Pangdalawampu't-tatlong Chapter

431 12 2
                                    

BEA'S POV

Nagpasama ako kay Thirdy na bumili ng pregnancy test kit sa pharmacy. Dahan-dahan at tahikimik lang kaming lumabas at umalis para hindi na magising sina dad at mom, ganon din ang ginawa namin pagbalik.

Thirdy: Sige na baby subukan mo na. Tatlohin mo ha para sigurado.

Bea: Bukas na 'to magagamit baby.

Thirdy: Ano? Bakit naman ipagpabukas pa eh pwede naman ngayon?

Bea: Ang sabi kasi nang iba eh sa unang pag-ihi daw yun sa umaga.

Thirdy: Ganon ba yun?

Bea: Ganon daw eh.

Thirdy: Oh di sige, sundin na lang natin. So tulog na tayo?

Bea: Sige tulog na muna tayo.

Thirdy: Goodnight baby, sweetdreams. I love you.

Bea: Goodnight and sweetdreams too baby. I love you too.

Natulog na kami ni Thirdy, pero maaga rin akong nagising. Siguro dahil sa curiosity kung buntis nga ba talaga ako. Pumasok ako nang banyo para umihi at nagdala ako nang tatlong pregnancy test at sinubukan kung gamitin yung isa. Pagkakita ko sa result ay ko kinabahan ako kaya agad kung sinubukan yung pangalawa. Same result pa rin kaya sinubukan ko na rin ang pangatlo at nung makita kung ganon pa rin ang result ay hindi ko na napigil ang luha ko.

THIRDY'S POV

Nagising akong wala si Bea sa tabi ko kaya agad akong bumangon at hinanap ko siya. Lalabas na sana ako pero napansin kong nakabukas ang ilaw ng banyo kaya sinubukan kong ipihit ang door knob at nang bumukas ito ay itinulak ko ang pinto at nakita ko ang mahal ko na nakaupo sa bowl habang nakayuko at humahagolhol.

Thirdy: Baby? What happen?

Instead na sumagot ay inabot niya sa akin ang tatlong pregnancy test kit na nagamit niya. Nakita ko na may dalawang guhit ang mga ito.

Thirdy: Ano ang ibig sabihin nito? Wala akong alam dito eh.

Bea: Ang dami mo namang hindi alam baby.

Thirdy: Eh ano nga ibig sabihin nitong dalawang guhit?

Bea: It means positive.

Thirdy: Positive?

1... 2... 3... 4... 5... 6... 7... 8... 9... 10... 11... 12... 13... 14... 15...

Thirdy: So does it mean you're pregnant?

Bea: Ay hindi baby, kabag lang 'to.

Thirdy: Baby naman eh.

Bea: Oo nga. We're going to have a baby.

Thirdy: Eh bakit umiiyak ka?

Bea: Tears of joy ito. I'm overwhelmed with happiness right now. Finally magkakaroon na ako ng sariling baby at ang mas maganda pa ay mahal na mahal ko ang ama.

Thirdy: Wooohooo! We're going to be parents.

Napalakas ata ang sigaw ko kasi biglang napasugod sina tito Elmer at tita Detdet.

Elmer: Anong nangyayari sa inyo mga anak? Teka bakit na sa room ka ni Bea Thirdy?

Thirdy: Sorry dad, dito na ako inabutan ng antok.

Detdet: Eh bakit ka sumisigaw Thirdy at bakit umiiyak ka Bea?

Elmer: Hoy Thirdy bakit mo sinisigawan at pinapaiyak yung anak ko ha.

Bea: Dad, hindi ako sinisigawan ni Thirdy okay? Tsaka tears of joy.

Detdet: Eh ano nga ang nangyayari?

Thirdy: Eh kasi mom, magiging grannies na po kasi kayo ni daddy.

Elmer: Ano? So may nangyari nga sa inyo kagabi?

Detdet: Mukhang matagal nang may nangyari sa dalawang yan. Buntis na nga di ba? Alangan namang kagabi lang may nangyari sa kanila tapos buntis agad ngayong umaga.

Bea: Actually mom nung hindi pa nabuntis ni Thirdy si Jho ay may nangyari na sa amin.

Elmer: Aba'y mabilis ka pala Thirdy ano? Bakit sabi nila usad pagong ka? Bakit parang baliktad ata?

Detdet: Kung nagkataon pala eh sabay mong nabuntis sina Jho at yung anak namin.

Thirdy: Kung nagkataon nga po ay matagal ko na ring pinakasalan ang anak niyo. Dahil kung nagkataong sabay ko silang nabuntis ni Jho, yung anak niyo pa rin ang pipiliin ko nang paulit-ulit.

Elmer: Well hijo ngayong nabuntis mo na nga ang anak namin eh wala na kaming magagawa, total ikakasal na rin na man kayo kaya. Congrats sa inyo. Finally magkakaapo na rin kami.

Detdet: Oo nga hija, kaya doble ingat ka na ha.

Bea: Gusto ko nga po sanang pumunta sa OB-Gyne ngayon eh para malaman ang mga dapat kong gagawin.

Thirdy: Sasamahan na kita baby.

Bea: Okay baby. Dad, mom we'll update you right away.

Elmer & Detdet: Okay mga anak.

Kinonfirm naman ng OB-Gyne na buntis nga si Bea at binigyan siya ng mga vitamins at sinabihan kami ng mga dapat gagawin. Bago kami bumalik sa bahay ng mga Dear Leon ay tinawagan ko naman sina Papa at Mama.

Bong: Oh Thirdy, bakit hindi ka umuwi kagabi? Nag-alala kami ng mama mo, di ka man lang tumawag o nag-text man lang.

Thirdy: Pa, nandiyan ba si mama?

Bong: Oo gusto mong kausapin?

Thirdy: Pakilagay na lang sa loudspeaker mode yung phone mo pa dahil may mahalaga akong sasabihin.

Bong: O naka-loudspeaker na.

Mozzy: Hoy Thirdy ano bang sasabihin mo? Kinakabahan kami sa'yo ha? May masama bang nangyari sayo?

Thirdy: Don't worry ma, I'm perfectly fine. Good news 'tong sasabihin ko.

Mozzy: Ano ba kasi yun?

Thirdy: Pa, Ma wag kayong mabibigla ha.
Mozzy: Dadagukan na kitang pagong ka. Ang dami mong cheche bureche.

Thirdy: Bea is pregnant with my child.

Bong: Talaga anak? Magiging lolo na ulit ako. Woohooo.

Mozzy: Oh my god nasaan kayo, pupuntahan namin kayo para personal na ma-congratulate.

Thirdy: Kagagaling lang namin sa OB. Pabalik na kami sa bahay nila Bea.

Bong: Sige anak, susunod na kami diyan.

A/N

Abangan ang nalalabi pang chapters sa kwentong ito.

BIZARRE LOVE TRIANGLEWhere stories live. Discover now