Twenti Wan ! :)

9.2K 397 21
                                    

A/N : SORRY SA MATAGAL NA PAGHIHINTAY :)

I HOPE, WAG KAYONG MAINIP.

PASENSYA NA, AGAIN KAILANGAN DIN KUMAYOD MARINO NI OTOR.

SYEMPRE KAILANGAN KUMAIN :)

...

( Dice Point of View)

"Grabe, Nakaka-touch naman ang tagpong ito. " Ani nung Joe at ngumisi.

Dahan dahan itong naglakad patungo kay Seb, Sinundan ko lang ito ng tingin, Ano bang dapat kong gawin, wala akong magawa para tulungan sya.

"Siguro naman magdadala kana?" Aniya kay Seb nang tuluyang makalapit ito. Nakita ko naman ang pag angat ng ulo ni Seb at binigyan ng isang matalim na tingin ang impaktong kaharap nya.

"May Araw ka din! " madiing sambit ni Seb. Kita ko naman ang pagsalubong ng kilay ng lalaking kaharap nya.

Nabigla ako ng birahan nya ng isang malakas na suntok si Seb dahilan upang tumumba sya at ang silyang inuupuan nya.

"Tarantado! Kahit kailan talaga matalim ka magsalita." Galit na sambit nung Joe.

Gusto ko sanang lumapit para ayawatin yung Joe ng bigla naman akong hinawakan sa magkabilang braso ng iba pang mga lalaki.

"Tara na Joe, nagtext na si Master." Ani nung isang lalaki na nasa likuran ko naman.

Mukhang mga sindikato ang mga to, Akala ko yung Joe na ang leader, hindi pa pala.

Nilingon lang ito nung Joe at tumango, bago sila tuluyang umalis ay muli nitong nilingon si Seb, ngumisi ito bago nagsalita.

"Magpasalamat ka, hindi ka pinatuluyan ni Boss." Anito at tuluyan ng lumabas ng Kwarto.

Nang tuluyan nang makaalis ang mga lalaki ay agad kong nilapitan ang bugbog saradong si Seb.

Agad ko itong kinalagan mula sa pagkakatali at kahit mabigat ito ay hinila ko ito para maisandal sa pader.

"Wait, tatawag ako ng tulong para madala ka sa Ospital." Ani ko ng maisandal ko na ito sa pader. Walang emosyon ako tinitigan bago nagsalita.

"Wag na.. "

"Anong wag na, tignan mo nga yang sarili mo, grabe ang pasa mo sa ka--- " hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla itong nagsalita.

"Hindi mo ba ako narinig? Wag na! " bulyaw nito sa akin na labis kong ikina asar! Grabe tong isang to, sya na nga ang tinutulungan sya panggana magalit. Napakunot-noo na lang ako bago nagsalita.

"Alam mo napaka-arte mo! Tinutulungan ka na nagiinarte ka pa! " Ganti kong bulyaw sa kanya.

" Ayoko sa Doktor ! At lalong ayaw ko sa Ospital " Aniya at yumuko.

"Saan mo naman balak magtungo mahal na prinsipe?" Medyo may pagkasarkastikong tugon ko sa kanya. Tinignan muna ako nito ng blankong emosyon bago nagsalita.

"Sa bahay na lang, kung saan kita dinala nung nakaraan , wag lang sa Ospital." Mahinahong sambit nito at yumuko.

Parang syang bata, don't tell me takot sya sa doktor? Parang gusto kong matawa sa inasal nito napatakip na lang ako nang bibig para mapigilan ang pagtawa ko.

Marahan ko itong inalalayan patayo at iniakbay ko ang braso nito sa balikat ko.

Inpernes! Mabigat ang isang to.

Nang nakalabas na kami ng Abandonadong Gusali ay sakto naman ang pagdaan ng isang taxi at pinara ko ito.

Agad lumabas ang driver at tinulungan akong maisakay sa back seat si Seb, isasara ko na sana ang pinto ng taxi para sumakay sa front seat ng tawagin ako nito.

MR.PROBINSYANO (Meets) MR.ANTIPATIKO (BROMANCE COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon