lang yan Jho, malalagpasan din natin 'to. Maiintindihan din tayo ni Bea.

Jhoana: Bakit Thirds, ano ba talaga ang meron tayo?

Instead na sagutin ko siya ay hinawakan ko na lang siya sa chin at itinaas ang mukha niya para magkatinginan kami. Tapos marahan ko siyang hinalikan sa labi na agad niya namang tinugon. Wala na akong pakialam kung maraming nakatingin sa amin.

******************************************

A/N

My dear readers ito na ang bagong ship na sinasabi ko. I now welcome you to "JhoRdy".

Tuluyan na bang lalayag ang JhoRdy?

Alin sa JhoBea at BeaRdy ang tuluyan nang lulubog?

At alin ang mananatiling nakalutang?

Abangan ang mga susunod pang chapters.

Please don't forget to vote and feel free to leave your comments and suggestions.

Also please read my other stories:

IKAW NA PALA YON (A KiefLy Love Story)

KIEFLY & FRIENDS SHORT STORY COLLECTION

MIEFLY SHORTSTORIES (MIEFER+KIEFLY)

SWITCHED PARTNERS (BeaRdy x T-Rex)

WILLING VICTIM (The Cole Micek & Dani Ravena Love Story)

THE SYNDICATE'S LIFE

TEMPTATION RESISTANT

TURN BETWEEN TWO CAPTAINS

HOW CAN I MAKE YOU MINE

Follow me on:

Twitter: AK47NgKiefLy

Instagram: ligerbreedz

Wattpad: AK47NgKiefLy

BIZARRE LOVE TRIANGLEWhere stories live. Discover now