Tertii Siks ! :)

7.2K 357 71
                                    

Author's Note :

Bago nyo po basahin ang susunod na Chapter ay nais ko muna pong pagpasalamat sa lahat ng napakarami sa lahat ng :

BUMASA/ BUMOTO / NAGKUMENTO /

Ang sarap sa pakiramdam na binigyan nyo po ako ng oras sa araw araw na binibigyan tayo ng panibagong araw na galing kay Papa God.

Very.. Very.. Thankful po ako sa inyo!
Iloveyou all Guys :***

Reminder: Next Two Chapters na po ang FINALE AT EPILOGUE..

Magkakatuluyan nga ba sila?
Wala pa pong kasiguraduhan, ANG FINALE AT EPILOGUE ANG NAKAKAALAM!  hihihi

Again, Sorry sa Typo Errors!
Wala pa po kasing panahon mag edit-edit.

( I HOPE YOU ENJOY IT :) )

( insert your COMMENTS plsss! Gusto ko kasing malaman kung ayos ba itong chap na to!)

...........*

( Dice P.O.V )

Isa nanaman panibagong araw,

Panibagong araw na malungkot

Pinipilit kong maging matatag at masaya sa harap ng pamilya ko

Kahit sa loob loob ko hindi ko na talaga kaya.

Bawat araw, oras, minuto na dumaan ay hindi na aalis sa isip ko si Seb at kahit anong gawin kong panglilibang sa sarili ko ay tila walang kwenta.

Ramdam ko sa sarili ko, Miss na miss ko na sya. Ano kayang ginagawa nya? Pumapasok pa ba sya?

Minsan pumapasok sa isip ko na tawagan sya pero pilit kong pinipigilan ang sarili ko, natatakot akong sumuway sa Ama nya natatakot ako sa posibleng mangyari.
Madalang na din tumawag si Jaja lagi daw busy sa school at ang huling paguusap namin ay hindi nya pa din daw nakikita si Seb at dagdag pa ni Jaja ay lagi daw lumiliban sa klase.

Nagaalala ako kay Seb, Nasaan kaya sya.

"Kuya Dicceee! Tara na punta na tayo kay Nanang at Tatang.. " natigilan ako sa pagisip habang nakatanga sa binta ng marinig ko ang pagtawag ng isa sa mga kambal. "Oo nga po Kuya.." Segunda naman ng isa pa.

Binigyan ko muna ng ngiti ang dalawa bago nagsalita.

"Okey, wait hahanda ko lang ang mga pagkain na dadalhin sa farm. "
Aniko at nagtungo na sa kusina para maihanda ang mga dadalhin na pagkain.

Araw ng linggo ngayon at magtutungo kami ngayon kami sa farm para dalhan ng makakain sila Nanang at Tatang.

Nang mai-ayos ko na ang mga dadalhin ay inilabas ko naman ang bisikleta at inilagay sa basket ang mga pagkaing dadalhin at sumakay na din ako pagkatapos ay sinakay ko na din ang kambal sa likod at harap.

.
.

"Kuya ang lamiggg!! " Ani nung isa sa kambal na nakaangkas sa harapan habang tinatahak namin ang daan.

"Ngek? Ang tagal tagal na kaya natin na nakatira dito dika pa sanay? " Segunda naman ng isa at tumawa na ikinatawa ko na din.

Medyo malamig nga sa mga oras na to kahit alas otso na ng umaga.

Isa din ito sa mga namiss ko dito sa lugar nato ang malamig na simoy ng hangin, walang usok ng mga sasakyan malayo sa polusyon at napaka tahimik samahan pa ng nagtataasang mga puno.

"Nanang!! Tatang!! " pagtawag ng isa sa mga kambal na nakaangkas sa likurang bahagi ng bisekleta nang matanaw nito ang mga magulang namin.

Nakita ko naman ang paghinto nila Nanang at Tatang sa ginagawa nila at nagtungo na din patungo sa dereksyon namin.

MR.PROBINSYANO (Meets) MR.ANTIPATIKO (BROMANCE COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon