THIRDY'S POV
Hindi ko inakala na may BeaRdy Fan palang sumusunod at nag-picture sa amin ni Bea. Ang masama pa ay in-upload pa ito sa social media. May picture nung nag-uusap kami sa may kotse niya, meron din nung naglalakad kaming magkasama papasok sa Ally's, meron din nung nagtatawanan kami and worst ay may picture din nung nagyakap kami. Nasa malalim akong pag-iisip nang biglang tumawag sa akin si Billie.
Thirdy: Hello?
Billie: Nasaan ka?
Thirdy: Nasa BEG bakit?
Billie: Nasa parking lot ako. Pumunta ka rito.
Thirdy: May practice ako.
Billie: So ano pupunta ka rito o ako ang pupunta diyan at diyan ako mag-eeskandalo?
Thirdy: Ano na naman ba ang problema mo?
Billie: Pumunta ka na rito ngayon din.
Thirdy: Papunta na.
Parang may idea ako kung bakit tinutopak na naman si Billie kaya pinuntahan ko na lang siya sa parking lot. Pagdating ko dun ay naabutan ko siyang nakahalukikip sa tapat ng kotse ko.
Billie: Mabuti naman pumunta ka agad. Akala ko kailangan ko pang mag- eskandalo dun sa loob nang BEG eh.
Thirdy: Ano na naman bah pinuputok ng buche mo?
Billie: Ano to ha?
Nanlaki ang mga mata ko nung yung mga pictures namin ni Bea ang pinakita ni Billie. Although nahulaan ko nang ito ang sadya niya, nagulat pa rin ako.
Thirdy: Obvious bah? Pictures namin ni Bea. So what?
Billie: Anong so what? Bakit kayo magkasama ha?
Thirdy: Eh ano naman kung magkasama kami?
Billie: Naririnig mo ba ang sarili mo? May girlfriend kang tao at ex mo yun, tapos magkasama kayo? Hindi mo ba iniisip ang nararamdaman ko?
Thirdy: Ikaw na naman? Palagi na lang bang ikaw? Billie ipapaalala ko lang sayo ha, itong relasyon natin ay hindi lang tungkol sayo. Dalawa tayo dito. Pero sige since parang gusto mong sayo na lang lagi, sige magkanya-kanya na lang tayo.
Billie: Ano'ng ibig mong sabihin?
Thirdy: Sakal na sakal na ako Billie, ayoko nah. Di porke't mas matanda ka eh ikaw at ikaw na lang ang masusunod at ikaw na lang ang kailangang intindihin. Kung tutuusin ako yung dapat iniintindi dahil mas bata ako pero anong nangyayari? Ikaw itong mas matanda pero ikaw iyong mas immature umasta.
Billie: Iniintindi naman kita ah? Inintindi nga kita kahit may mga anak ka nah.
Thirdy: So utang ko pa sayo ang pag-intindi mo sa pagkakaroon ko nang mga anak? Wow thank you ha?
Billie: Hindi na man sa ganon mahal ang sa'kin......
Thirdy: Tama na Billie, itigil na natin to. Ayoko na at hindi mo na mababago pa ang isip ko.
Billie: Dahil nagkabalikan na kayo? Ganon ba yun?
Thirdy: Look walang kinalaman si Bea dito okay. Matagal ko nang pinag-iisipan 'to. Nakakasakal na yang pagiging selosa at immature mo.
Billie: Nagbibiro ka lang mahal di ba?
Thirdy: Mukha ba akong nagbibiro? Let's stop this Billie, let's just break up.
Billie: No hindi ako papayag.
Thirdy: Nakapagdesisyon na ako and this time ako na ang masusunod at wala ka nang magagawa pa.
YOU ARE READING
BIZARRE LOVE TRIANGLE
RomantikPaano pay na-inlove ka sa isang tao pero nakatali ka pa? Paano naman kung kailan malaya ka na pero may iba na ang mahal mo at ang masakit pa kapareho pa niya ng kasarian? Eh ano naman ang gagawin mo kung ma-inlove sayo ang ka-relasyon ng mahal mo?