( Dice P.O.V )
"No Art. He's mine.. " Ani Seb.
Muli ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
Ganito na lang lagi ang nararamdaman ko kapag may sinasabi sya or malapit ito sa akin.
Naguguluhan na ako, lalo pa ngayon nang marinig ko ang pag amin ni Arthur sa akin.
Pinilit kong hinakbang ang mga paa ko, hanggang sa malagpasan ko na si Arthur.
Naguguluhan ako, pinaglalaruan ba nila ako? Ano to joke. Dalawang lalaki? Magkakagusto at pagaagawan ang katulad kong bakla?
Nadinig ko ang pagtawag ni Arthur sa akin pero hindi ko na ito na gawang lingunin.
Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo sa dalawa ng maramdaman kong lumapit ang ang isa sa kanila at hinawakan ako sa braso.
Batid ko kung sino ito pero hindi ko na pinagkaabalahang lingunin.
Madali kong inalis ang mga kamay nya sa braso ko at nagsalita.
"Please.. Magpakatotoo tayo. Wag nyo akong paglaruan may damdamin din ang baklang katulad ko. " Walang emosyon kong tugon sa dalawa at pinag patuloy ang paglalakad.
Yes! Tama yan Dice, yan isipin mo dahil yan ang katotohanan. Sino bang lalaki ang seseryoso sa isang baklang katulad ko?
Oo may pumapatol, pero pera ang labanan. Ano pa kaya ako?
Bakla nga, wala naman pera wala silang mapapala.
Halos lakad takbo pa ang ginawa ko, Ayokong masundan ni isa sa dalawa, Gusto kong mapagisa.
Madali ko naman narating ang main road dahil sa lakad takbo na ginawa ko.
Iginugol ko na lang ang utak sa pagiisip habang naglalakad.
Wala din naman akong dalang pera naiwan ko kasi yung wallet ko sa bahay nung hambog at heto cellphone lang ang nadala ko kaya naman naisipan ko nalang tawagan sila Nanang at Tatang.
Madali naman nasagot ni Nanang ang tawag ko, nakakatuwa na nakakalungkot.
Nakakatuwa dahil Miss na miss na nila ako at ang nakakalungkot naman miss na miss ko na din sila.
Naging mahaba din ang naging usapan namin ni Nanang at maging si Tatang ay nakausap ko din.
Panay ang kumusta ni Nanang sa lagay ko dito pati din si Jaja ay kinukumusta nya at syempre hindi pa rin nawala ang mga bilin nya. Gusto ko din sanang kausapin ang kambal kaso tulog na daw.
Nang maputol na ang usapan namin ni Nanang ay muli kong tinuon ang sarili ko sa paglalakad.
Habang abala na ako ulit sa paglalakad nang may isang itim na Van ang huminto sa harapan ko, medyo nakaramadam ako nang takot hanggang sa bumukas ang bintana ng Van.
"Diiccee! What are you doing here? "
Napabuntong hininga na lang ako nang makilala ko ito.
"Oh, Chiyo ikaw pala? " Aniko at ngumiti.
"Tara, sakay dito! " Aya ni Chiyo. Tinanggihan ko agad ito pero sadyang makulit talaga ang bruha kaya wala na akong nagawa kung hindi sumakay.
Habang nasa byahe ay panay ang pangungulit ni Chiyo sa akin tungkol sa pagliban ko kanina sa klase panay din naman ang iwas ko sa tanong nito pero sadyang makulit talaga ang isang to kaya napilitan akong sabihin sa kanya kung saan ako galing.
"Oh my gosh! Don't tell me, may something na kayo ni Topak? " gulat na reaksyon ni Chiyo. Agad ko naman itong tinapik sa braso. "Awtss!"
"K-ung ano anong iniisip mo! Baliw! " Aniko
BINABASA MO ANG
MR.PROBINSYANO (Meets) MR.ANTIPATIKO (BROMANCE COMPLETE)
Romance( Author's Note ) Maraming salamat po sa mga sumuporta sa (ZBOL) Grabe ang sarap sa pakiramdam na kahit papaano ay may nakaka appreciate sa story ko i hope kasama ko pa rin sa 2nd Story ko. Heto po. MR.PROBINSYANO MEET'S MR.ANTIPATIKO Isang bromance...