Tuu ! :)

12.7K 434 9
                                    

( Dice Point of view)

Nagising ako nang maramdaman kong mag Vibrate ang cellphone ko mula sa bulsa ko,  kaya naman dali dali ko itong kinuha at sinagot.

"Hello? " Aniko habang nakapikit pa rin ang mga mata ko.

"Beks! Ano na? Ayaw mo bang maghapunan?." napamulat naman ako sa sinabi nito, Hapunan?  Oras n ba ng hapunan?.  Agad ko naman tinignan ang orasan nasa braso ko.
6pm ? Omgossshh!  Napasarap ata ang tulog ko.

"Ah,  Eh..  sige, wait lang mabibihis lang ako." Mabilis kong tugon.

nang maputol na ang usapan namin ay mabilis ko naman binuksan ang bag ko para makapag palit ng damit.

Jersey Short at white sando lang naisipan kong suotin,  Siguro naman diko na kailangan pang mag sweater or jacket diba?  di naman malamig ang klima dito di tulad sa amin.

pagkatapos kong makapagpalit ay dumeretso na ako ng pinto pero palabas pa lang ako ng mapagtanto kong wala pala akong dalang pera kaya dali dali akong bumalik ng kwarto para makuha ang wallet ko.

papasok na ako ng kwarto ng mabaling ang paningin ko sa mga bag na nakalagay sa kabilang kama,  bigla kong naiisip yung magiging ka board mate ko, mukhang hindi pa sya bumabalik dahil ganoon pa din ang posisyon ng mga bag mula ng makita ko ito kanina.

hindi ko nalang ito pinansin pa at kinuha ko nalng ang pakay ko at madaling lumabas ng kwarto.

paglabas ko ng pinto ay sakto naman din ang paglabas ni Jaja mula sa kanyang silid at kasunod naman nitong lumabas ang isang babae.

" oh?  kumusta si Sleeping beauty? " Ani Jaja habang papalapit ito sa akin.

"Pasensya na ho! alam mo naman ako need ko ng more sleep dahil pagod. " Aniko. palibhasa walang kapaguran tong taong to eh!

"osha nga pala,  Si Charie pala.  Charie si Dice bff ko. "Ani Jaja. Ngumiti naman ako at inilahad ko ang kamay ko.

"Nice to meet you Pretty boy! " Aniya at nakipagshake hands.

"haha, Nice to meet you too pretty Girl! " bawi ko at sabay sabay kaming nagtawanan. inpernes! maganda si Mother earth at hindi mo mapaghahalata ng kalog din pala.

"nako! tara na! Nagrereklamo na ang mga alaga ko! lets have a dinner first, 
treat ko sige! "Ani Charie.

"ay, wag na. nakakahiya naman sayo!" agad kong tugon.

"No, please! wag ng kumontra pa! ganito nalang isipin nyo, Next time ikaw mag-treat and at the next day si Jaja naman. " Aniya.  hindi na ako kumontra pa mukhang hindi ako magwawagi at nagumpisa na kaming maglakad palabas. 

habang naglalakad ay patuloy pa din ang kwentuhan naming tatlo.  napag alaman ko nagkalilala pala sila ni Jaja sa labas kanina at magkatabi lang din ang kwarto nya sa kwarto ni Jaja.

napagalaman ko din na going 4th year din sya this coming school year at labis kong kinanganga, sila pala ang may-ari ng boarding house na tinitirahan namin ngayon.

hindi naman kasi maipagkakaila na galing sya sa may kayang pamilya mukhang hindi naman sya napapabayaan at base sa kwento nya ay Lolo at lola nalang daw ang nagaalaga sa kanya.

hindi naputol ang masayang palitan ng kwento namin at kahit naghahapunan na kami ay panay pa din ang tawanan dahilan para pagtinginan kami ng mga tao dito.

paano ba naman! kung gaano ka ingay si Jaja doblihin mo pa sya. hayyy!  kung sinuswerte ka nga naman sa kaibigan.

.
.
.

MR.PROBINSYANO (Meets) MR.ANTIPATIKO (BROMANCE COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon