( Seb P.O.V )
Shiit.. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ganito na lang ang nararamdaman ko kapag naririnig ko syang kumakanta o kapag malapit ako sa kanya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko para akong mababaliw na!
What happened?
Mabilis akong lumabas ng kwarto at dumeretso sa kusina para makainom ng tubig, Grabe inuhaw ako doon! Hindi kaya na kulam na ako ng baklang igorot na yon? Tss. Ano ba yan!
pabalik na sana ako ng kwarto ng tawagin ako ni Nanay Cruz agad naman akong lumingon at hinintay syang makalapit.
"Nak, Baka pwede akong makaalis muna, Bigla kasing napatawag ang kapatid ko, Emergency lang. " Ani Nanay Cruz.
"Hatid na kit-- " hindi na natapos ang sasabihin ko ng muling magsalita ito.
"Hindi na malapit lang naman , Dito ka na lang at saka may bisita ka. Osha aalis nako ah? Pakisabi na lang kay Dice ah? " Ani Nanay Cruz at dali dali ng lumabas ng Bahay. Grabe mukhang close na close nya na ang igorot na yun ah?
Pabalik na sana ako ulit sa kwarto ng bigla akong mapaisip.
Wala si Nanay Cruz? So Walang Nanay Cruz? Wala ding Bawal?
Napangiti na lang ako at napatingin sa refrigerator .Walang Liquor Band!
Madali akong nagtungo sa para kumuha ng Anim na Beer na naka in-can.
Actually hindi naman talaga ako binabawal sa alak ni Nanay Cruz. Kaso may araw , limitado kung baga.
Habang abala ako sa pagkuha ng beer nang biglang pumasok sa isip ko yung igorot. Umiinom kaya yun? Eh kung painumin ko kaya yun? Then kapag lasing na sya kukunan ko ng litrato at pwede kong ipang blackmail sa faggot na yun! Galing mo talaga Seb! You're the man.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pabalik ako ng kwarto at bitbit ang bucket na may lamang beer.
Pagpasok ko sa loob ng kwarto ay halata sa mukha nito ang pagtataka dahil siguro sa bitbit ko. Hindi ko na muna pinansin ito at itinulak ang lamesa sa gitna at naglagay ng dalawang upuan sa magkabilaan.
.
.
.( Dice P.O.V )
Alak ba ang nakita ko? May balak ba syang maglasing? Hindi ko nalang ito pinansin pa at itinuon ko na lang ang pangin ko sa Gitara at mahinang tinutugtog.
ilang sandali pa'y ng marinig ko ang patawag nito.
"Hoy, igorot! Lumapit ka nga dito. " Aniya. Hindi ko ito nilingon at nagpatuloy lang ako sa pag-gigitara. Ano nanaman kaya ang pumasok sa kokote nito.
"Hoy, bingi ka ba? Dito lumapit ka! " Anito. Medyo nakaramdam ako ng konting pagkairita dahilan upang lingunin ko ito.
"Ano bang problema mo!" Bulyaw ko. Tinugon lang ako nito ng matalim na tingin. Hindi na ako kumontra pa at marahang lumapit sa kanya medyo masakit pa din kasi ang paa ko.
"Oh? Ano gusto mo? " walang gana kong sambit sa kanya.
"Samahan mo akong uminom. " Aniya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Seriously? Gusto nyang uminom ako? No way! Tinaasan ko ito ng kaliwang kilay bago ulit nagsalita.
"Ayoko! Hindi naman ako umiinom eh! " pagtutol ko. Nahihibang na ba sya? Ayoko, hindi pa ako nakakainom ng alak ever since at wala akong balak tumikim. Nginisian muna ako nito bago muli magsalita.
"Okey, Let's have a deal ! Kapag nakaubos ka ng atleast 5 in-cans, kakalimutan ko na ang utang mo at kakalimutan ko na din ang tungkol sa scholarship mo. " Anito. At talagang may utang ako sa kanya? Grabe na to! Isumbat ba naman ang pagtulong nya? Kung alam ko lang hindi na ako pumayag na tulungan nya ako, hinayaan ko na lang sana na makuha lahat ng ipon ko.
BINABASA MO ANG
MR.PROBINSYANO (Meets) MR.ANTIPATIKO (BROMANCE COMPLETE)
Romance( Author's Note ) Maraming salamat po sa mga sumuporta sa (ZBOL) Grabe ang sarap sa pakiramdam na kahit papaano ay may nakaka appreciate sa story ko i hope kasama ko pa rin sa 2nd Story ko. Heto po. MR.PROBINSYANO MEET'S MR.ANTIPATIKO Isang bromance...