( Seb P. O. V )
Halos ilang oras din ang tinagal ng byahe bago ko narating ang probinsya ng Benguet at ngayo'y narito ako ngayon sa harapan ng gate ng bahay ng magaling kong Ama.
Halos hindi pa din humupa ang galit na nararamdaman ko sa mga oras nato.
Malakas ang paninindigan ko na kahit anong mangyari o sabihin ng magaling kong Ama ay ipaglalaban ko ang pagmamahal ko kay Dice.
Ilang sandali pa'y bumukas na ang gate ng bahay at isang kasambahay ang nagbukas nito, kasunod noon ang paglabas ng isang gwardya na may nakasabit ng armas sa balikat nito
"Sino po sila? " Ani nung gwardya habang tinititigan ako na animoy na ngingilatis. Maging ang babaeng kasambahay ay kinikilatis ako.
"Anak ako ng magaling nyong Mayor.. " Aniko na kinagulat ng dalawa at nagkatinginan pa.
"Seb? " Dinig kong nagsalita na ngayo'y kalalabas lang ng gate. Halata sa mukha ng madrasta ko ang pagkabigla." Ano pang ginagawa mo Marta? Kunin ang mga bitbit ng Sir mo! " Utos ng madrasta ko doon sa kambahay na Marta pala ang ngalan.
Kahit halata pa din sa mukha ang kasambahay ang pagkabigla ay agad pa din itong sumunod sa utos lumapit ito at kinuha ang dala kong bagahe."Tuloy ka ijo.. " Muling baling sa akin ng Madrasta ko at lumapit sa akin akmang hahawakan nya sana ang braso ko pero agad kong iniwas at pumasok na sa loob ng Bahay at iniwanan ko ito.
Hindi gaanong kasundo ang napangasawa ng Ama ko, pero batid ko na may syang mabuting paguugali pero sadyang hindi ko sya kayang tanggapin na maging Ina ko maging ang dalawang kapatid ko sa Ama.
Wala nang ibang papalit sa Ina ko.
Dahil nagiisa lang sya sa puso ko at wala na akong dapat maging Ina maliban sa nagluwal sa akin sa mundo.Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nilibot ko ang pangin ko,
ilang taon na din ang lumipas ng tumira ako sa bahay na ito.
Bigla tuloy bumalik sa alala ko ang lungkot at sakit na naramdaman ko nung panahon na nakatira pa ako dito.
Yung sakit at galit na naramdaman ko ng magpakasal ang Ama ko sa ibang babae, halos wala pang isang buwan mula ng ilibing si Mama.
Parang wala lang sa kanya, kahit lumuha ay hindi ko nakita sa kanya.
Huminga na lang ako ng malalim at tungo na sa isang silid kung saan ko nakitang ipinasok ng kasambahay ang bagahe ko.
Pagpasok ko sa silid ay agad kong inihiga ang pagod kong katawan sa kama. Sa kabila ng galit na nararamdaman ko sa mga oras na to ay may kaunting saya akong naramdaman.
Saya, dahil alam ko at tiyak ko na malapit lang ang agwat ko sa pinakamamahal kong si Dice.
"Hintayin mo lang ako.. " bulong ko sa sarili ko na may kaunting ngiti sa mga labi ko.
Napukaw ang pangin ko sa pinto ng silid matapos bumukas ito, dali dali naman akong napabangon mula sa pagkakahiga ng makita ko ang madrasta ko pala ito.
"Sa susunod matututo kang kumatok." Walang emsyon kong bungad sa kanya.
"S-sorry, nagugutom kaba? Anong gusto mo? Ipagluluto kita. " Aniya at ngumiti.
"Thanks.. But I'm not hungry.." Maikli
Kong tugon sa kanya."Okey, If ever na may kailangan ka just call me.. " tugon nito. Akmang lalabas na sana ito ng muli kong tawagin.
"Hey, wait.. " pagtawag ko sa kanya dahilan upang muli itong humarap sa dereksyon ko.
"Wag kang mag-alala hindi naman ako magtatagal, nais ko lang makausap ang asawa mo.. " Aniko sa kanya habang nakatingin sa ibang dereksyon.
BINABASA MO ANG
MR.PROBINSYANO (Meets) MR.ANTIPATIKO (BROMANCE COMPLETE)
Romance( Author's Note ) Maraming salamat po sa mga sumuporta sa (ZBOL) Grabe ang sarap sa pakiramdam na kahit papaano ay may nakaka appreciate sa story ko i hope kasama ko pa rin sa 2nd Story ko. Heto po. MR.PROBINSYANO MEET'S MR.ANTIPATIKO Isang bromance...